— Flustered —
(adj.) in a state of agitated confusion."What are we going to do?!" Elle asked nervously after Sir Hans left the caft.
I just shrugged.
"Gago! Takot na takot amputa pagbuhulin ko pa kayo niyan ni Hans, eh." Matapang na bulalas ni Dani na akala mo'y hindi rin nagulantang kanina.
Agad siyang tiningnan ni Elle at nagsukatan sila ng tingin. I chuckled to the both of them, "Tigil na nga. Wala naman kayong dapat gawin, wala naman kayong ginagawang masama." I comforted especially Elle.
Tumango-tango si Dani at magsasalita pa sana si Elle ngunit agad siyang pinigilan ng huli.
Natawa na lang ako. Ang dalawang 'to talaga, their attitudes really blend so well.
Hours had passed of Elle being insanely nervous while Dani on the other side was just cursing the whole time. Matapos ang klase ay dumiretso na rin ako agad sa pag-uwi.
"Hazel, si papa?" Bungad kong tanong nang makauwi galing sa eskuwela.
"Wala pa, eh." Sagot niya at tipid akong nilingon saka binalik muli ang atensyon sa kanyang niluluto.
Mula sa malayo ay nalanghap ko na ang bango ng niluluto niyang adobo. Ibinaba ko muna ang bag ko sa sofa bago marahang naglakad patungo sa kusina upang tulungan siya sa ginagawa.
"Ako na riyan," ani ko nang makalapit.
"Hindi na, ate. Pahinga ka na lang."
Matiim na lang akong ngumiti at hindi na nakipag-argumento. Huminga muna ako ng malalim bago napag-desisyunang mag-ayos na lang ng hapag.
Habang inaayos ko ang mga kubyertos sa lamesa ay hindi ko maiwasang maisip kung gaano kabait ang aking tiya maging ang aking pinsan na si Hazel. Kahit kailan ay hindi kami nag-talo, maging si tiya ay hindi ako inalipusta, madalas pa ngang siya ang nagbibigay ng baon ko. Nang mawala si mama noon, akala ko ay matutulad ako sa ibang bata na inaabuso at inaagrabyado.
Yun nga lang, kung gaano kabuti ang kumupkop sa 'kin, siya namang kabaliktaran ng sarili kong ama. Pero kahit na ganoon ay laking pasasalamat ko pa rin dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin ako at patuloy na kinakaya ang hamon ng buhay.
Maliit akong napangiti dahil sa naisip.
"Anong nginingiti mo riyaaan?" Biglang tanong ni Hazel mula sa aking gilid kaya agad akong natigilan.
Sumandok siya ng ulam mula sa kaserola saka maingat na isinalin iyon sa mangkok na nasa hapag.
"Ha? Wala naman," ani ko.
"Sus! Nako ate Clarette, ha!" Marahan niya akong siniko saka nginitian ng nakaka-loko. Ano'ng iniisip niya?
"Hazel, wala naman kasi talaga.." ulit ko.
"Ano nga kasi—" pareho kaming natigilan nang makarinig ng pagdadabog mula sa sala, kasabay ng mga iyon ay ang matining na pagmumura ni papa.
Agad akong napatigil sa pag-aayos sa lamesa at mabilis na binitawan ang hawak na iilang kubyertos, nalaglag pa ang ilan ngunit hindi na ako nag-abala pang kunin iyon sa mula sa sahig.
Nag-simula akong mag-lakad papunta sa sala ngunit natigilan din nang naramdaman ko ang pag-haklit ni Hazel sa 'king palapulsuhan.
BINABASA MO ANG
Amongst The Flames
RomanceWho would have thought that a blaze of fire can change someone else's life? Clarette Bian Del Fuera experienced it first hand. For her, that memory will always feel like yesterday. The flames, the burning houses and all. Because of what happened, it...