Chapter 08

50 4 0
                                        

— Vomit —
(v.) to disorge the stomach contents


Kumalma lang ako nang tuluyan na nakalayo kay Zach. Nilingon ko ang paligid at napaupo na sa upuan sa isang gilid nang hindi ko nakita ang presensya niya.

What was that?

Bakit.. bakit parang ang kumportable niya sa 'kin? Hindi naman kami ganoon kalapit, ni hindi nga niya alam dati ang existence ko.

Napahinga ako ng malalim nang sakto namang may dumaan na waiter.

"Do you want a drink, ma'am?" He offered, napatingin ako sa tray na hawak niya at may laman iyon na iba't-ibang klase ng alak.

Bago pa ako maka-sagot ay agad na siyang nag-lapag ng inumin sa harap ko. Tatanggihan ko sana at ibabalik muli sa kanya ngunit mabilis na siyang naka-alis.

Wala na akong nagawa at napatingin na lang sa inumin, kulay asul iyon at may maliit na palamuti pa sa gilid. Kung hindi ako nagkaka-mali ay 'margarita' ang tawag sa alak na ito.

I've seen this one before on a movie and it is a ladies drink. Napalunok ako, wala naman sigurong masama kung iinumin ko ito 'di ba? Legal age naman na ako, I'm already 18.

Sa huli ay napag-pasyahan kong inumin iyon at nagustuhan ang lasa kaya kumuha ulit ako nang may dumaan na waiter.

"Hey, you're still here!" Zach's voice filled my ears.

Lumingon ako at naabutang umuupo na siya ngayon sa katabing upuan ko.

Ano ba 'yan, wala pang isang oras na nawala siya sa paningin ko at ngayon nandito na naman siya.

"What are you drinking?" He asked, then he glanced to the glasses on the table.

"What? Me? No, I don't drink." pagtanggi ko, napapa-english na. Pero totoo naman na hindi talaga ako umiinom, It's my first time trying it and for some reason.. I felt free.

Pasalamat talaga ako at hindi niya ako naabutang naglalaklak dito. Puwede ko naman sabihin na hindi sa akin 'yan at naki-upo lang ako rito. Ano ba 'yan!

"Sure, as you said." He replied with a smirked, halatang hindi naniniwala sa akin.

Tumikhim na lang ako at hindi na sumagot pa. Gusto ko na umalis pero baka mahalata niyang grabe ang epekto niya sa akin kaya lumalayo ako.

One of Dani's cousin is currently singing, I've decided to leave here on my seat after the performance in the front ends.

Itinuon ko ang atensyon ko sa harapan at ganoon din naman ang ginawa ni Zach. Thank God at hindi na siya nag-salita pa.

Nang natapos na ang kanta ay nag-pasya na rin akong umalis. Nang tumayo ako ay nakaramdam ako bigla ng pagka-hilo kaya naman agad akong napahawak sa aking sentido. Ramdam ko ang pag-ikot ng aking paningin pati na rin ang pamamanhid ng aking mga binti.

"Hey! Are you alright?" I heard Zach asked worriedly as he hurried to my stance.

Napapikit na ako, hindi na nagawang sumagot pa at mas pinagtuonan ng pansin ang sarili. Dahil ba ito sa ininom ko? Ladies drink naman iyon, ah. At naka-dalawang baso lang naman ako.. o tatlo? yata?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amongst The FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon