— Sir —
(n.) used as a naturally respectful form of address."So? What's your fresh gossip?" Elle asked when we're eating.
"May mag su-subtitute kay sir Cabantay!" sagot naman ni Dani habang ngumunguya.
"What do you mean?"
"Sa Philosophy subject, tangeks! Bukas na start ng ST week kaya gano'n! English-english ka pa riyan hindi mo naman ako maintindihan."
Kapag mga ganito talaga ay siya ang palaging updated. Sa sobrang friendly niya ay nasasagap niya 'ata lahat ng chismis at kung ano pa.
Hinayaan ko na silang mag-usap habang kinakain ko ang soup ko.
Nagising lang ako na nandito na sa hospital bed kaya naman agad ko silang tinawagan, kahit gabi na at may pasok kami bukas ay pumunta pa rin sila. Hindi ko na sinubukang contact-in si papa dahil alam kong imbes na mag-alala ay baka magalit lang siya kapag nalaman ang nangyari.
"Wala ka na ngang kuwenta, pag po-problemahin mo pa ako sa bayarin sa hospital!" Naiisip ko pa lang na ganyan ang ibubungad niya ay parang naiiyak na naman ako.
Iwinagli ko ang iniisip at nakinig na lang sa bangayan ng dalawa kong kaibigan.
Halos marindi ang tainga ko sa tabas ng bunganga ni Dani. Napa-iling na lang ako. Buti talaga at sanay na kami, kung ibang tao ang kausap niya ay baka nabigwasan na siya.
"Who will be the substitute?"
"Aba malay ko? Basta ang balita ko guwapo raw!"
"Hmn, I hope we'll learn something from her or him. I didn't learn anything from sir Cabantay." Dani says while pouting her cute pinkish lips.
"Oo nga! Sayang lang binabayad natin sa school. Wala naman tayong natututunan kundi ang talambuhay niya—"
Pare-pareho kaming natigilan nang bumukas ang pintuan.
May pumasok na isang magandang babae at mahaba ang buhok, matangkad siya at may kaputian. Sa tabi niya ay ang mas matangkad na lalaki at medyo moreno, ang mga mata'y tila nagye-yelo sa lamig dahil grabe kung maka-titig.
Just by the looks of them, I can already tell that they are one of those child of a rich family. Itsura at tindig pa lang, isama pa ang mga suot nila ay nagsu-sumigaw na ng karangyaan.
Dani faked a cough, "Ehem, uso ang kumatok. Ano po?" sarcasm is evident in her voice.
"Shin?" sabi naman ni Elle kaya napalingon kami sa kanya. Sino kausap niya?
"Oh, Ellein!" the newcomer girl exclaimed enthusiastically, halatang nagulat pa nang nakita si Elle.
Lumapit sila sa isa't-isa at nag-yakapan. Naiwan naman kami ni Dani na tulala.
"They know each other?" Wala sa sarili kong sabi.
Dani, who's now on my side scoffed. "You know, practical rich kids. Mag a-amiga ang mga nanay kaya pinagka-kaibigan ang mga anak." sabi niya na akala mo ay hindi siya isa sa mayaman na tinutukoy niya.
Magsasalita pa sana ako pero natanaw ko 'yung lalaki na papalapit sa 'min. Agad kong siniko si Dani at sinenyasan.
"Hi?" the man greeted when he got closer, "May I talk to you?" sabi niya sa 'kin at nilingunan si Dani bago ibinalik ulit sa akin ang tingin "..alone?" patuloy niya pa.
Hindi naman nag-salita ang kaibigan ko at tumalikod na lang para umalis. Napansin kong wala na rin sila Elle at 'yung babae kanina. Bale kaming dalawa na lang ng lalaking ito ang nandito, hindi ko alam pero medyo kinabahan ako.
BINABASA MO ANG
Amongst The Flames
RomanceWho would have thought that a blaze of fire can change someone else's life? Clarette Bian Del Fuera experienced it first hand. For her, that memory will always feel like yesterday. The flames, the burning houses and all. Because of what happened, it...