Chapter 01

124 18 1
                                    

— Mental Health —
(n.) the general condition of one's mental and emotional state.


Pagka-harap ko sa salamin ay namumugto na naman ang aking mga mata. Kahit anong tapal ko ng concealer ay hindi magawang takpan nito ang bakas ng iniyak ko kagabi.

"Ayos ka lang?" Tanong ng pinsan kong si Hazel nang maka-pasok ako sa kusina.

Nginitian ko lang siya. Tingin ko ay hindi naman na niya kailangan ng sagot. Alam niyang kahit kailan ay hindi ako magiging ayos.

Kumuha lang ako ng tubig sa ref at saka uminom. Wala akong gana para kumain, pakiramdam ko ay isusuka ko lang iyon.

"Ate Clarette, ano ba 'yan! Kumain ka muna!" sigaw niya nang palabas na ako sa bahay. Ni hindi ko manlang kasi ginalaw ang naka-hain sa hapag.

"Hindi na. Itabi mo na lang iyan para kay papa, baka umuwi siya mamaya at gutom."

Matiim na lang siyang tumango at hindi na sumagot.

Halos tulala ako nang umalis sa bahay, pati ngayon habang nagla-lakad ay parang ang bigat ng bawat hakbang ko.

Muntikan pa akong lumagpas sa babaan kanina, mabuti na lang at may estudyante na nag-para kaya naka-sabay ako.

"Clarrrrrr!!"

"Clarette!"

Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti nang makita ang papa-lapit na mga kaibigan. Ayaw kong makita nila akong lugmok, ayaw ko namang idamay pa sila sa kalungkutan ng buhay ko. At least kahit dito manlang sa school ay sumaya ako kahit papaano.

"Your eyes are swollen! What happened again? Huh?" Elle worriedly says while we're walking.

Pabiro ko siyang hinampas nang lumapit pa siya lalo para suriin ako.

"Nag-puyat kasi ako kagabi kaka-nood sa netflix tapos puro nakaka-iyak yung scene!"

Tiningnan niya ako gamit ang nagdu-dudang mga mata. "What are you watching? That's too long! Ang tagal-tagal na niyan, ah?"

"Tanga! series iyon!" Sabat ng kaibigan naming si Dani. "Ano'ng schedule ba ngayon? Hayop si panot na naman teacher natin!" Pag-iiba niya sa usapan.

Alam kong alam niya ang ang problema ko dahil minsan niya nang nasaksihan ang nangyayari sa bahay nung pumunta siya sa amin.

"Watch your mouth! Someone might hear you!" Sita ni Elle.

"Eh, ano naman?"

Hinayaan ko na lang sila at saka ako dumiretso sa upuan ko. Mula sa bintana ay tanaw dito ang field. Pinanood ko ang mga soccer ball player doon na nagla-laro sa tirik ng araw. Hindi ba sila naiinitan?

Halos matigil ang aking pag-hinga nang nilingunan ako ni Zach, he is one of the player. The great Axe Zachary Yapzon. Hindi ko rin alam kung bakit siya binsagang 'The Great' ang dahilan yata ay dahil sa sports na nilalaro niya, hindi ko naman maintindihan kung bakit dahil wala naman akong alam tungkol sa soccer.

Nakakahiya at naabutan niya akong nakatitig!

Agad akong umiwas ng tingin at itinoon ang atensyon sa harapan. Sakto naman ang pag-dating ni sir Cabantay.

"Walang hiya talaga! Hindi na nga nagtu-turo ang lakas pa ng loob mag pagawa ng kung ano-ano!" naiiritang sabi ni Dani. "Paano kaya kung ireklamo natin siya?"

Kanina pa siya reklamo nang reklamo at hinahayaan lang namin. Hinampas na niya ang lamesa kaya napapitlag kami ni Elle. "Ano ba! Sumagot naman kayo?"

"Just.. just shut your mouth, Daniela. Let us study in peace. Could you?" Mahinhing sabi ni Elle.

I just chuckled.

Matapos ang ilang subject ay nag-recess na at tuwang-tuwa na naman ang lahat.

Kahit hindi ko tingnan ay ramdam ko ang titig sa 'kin ng dalawa kong kaibigan.

"You sure, you're okay?" Elle asked, I can see the concern in her eyes.

I just nodded.

Matapos 'yon ay hinayaan ko silang mag-usap habang iniinom ko ang strawberry milk shake ko, wala talaga akong gana kumain.

"Nga pala, simula na ng student week bukas. Sino kaya mga mag su-sub? Sana naman may substitute si panot 'no? Umay na umay na 'ko sa kanya." Dani blurted out.

Panot ang tawag niya kay sir Cabantay. Minsan ako ang kinakabahan dahil baka ma-guidance siya kapag may nakarinig sa kanya.

"What's student week?" Elle asked curiously.

Hindi na namin nasagot ang tanong niya nang nag bell na; kaya nag-magdali na kaming umakyat para pumasok.

Naka-tulala lang 'ata ako hanggang sa matapos ang klase, at parang walang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero ang hirap talaga mag-focus kapag ganitong ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Natawag pa ako para mag-recite. Mabuti na lang at nakapag-advance read ako kaya alam ko na ang lesson kahit hindi ako nakinig.

I'm already near to our house when I suddenly felt my phone vibrated. I took it out from my skirt pocket and read where the message came from. It was from Hazel.

Insan:
Ate Clarette, huwag ka raw muna siguro umuwi sabi ni Nanay. O kaya ay kahit pagabi ka muna. May problema rito sa bahay. Si Tito nagwa-wala na naman. Naka-inom.

Magre-reply pa sana ako pero naalala kong wala naman akong load.

I just heaved a deep sigh before I continued to walk.

Napapikit ako ng mariin nang biglang nandilim ang paningin ko habang nagla-lakad, pumagilid ako upang hindi matumba. Pinilit kong tumuwid ng tayo kahit na parang pinipiga ang utak ko kasabay ng panghi-hina ng mga tuhod. I immediately hold to the railings for the support.

"H-hey miss, are you alright?" Nahimigan kong tanong ng isang babae kasabay ang pag-alalay niya sa 'kin, ngayon ay tuluyan na akong napaupo sa sahig.

"Okay ka lang?" She asked worriedly.

Hindi ko alam kung tatango ako o iiling. Alam ko naman kung tungkol saan yung tanong niya, pero hindi ako sigurado sa sagot.. Okay lang ba ako? Okay pa nga ba ako?

In the end, I just shrugged.

"Wala naman akong choice.. kundi ang maging okay, 'di ba?"

Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng aking mga luha. Ano ba naman.. Kahit kailan talaga ay sobrang iyakin ko.. Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil wala na yata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak.

"Hey, d-don't cry." The girl said nervously, "God, what should I do?" I heard her whispered.

Hindi ko siya makita ng maayos dahil naka-pikit ng mariin ang mga mata ko sanhi ng labis na sakit ng ulo.

She's mumbling something but I didn't get it. Parang hindi pumapasok sa utak ko ang kanyang mga sinasabi.

"Hans! What are we going to do?!" Ayon lang ata ang narinig ko dahil sa paghi-histerya niya.

I felt someone lifted me from the ground. Naka-pikit na aking mga mata nang naramdaman ko ang marahang pag-yugyog sa akin.

"Hey, miss. Are you okay?" The man whom I assumed named Hans asked, using his cold baritone voice.

Ang hirap kaya sabihin na hindi ka ayos, kaya nga bihira lang sa tao ang umaamin na hindi sila okay.

Hindi ko alam kung bakit palaging tinatanong sa 'kin iyon. Okay saan ba? Mentally? Physically? Emotionally? Why are they always asking the obvious? I am not okay.. I'm deeply hurt to the point that I'm considering doing a suicide..

Hindi ko alam.. Hindi ko na alam! Is there something wrong with my mental health.. Mababaliw na yata talaga ako..

I sobs, "Do I look okay?" Gusto kong sabihin pero hindi na naisatinig dahil tuluyan nang nag-dilim ang aking paningin.

—————
AerVixen

Amongst The FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon