— Crush —
(v.) to experience an intense and usually passing infatuation."Don't you think.. you're being harsh?" hinihingal ko pang sabi nang huminto kami sa mabilis na paglalakad. "..saying that he might be a rapist? That's.. that's not a right thing to say." I added.
"Well—"
"Bakit mo nga pala ako hinatak paalis doon?"
Mukhang natauhan siya at tumikhim saka mabilis na binitawan ang kamay ko na kanina'y mahigpit niyang hawak.
"That guy is well known for being a womanizer," sagot niya sa tanong ko.
"And? It's not like he will do anything to me," I replied, ano ba 'yan napapa-english na ako dahil sa lalaking ito.
"Who knows?"
Hala.. ang judgemental naman niya. May galit ba siya kay Zach? Does he know him? Pero sa reaksiyon kanina ni Zach mukhang hindi niya naman kilala itong si Hans.
Napailing na lang ako.
Matapos naming mag-usap ni Hans ay ni hindi man lang siya nag-paalam. Grabe talaga.. basta na lang siya nag-lakad palayo kaya naman nag-desisyon na rin akong umuwi na.
Nag-text na lang ako kay Dani na mauuna na ako, baka mag-taka siya kapag naabutang wala ako sa library.
Nang maka-uwi ay nginitian ako ni Hazel pagbukas niya ng pinto, naabutan kong naroon si papa sa sala ngunit ni hindi niya ako tinapunan ng tingin kahit pa binati ko siya. Binalewala ko na lang iyon tutal ay sanay naman na ako, mas ayos nang ganoon ang trato niya sa 'kin kaysa naman sa sumisigaw siya.
"Papa," tawag ko sa kanya isang araw habang kumakain kami.
"Oh?"
"With honor po ako," saad ko habang naka-yuko. Kinakabahan ako dahil alam kong hindi naman siya masisiyahan sa balitang iyon.
"With honor lang?" walang pakundangan niyang sabi.
I tightly closed my eyes and balled my fist. Sabi ko na nga ba, eh... bakit pa ba kasi ako umaasa na makaka-rinig ako ng kahit simpleng "congrats" man lang galing sa kanya?
Nanahimik na lang ako at saka pilit pinag-patuloy ang pagkain kahit na tila may nakabarang kung ano sa 'king lalamunan.
Days had passed and I didn't do anything but to study, study, and study. Hindi pa rin mawala sa isip ko na wala akong naisagot sa tanong ni Hans noong nakaraan kaya naman inaral ko talaga ang topic tungkol sa lesson niya.
It's already weekend now but I'm still studying like crazy.
Nagba-basa ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko iyong sinagot nang nakitang si Elle ang tumatawag.
"Oh, Elle. Bakit?"
"Hi! I just called to ask if you already bought something for Dani?" She asked.
Doon ko lang ulit naalala na malapit na nga pala ang birthday ni Dani. Tiningnan ko ang calendar ko at nakitang dalawang araw na lang.
"Wala pa akong nabili, eh. Ikaw ba?"
"Same! Should we buy together?"
"Sure. Ngayon na ba?"
"If you want to?" She said.
Pumayag ako kaya naman nag-sabi siyang pupunta na siya at susunduin ako. Nag-ayos lang ako ng mabilis at sakto naman ang pag-text niyang malapit na siya sa 'min.
"Good afternoon po," Narinig kong bati ni Elle kaya lumabas na ako sa kuwarto.
Nagpa-alam na ako kay papa at matipid lamang siyang tumango.

BINABASA MO ANG
Amongst The Flames
Любовные романыWho would have thought that a blaze of fire can change someone else's life? Clarette Bian Del Fuera experienced it first hand. For her, that memory will always feel like yesterday. The flames, the burning houses and all. Because of what happened, it...