Chapter 03

92 17 2
                                    

— Proud —
(adj.) having or displaying excessive self-esteem


Lumipas ang ilang araw na wala naman ibang nangyari.

Araw-araw kong nakikita si Hans, should I say 'Sir Hans'. Wala namang bago at hindi na ulit kami nakapag-usap. Ni hindi nga siya nag c-call out para sa attendance, may pinapa-pirmahan lang siya na paper sheet para sa mga present. Hindi rin siya nagta-tawag for recitation. Hindi ko masabing tamad siya kasi ang galing niya mag-turo, after ng lesson may quiz agad. Nasa amin na lang talaga kung makikinig kami.

"Elle, lakad mo nga 'tong si Clarette sa pinsan mo." Bulalas ni Dani kaya naman napalingon ako sa kanya. Ang bunganga talaga nito!

"Huh? Sinong pinsan?" Naguguluhang tanong ni Elle.

Nang nakita ni Dani ang masama kong tingin sa kanya ay mas lalo lang lumaki ang kanyang ngisi. "Kay Zach," tumatawa na siya ngayon sabay sabing "..crush mo 'yon diba Clarette?"

"Ano'ng sinasabi mo riyan? Hindi ko gusto 'yon no!" Agad kong tanggi at hinagis sa kanya ang throw pillow.

Habang nang-aasar si Dani ay dumating naman ang maid nila Elle at may dalang mga cookies.

"Thank you po." Sabi namin at nginitian naman kami nito bago muling umalis.

Naunang kumuha ng cookies si Elle. "Crush mo si Zach?" Tanong niya sabay lingon sa 'kin.

"Ha?" I chuckled, ngayon ay kinakabahan na. "H-hindi ah!"

"Sus, crush niya 'yon! Akala mo ba hindi kita nakikita na palaging naka-silip sa bintana para tanawin ang field?" Sabi ni Dani, napaka-issue!

"Bakit, si Zach lang ba ang nasa field?" Panlalaban ko naman.

"At bakit din, Clarette? May ibang mukha pa ba ang Zach na iniistalk mo sa social media?" She teased, ramdam ko na naman ulit ang pag-iinit ng pisngi ko nang nahuli niya ako dati habang sini-search ang pangalan ni Zachary.

"O-okay," pag-suko ko dahil buking na rin naman na. "Pero dati lang iyon! Hindi ko na siya crush ngayon!"

"Wait! I felt left out here, I can't relate." Elle said while pouting her lips.

Ngayong taon lang kasi siya lumipat sa school at ngayong taon lang din namin naging kaibigan kaya wala siya gaanong alam tungkol sa 'min, pati na rin sa mga school activities.

"Dati kasi nahuli ko si Clarette na—" natigil sa pagku-kuwento si Dani nang sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ka ba! Parang hindi naman kaibigan turing mo kay Elle niyan!" She exclaimed then she continued story telling how she catched me peaking into Zach's accounts.

Nakakahiya! Ang awkward kaya kasi pinsan iyon ni Elle.

Nag-kunwari na lang na walang naririnig at pinag-patuloy ang pag-scroll sa aking cellphone. Nasa Job hiring website ako at nagha-hanap ng puwedeng apply-an. Kailangan ko nang mag-hanap ng trabaho para masimulan ang pag-iipon para sa college.

Ngayong senior high ay magaan pa ang gastusin dahil may voucher tapos scholar pa ako ng school kaya wala talaga halos bayarin pero sigurado ako na ibang usapan ang kolehiyo. Kahit makapasok ako bilang scholar ay paniguradong mahal ang mga libro.

Natatakot akong sabihin kay papa ang plano kong mag-patuloy sa college dahil baka imbis na pagalitan lang ay pahintuin niya pa ako sa pag-aaral dahil sa tuition fees. Kay tita naman ay nahihiya akong mag sabi, sobra-sobra na nga yung pinatuloy niya kami sa kanila simula nang nasunugan kami, eh.

"Ma'am Elle, nandito po ang tito at tita mo."

Halos sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa direkyon na pinanggalingan ng boses.

Amongst The FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon