Chapter 04

92 17 2
                                        

— Responsible —
(adj.) liable to be called to account as the primary cause, motive, or agent.


"We will be having a camping next month. Though I know for sure that I'm not your teacher at that time..." Hans announced.

Agad nagsi-ungutan ang mga kaklase kong babae habang tahimik lang ako na nakikinig.

"But I hope y'all enjoy the camp because that's fun." He continued.

"How's that fun if you're not there?" one of my classmate exclaimed, Hans just shrugged and didn't answer. Sungit.

"Okay, let's start our lesson," he said as he began writing something on the board.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko si Dani na natutulog. Sira talaga, tapos sasabihin niya wala siyang natutunan. Napailing na lang ako at saka nilabas ang aking binder para mag-take down ng notes.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa likuran ni Hans habang nagsu-sulat siya ng kung ano sa white board. Kahit nakasuot ng puti at plantsadong long sleeves ay halata ang kanyang matipunong katawan, matangkad din siya at kutis kayumanggi ang balat.

Nang humarap siya ay kitang-kita ang pagiging seryoso ng kanyang itsura, ang tindig ay lalaking-lalaki. Kahit hindi siya madalas ngumiti ay napaka-ganda niya pa ring pag-masdan.

Lumapit siya sa puwesto ko kaya naman nalanghap kong muli ang natural niyang bango.

"Miss Del Fuera,"

Hindi pa rin naaalis sa kanya ang aking paningin nang pumitik siya sa harap ng mukha ko.

"Miss Del Fuera!" Muling tawag ni Hans kaya naman tila nabalik ako sa reyalidad.

Agad akong napakurap. "Y-yes, sir?"

"Why are you spacing out? Maybe you wanna share your thoughts about our topic?"

Mula sa kanya ay nilingon ko ang board at halos magulantang na wala akong alam sa kahit na anong naka-sulat doon!

Saan niya nakuha ang mga iyan?

"Miss Del Fuera?" He probed.

Napayuko na lang ako at naramdaman ang pagka-pahiya dahil wala akong maisagot.

Narinig ko pa ang ilang hagikgikan ng mga babae sa likod ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa presensya ni Hans, o dahil sa akin.

"Ano ka ba! Natural lang sa estudyante na magka-ganon! Masyado kang seryoso sa buhay at pag-aaral, hayaan mo na iyon!" sermon ni Dani saka kinuha sa kamay ko ang librong hawak.

Hinablot ko iyong muli at sinimulan ulit ang pagba-basa. "I need to study, Daniela. Huwag mo muna ako kulitin."

"Hay! Jusko! Ewan ko na talaga! Kakain muna nga ako!" Tumayos na siya at lumabas ng library.

Nagpatuloy ako sa binabasa at seryosong inaral ang mga nakasulat sa libro. Matapos ang nangyari kanina sa klase ay hiyang-hiya talaga ako kaya naman nang mag-uwian ay dumiretso ako rito sa library para mag-aral.

Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para mangarap magka-latin honor kung ganitong hindi ka maka-sagot sa simpleng tanong? Sermon ko sa aking sarili.

"Studying real hard, I see."

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napaatras din ako agad nang halos mag-tama ang mukha namin ni Hans dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

"U-uhm," hindi ko mahanap ang tamang salita.

Ano ba ang sasabihin ko? Ano ba naman kasi ang sadya niya at bakit bigla-bigla siyang sumusulpot dito? Mula sa likod ng aking upuan ay hinawi niya ang upuan sa aking tabi saka siya naupo roon.

Amongst The FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon