A warning from Darcy
To Flavio:
Huwag mo na akong sunduin. OMW to school.From Flavio:
Luh. usjgsjwwmhwiwnwb! jsbekamahoamnc?To Flavio:
Ha?From Flavio:
Hakdog...To Flavio:
Gagi! Binaunan na kita ng kanin.From Flavio:
Okiiieee pooo. Dala ako ulam... Adobo o ako? HihihiHindi na ako nag-reply.
From Flavio:
Sabi ko nga, adobo na lang. Damihan ko pineapple chunks para madami kang makain. Yieeeh, kilig siya. Naol!Sasabihin ko sanang loko siya kaso sayang sa load kaya naisip kong huwag na lang mag-reply.
Alas nueve pa kasi ang klase niya every Wednesday at Friday. Napapaaga lang kapag sinusundo ako sa boarding para sabay kami papuntang school.
Kahiya minsan kasi sa kabilang daan naman ang condo niya. Out of the way itong boarding pero hatid-sundo niya ako madalas.
Medyo malayo kasi ang boarding house sa academy. Bale, isang jeep pa at 200 meters na lakad papasok sa school kasi hindi naman nadaan ang mga jeep sa mismong tapat ng school.
Mas mura rin kasi ang renta rito at 3.5k a month lang kasama na ang tubig at kuryente kaysa sa may malapit sa school na umaabot ng 7k. Kakilala rin kasi ni Flavio ang land lady rito kaya nabawasan at umabot lang sa php 3,500 kada buwan.
Kahit pa sabihing may budget na binibigay ang school para sa dorm, siyempre, roon tayo sa mas tipid.
Sayang kaya!
P.E. uniform lang ang tanging meron sa S.B.A. Simpleng maroon T-shirt lang na may mayroong gold linings at logo ng academy sa harap at may tatak na 'P.E.' sa likod at maroon shorts na may dalawang gold lines sa magkabilang gilid.
Hindi na ako nagdala ng pamalit at tanging ang uniform ko na lang para sa part-time ang bitbit. Iyon na lang ang nilagay ko sa locker.
Alas siete pa lang kaya tumambay muna ako sa may benches malapit sa parang mini-forest at botanical garden since alas otso pa naman ang P.E. class ko.
Masyado akong napaaga ngayon. Dito kumukuha ng samples ang nasa College of Health and Sciences Department ng mga sample cells para sa experiments at laboratory nila.
Tumingala ako. Pasibol pa lang ang araw. May kaunting siwang ng liwanag na sumisilip sa pagitan ng mga dahon. Tinaas ko ang kamay ko at tila pilit hinahawakan ang maninipis na ilaw na tumatagos mula roon.
It was so beautiful. Parang kaisa ako ng kalikasan. Huminga ako habang nakapikit. Naalala ko ang probinsya.
Hindi ko alam pero iba talaga ang kapisanan sa probinsya. Makikinita iyon hindi lamang sa sayaw ng mga dahon kundi maging sa kilos ng mga tao rito.
Ibang-iba.
Muli akong tumingala at sinilip muli ang liwanag na pilit na tumatakas mula sa mga nakaharang na dahon ng mga nagtataasang punong matapang at mayabang na nakatindig.
Haaay...
Ang mga iilang liwanag na tumatagos roon ay maikukumpara sa pag-asa.
Kapara ng pag-asa... nagpapaalalang kahit sa pinakamadilim na parte ng buhay ng tao, mananatili ang pagsiwang ng pag-asang nagmumula sa langit, pero masasaksihan lamang natin iyon kapag tayo'y titingala at magkukusang hahanapin ang liwanag. Kahit pa gaano karami ang dahon ng problemang nakaharang, mananatili ang pag-asa.
YOU ARE READING
Komorebi
RomanceAcademy Series #1 Amanda Reese Villa is not the stereotypical probinsyana. She was never contented. She wanted to be someone capacitated to save her family out of the quicksand of poverty. Every task she was given, she nailed. Every competition she...