Chapter 8

16 0 0
                                    

Itutulog na lang

From Unregistered Number:
Hope you study your part, too and not just spend the night with your boyfriend. My performance grade is also at stake here.

From Unregistered Number:
Just saying

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino ang nag-text dahil alam kong si Rodriguez iyon. I immediately saved his number.

Saan niya naman kaya nakuha ang number ko?

To Rodriguez:
Opo. Alam ko po. Hindi naman ako lumalandi. Issue ka lang, e. Saan mo pala nakuha number ko?

Pagka-send ay agad na tumunog muli ang telepono ko, nangangahulugang may panibagong mensaheng natanggap. Hmmm, nag-reply agad.

Teka, hindi ba 'to nagda-drive? Baka mamaya, maaksidente siya o ano!

From Rodriguez:
You should be sure about that.

From Rodriguez:
I don't want a grade lower than 1.5 just because you opted to put flirting shits first.

Hindi naman ako nagpapabaya. Siyempre, importante rin sa akin itong reporting. Target kong maging DL kaya alam ko na bawat aspeto sa computation ng grades ay mahalaga.

At bakit ba niya parating iniisip na boyfriend ko si Flav? Noong nakaraan niya pa iginigiit iyang nobyo ko raw si Flav.

From Rodriguez:
Number's from the registrar, btw.

From Rodriguez:
And save my number.

Aba, aksayado talaga 'tong taong 'to maski sa load. Pwede namang isang text lang, e.

At registrar? Sa kanila ang SBA pero allowed bang i-disclose ang personal information ng students doon?

"Kunot-noo ka riyan, p're. Lusaw na ice cream mo," Flavio pointed out when I was too engaged with Rodriguez's texts.

I just shrugged it off and had a spoonful of the ice cream.

The day went by so fast. Flavio decided to leave at around 6 and I just spent the night reviewing and practicing my delivery for tomorrow's reporting.

"Kinakabahan ako," bulong ko sa sarili nang nasa room na kami kinaumagahan.

"Did you study your part last night?" Rodriguez asked, swaggering.

Did I say it too loud that he heard?

"Oo, alas once y media na nga ako natulog, e," I reasoned before unconsciously biting my lower lip.

Bakit ba ako kinakabahan nang ganito? Mahabagin! Kinurot ko na lang nang marahan ang mga daliri ko.

Agh, pasmado pa nga!

"Then, you don't have to be nervous if you studied," he shrugged before resting his head on the armchair's back support.

How could he stay so calm and so confident like this? Seriously, doesn't he feel nervous even a bit?

Nang silipin ko ang telepono ko, natanto kong 3 minutes na lang bago ang klase! Naku po! Mas dumoble ata ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Medyo masakit pa ang puson ko dahil mayroon ako. Pinagpapawisan din ako ng malamig kahit thoroughly ventilated naman itong room.

Napahawak ako sa sentido ko. Bakit naman tumaon pang ganito?

I feel lightheaded and nauseous so I pursed my lips and harshly closed both of my eyes but it served nothing to suppress whatever I was feeling.

Aggghhh!

"Hey, I said, don't be nervous. I'm your partner, remember? I'll back you up in case you have mental block or panick attack whatsoever," Rodriguez assured me before holding me by my arm.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KomorebiWhere stories live. Discover now