Chapter 7

18 0 0
                                    

Lumilipad

"Amanda, may naghahanap sa'yo sa loob," agad na bungad sa akin ng landlady namin pagkauwi ko bandang tanghali sa araw ng Linggo.

"Sino raw po?" tanong ko dahil wala naman akong inaasahang bibisita sa akin ngayon.

"Aba, hindi ko na natanong ang pangalan, e pero mukhang artista! Naku, kanya ang magarang kotse na naka-park diyan sa harap," wika niya.

Ah, kanya ba iyong kotseng itim sa harap? Hindi naman kay Flavio iyon dahil dating nagtrabaho ang landlady namin sa mga de la Peña at kilala niya si Flavio kaya nga nabigyan ako ng 500 pesos na discount sa upa rito. Isa pa, kakikita pa lang namin ni Flavio kanina sa hospital kaya malabo.

For sure it wasn't Darcy's as well. Her car's baby pink and she hates black colored cars since she claims black cars were dull and boring. Scratch it, she doesn't like black or anything by that color in general.

Sino naman kayang–

"Hey," ngiting asong bati ni Rodriguez sa akin habang nakatutok sa kanya ang dalawang electric fan sa receiving area ng boarding.

His arms were spread on the wooden sofa as his legs formed a de cuatro, like a king, as if he owned the whole place. He's wearing a white graphic t-shirt, a pair of jeans that's been properly cuffed inches above his black rubber shoes. And as usual, he has a black earring perfectly sitting on his right earlobe. 

May iilang babae ring nakaaligid na kumakausap sa kanya na katabi niya sa upuan. Ayan na naman siya sa mga babae niya. Pati rito sa boarding ay may nadagit pa talaga. 

"Amanda, friend, kanina ka pa hinihintay nitong kaklase mong si Oswin Bryce," the girl stated as she clung her hands unto mine. She's seriously invading my personal space here and I didn't like it.

"Excuse me, sino ka?" iritang tanong ko kaya agad na inalis niya ang kamay niya sa akin. Hindi ko naman talaga siya kilala.

"Grabe ka naman, nagkita tayo noong unang araw mo rito. Sabi mo friends-friends na tayo, 'di ba?" depensa niya. Obviously, wala akong maalalang ganoong eksena.

Kinunutan ko siya ng noo at agad na nagtaas ng kilay, low key asking if she's for real but she seemed to not get my point. Naiiling na lang ako.

Nakaiirita ang pagiging feeling close niya. Hindi masama makipag-close pero naiirita talaga ako sa kanya! Hindi ko alam kung bakit. Basta, may mga ganoon talaga na hindi mo talaga feel ang vibes no matter what.

"Hindi talaga kita matandaan, miss, sorry," sabi ko at pinandilatan niya ako ng mga mata sabay hila pababa sa tube top niya kaya lalong naging lantad ang cleavage niya. Ngumiwi ako roon.

Ano 'to, palakihan ng boobs?

"Don't be too harsh on Bella," singit ni Rodriguez na ikinangiti naman ng babae. Nahuli ko pa si Rodriguez na nakatitig sa cleavage nitong si Miss All Boobs.

Pinigilan ko ang sarili kong mairita dahil kagagaling ko lang sa church. Ayaw kong mawala ang Holy Spirit sa akin.

Lord, patience...

"Anong sadya mo rito?" baling ko na lang kay Rodriguez with a fake smile, iniiwasang mairita o anuman.

"Ah, reporting in major. We're partners. It was sent in GC but I assume you haven't seen it yet? So I took the initiative and went straight here. It's for tomorrow and we're first in line," he answered casually.

Tumango na lang ako sa kanya. Buti pala pinuntahan niya ako ngayon dito kung bukas agad kami naka-assign.

"Can we go to your boarding house unit so we could start working on our PowerPoint presentations? We have a lot to prepare, you know."

KomorebiWhere stories live. Discover now