00:10

519 24 5
                                    

8th of May 2018, Tuesday
Coffee Shop

V I C T O R I A

Weird.

That I'm standing in front of Javi's condo unit.

Weirder.

That I'm swiping through his Instagram feed.

Kakakilala lang namin a week ago yet here I was, waiting for him outside of his unit. Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako sa cold-blooded guy na 'to, e feeling ko nga gustong-gusto na niya akong i-block.

Hindi niya lang siguro magawa kasi ang ganda ko.

Chos.

Baka hindi niya lang magawa kasi he may admit it or not, he really needs someone.

Hindi ko naman sinasabi na ako yun pero hindi rin naman siguro impossible, marami rin naman kasing nagsasabi na sobrang radiant nung positivity ko, that I really have that effect that could cheer someone up.

Sana magawa ko yun sa kanya. Hindi pa naman siguro siya ganoon kabato para hindi makaramdam ng ganon.

"Let's go," he said in his usual dull monotone voice.

Nakalabas na pala siya ng unit niya, sana hindi niya nakita na ini-stalk ko siya sa Instagram niya because that would be so embarrassing.

May hiya pa rin naman ako. Konti. Yata.

Nakasunod lang ako sa kanya. He's wearing his usual get-up which is his black jeans and a white shirt underneath his gray hoodie.

Ang init-init kaya rito sa Pilipinas tapos ganito pa lagi ang get-up niya. Weird.

Pagpasok namin sa elevator, amoy na amoy ko yung pabango niya dahil kaming dalawa lang ang tao sa loob.

I don't know why pero naa-attract talaga ako sa lalake na ang galing ng taste sa pabango nila, just like this cold-blooded guy beside me - sobrang manly ng scent niya. Pero hindi naman ako ganoon karupok para hindi magsalita rito sa tabi niya.

Like hello? Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saan tayo?" I asked, glancing at him.

"Coffee shop. Outside," malamig niyang sagot.

Napailing na lang ako habang nakangisi, wala talagang pinagkaiba yung Javi sa likod ng phone screen at sa personal.

"May payong ka ba?" Bigla niyang tanong nang tumigil siya sa labas ng tower. He glanced at me tapos bigla siyang tumingala. I saw how his Adam's apple bobbled up upon seeing the sun.

"Wala e," nag-aalinlangan kong sagot, looking up to him as I fix my eyeglasses - hanggang balikat niya lang kasi ako.

Napatingin siya sa'kin. Hay, mabuti na lang nakakakita pa ako. Ngayon lang kasi ako naka-encounter ng kagaya niya tapos yung mga mata pa niya.

His dull eyes.

It never crossed my mind that I will find those eyes like him.

His dull eyes that makes you feel fearful and I didn't exactly know why.

"Doesn't matter," he said, still looking at me. "Let's just walk faster," he added, immediately grabbing my wrist as he walks so fast.

Dahil sa paglalakad niya na hindi ko alam kung lakad ba talaga yun o takbo dahil sa sobrang bilis, nakarating kami agad doon sa coffee shop na sinasabi niya.

Hindi ko rin alam kung dahil ba mahina ang aircon dito sa shop o dahil talaga lang mainit yung palad ni Javi na nasa kamay ko kaya ang init-init ng pakiramdam ko.

Lost Beyond SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon