00:50

337 21 10
                                    

1st of August 2018, Wednesday
Santillano Residence, Nueva Ecija

V I C T O R I A

"Hija, anong oras na? Bakit nandito ka pa sa likod ng bahay?" Lola Edna asked. She was standing behind me kaya napalingon ako sa kanya. Nakaupo kasi ako sa backyard porch.

"Hindi po ako makatulog," sabi ko at agad ko din ibinalik ang tingin ko sa langit.

There was that one star shining so brightly. Kagabi pa yun pero madaling araw na andyan pa rin siya.

Is it Manu?

Kahapon pa ako nandito sa dating bahay na tinitirhan ko kasama si Daddy. Iniwan niya 'to sa'kin pero mas pinili kong tumira sa Quezon City kasama si Manu at Tito Emman.

That time, I just want to forget all the painful events I have here. My mom whom I never met, my dad who died, and my siblings who suppose to be the ones taking care of me.

I want to forget all those things but I couldn't let go of this house.

So Tito Emman asked someone to take care of it.

"Simula yata nung matulog hanggang sa magising ako ngayon ay hindi ka na umalis diyan," sabi pa ni Lola. "Nga pala, sinabi mo na ba kay Emman na nandito ka?"

Napasinghap ako.

I was again reminded that I ran away in the middle of Manu's funeral. I just couldn't bear to stay there. Listening to Tito Emman's eulogy, to his whimpers, his every stutter.

Sa aming dalawa, alam kong mas nasasaktan siya.

He just lost his wife and now... his son.

He got nothing left to lose but himself.

I want to be strong for him pero hindi ko kaya.

At least not now.

Especially when I saw my siblings and they couldn't even approach me and acknowledge my existence.

Like I was never a child of our parents.

I couldn't swallow it all.

So I ran away.

Umalis ako sa libing ni Manu. Akala ko rin kasi nung una, kaya ko na. Kaya ko ng magpaalam. Kaya ko ng tanggapin na wala na siya.

Pero hindi pa pala.

Hindi ko pa pala kaya. Hindi ko pa tanggap. Hindi ko alam kung matatanggap ko pa ba.

"Uuwi na rin naman po ako mamaya," sagot ko na lang kay Lola Edna.

Tinanguan niya ako.

"O'siya, magluluto na ako ng almusal. Kumain ka muna bago ka umalis. Isa pa, alas-kwatro lang naman," aniya.

Nilingon ko ulit siya at pinanuod na umalis bago ulit ako bumalik sa tinitignan ko.

Unti-unti ng lumiliwanag.

Naisip ko, andyan pa rin kaya siya hanggang sa sumikat na ang araw?

Lost Beyond SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon