00:47

372 31 34
                                    

6th of July 2018, Friday
Parkinsons General Hospital

M A N U E L

[ one month ago ]

"I'm afraid you will be needing an immediate transplant," Dr. Perez said. "Have you thought about it already, Manuel?"

I didn't took much time to answer her. Kasi, alam na alam ko naman na ang sagot ko roon. "I still haven't thought about it," I lied.

I saw how her face turned worried. Crush na crush ko talaga 'to si doktora noon, kaya halos gusto ko nang tumira sa hospital e.

Pero noon yun. 'Di na ngayon. Tanggap ko na kasi na hindi talaga kami pwede. Engaged na rin kasi siya.

Tsaka, unang-una sa lahat, hindi naman talaga siya yung pinakagusto kong babae o sa madaling salita, yung minahal ko talaga at mahal ko pa rin.

Pero tanggap ko na rin na hindi ko na talaga yata mararanasan pa ang mahalin pabalik.

Yun yata yung maturity na sinasabi ni Tori.

"Manuel, we're running out of time. If you're not gonna decide as soon as possible—"

"What?" Pagpuputol ko sa sasabihin ni doktora. "I may not survive another year?" Matapang kong tanong.

Memoryadong-memoryado ko na kasi ang mga linya nila. Simula pa naman noong magkaroon ako ng leukemia, alam ko na na para akong isang kandila na unti-unting nauupos.

Sinabayan ko na lang kasi anong mangyayari kung magpapakalugmok ako? Ang ikli na nga ng buhay ko, uubusin ko pa sa pagmumukmok. Life is short, ika nga. Kaya mabuhay hanggat maaari. Ngumiti, kahit peke at maging masaya.

Naniniwala kasi ako na desisyon ang maging masaya. Hindi yun hinihiling o hinihintay.

"Manuel," tawag sa'kin ni Daddy. Hindi ko makuha kung galit ba siya o ano sa tono nang pagtawag niya sa'kin.

"Dad, it's the truth. In the end, mamamatay rin naman ako — dine-delay lang natin, pinapatagal lang natin," sabi ko pa sa kanilang dalawa, habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

"Manuel, we have all the money that we need," Dad began. Nanatili ang tingin ko sa kanya. "We have everything that could make it possible for you to live longer. Ilaban na natin ito anak."

I sighed. Hindi naman ako napapagod lumaban, pero ewan. Ako kasi yung napapagod sa ginagawa niya para sa'kin. Ako yung napapagod na makita siya na halos ang daming tinatrabaho, kumita lang ng pera.

Makapagbayad lang ng bills sa hospital, mga therapy, mga gamot, times two pa yun kasi dalawa kami ni Tori. Mabuti nga, nakaraos na kami sa mga utang namin noong si Mommy ang nagkasakit.

Pero ngayon kasi, sa nakikita ko — parang paulit-ulit na lang. Parang walang katapusan, parang hindi matatapos kung walang titigil.

Gustuhin ko man lumaban, gustuhin ko man gumaling, kung kapalit naman nun ay ang paglubog nanaman namin ulit sa utang.

Huwag na lang.

"Doktora, pwede po bang iwanan mo muna kami ng tatay ko?" Pakiusap ko. Tinanguan niya ako pati na rin si Daddy bago siya tumalikod mula sa amin.

Lost Beyond SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon