Kana's POV
Weekdays na naman, pasukan na naman bakit parang ang bilis ng oras? Since tapos na ako kumain lumabas na ako ng bahay ng makita ko na may isa pang kotse sa garahe.
"Ma! May bisita po ba tayo kanino po itong isang kotse?" - sigaw ko but instead na si mama ang sumagot, may asungot na nagsalita.
"Sa akin yan"- sagot niya with pa cool walk vibes, tsk epal.
"Marunong ka pa lang mag-drive?"-I asked.
"Yup, so tara na"- pag-aya ni Mew.
"Huh? Bakit?"-nagtataka kong tanong.
"Same school lang ang papasukan natin remember?"-Mew. Tumango na lang ako at sumakay na kami sa kotse niya.
"Don't forget to put your seatbelt"- Mew.
At dahil nga bago palang siya dito sa school namin kailangan ko pa siyang samahan sa building niya. Since nakakakotse nga kami need pa niyang i-park ito kaya sinabi ko na lang na puntahan nalang niya ako sa may student area. Yon yong place kung saan pwede magtambay ang mga students dahil marami ngang table at upuan doon at madali lang niya iyong mahahanap, kasi may sign board naman. Isa pa doon rin ang tambayan namin ng mga barkada ko si Ayen at si Rhem. At syempre pagkadating ko palang napansin na agad nila na iba ang mood ko kaya panay na naman ang tanong nitong dalawang to.
"Hoy Kana? Ano na bakit ang itim na naman ng aura mo?"- Ayen.
"Break na kayo ng jowa mo noh?"-Rhem
"Oh talaga good news yan!"-sabi ni Ayen at pumalakpak pa. I give them my death glare look bago ako sumagot.
"Okay buti tumahimik na kayo. First di pa kami break ni Angel okay, di naman kami nag-away. Second, kaya ako naiirita at badtrip ngayong araw kasi nga may bwesita kami sa bahay"-sagot ko.
"Hay sayang naman, alam mo naman na diko talaga gusto 'yang jowa mo. Iba talaga kutob ko sa babaeng yan eh, feeling ko there's something wrong"-Ayen.
"Hey, please lang tigil-tigilan niyo na ang pagsasabi ng kung ano ano sa girlfriend ko, and she's nice and sweet naman how come na there's something wrong with her?"- syempre kailangan kong ipagtanggol ang jowa ko mahal ko kaya yon.
"Ah basta binalaan na kita about her na I don't like her for you period"-Ayen. Alam ko naman na concern lang sa akin yang best friend ko na yan kaya ganyan siya.
"Sino nga itong bwesita ay bisita na sinasabi mo?"- tanong ni Rhem. Speaking of the devil parating na siya.
"Siya"- sagot ko sabay tingin kay Mew na ilalapag palang ang bag sa table.
"Ako? Bakit ako?"- nagtatakang sagot ni Mew habang nakaturo yong hintuturo niya sa kanya.
"Oo yong bwesita ayt bisita pala"- natatawang sagot ni Rhem.
"Shiiiaaa ang gwapong bisita naman yan. Ayen is my name, welcome kang bumisita sa amin gusto mo ba?"- Ayen
"Hoy, tumigil ka nga diyan Ayen para kang ewan"- sabi ko.
" I'm Rhem nga pala, bisita ka daw nila Kana, you are?"-Rhem
"I'm Mew, his brother"- as usual nakangiti ulit siya.
"BROTHER!!!"- Ayen and Rhem both said in unison.
"Teka nga lang kailan ka pa nagka kuya? Wait only son ka lang ah may hindi ka ba sinasabi sa amin?"- Rhem.
BINABASA MO ANG
My so called Bro (MewGulf)
FanfictionThere's nothing wrong if you fall in love, but what will you do if you find out that the person you love is a guy like you? and whom you called Bro. An unexpected love between two straight guys. How will they deal with this new kind of feelings that...