Mew's POV
Umuwi ako agad pagkatapos ng pangyayari kanina di rin naman ako makakapagconcentrate sa klase. Nahiga lang ako buong araw sa kama at nakinig ng music, sinabihan ko rin si Tita na 'wag na mag-abala na tawagin akong kumain for dinner dahil busog pa ako. Di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.Nagising na lang ako nong marinig ko na bumukas yong pinto. Tumayo agad ako sa pagkakahiga at kinuha ko yong comforter sa cabinet. Kasi panigurado na galit at mainit pa ang ulo nitong Kana na ito. Kaya I'm sure ayaw niya na nakahiga kami sa iisang kama, ayoko ng makipag-away pa sa kanya kaya ako na lang mag-a-adjust since nakikitira lang naman ako.
"Ano ginagawa mo?"-tanong niya.
"Naliligo"-sagot ko, di ba halata kung ano ginagawa ko.
"Nakakatawa"-Kana.
"Di naman ako nag joke. Di ba halata na kinukuha ko yong comforter?"- sagot ko.
"Bakit? Ayaw mo akong katabi matulog?"-Kana, huh? Ano raw? Wait medyo nalilito ako ah di ba siya galit at maninigaw or mananapak ulit? Lumapit ako sa kanya habang nakaharang yong comforter sa mukha ko, mabuti na yong nag-iingat baka masapak ako bigla.
"Huh ano ulit sinasabi mo?"- just to make it clear na tama narinig ko.
"Okay lang na sa kama ka pa rin matulog and I'm sorry kasi sinuntok kita"- after niya sabihin iyon bigla na lang siyang lumabas ng kwarto, ano nangyari doon nahiya ba siya?Umupo na lang ako sa kama at inilapag sa sahig yong comforter. Nabigla naman ako nong pumasok siya at biglang may inihagis sa akin buti nalang nasalo ko.
"Ice pack bag para sa pasa mo"-sabi niya sabay higa sa kama.Napangiti naman ako.
"Thanks, Bro"- I replied. Habang idinadampi ko siya sa pisngi ko at sa may gilid ng labi ko syempre napapa-aray ako eh masakit pa rin. Malakas talaga siya sumuntok *sigh*.
"Ako na nga"- sabay kuha sa ice pack bag.
"Dahan-dahanin mo masakit"- warning ko sa kanya.Nag-smirk siya sabay diniinan yong pagdampi niya sa pasa ko.
"Sh*t! Kana masakit! Ako na nga"- reklamo ko.
"Sorry na"-natatawa niyang sagot at pinagpatuloy pa rin ang paghawak ng ice pack bag. Bigla namang nagreklamo yong tiyan ko.
"Hindi ka pa kumakain?"-Kana. Napatango na lang ako at napakamot sa ulo.
"Tara sa kusina at magtingin tayo ng iluluto"-pag-aya ni Kana. Ibinigay na niya sa akin yong hawak niya para makapagluto siya, sabi niya hintayin ko na lang siya sa may dining area. Let's see kung ano ihahain ni Chef sa akin, gutom na gutom na talaga ako. After a few minutes ito na ang omelet?
"Omelet?"- diko lang ini-expect na ito ang iluluto niya.
"Uhm"-Kana.
"Bakit omelette?"
"Yan lang pinakamabilis lutuin at kanina pa nag-iingay yang tiyan mo. Ano gusto mo ipagluto pa kita ng full course meal, yong may appetizer, main dish at dessert? So kailan ka pa kaya makakakain?"-sagot niya with matching taas kilay.
BINABASA MO ANG
My so called Bro (MewGulf)
FanficThere's nothing wrong if you fall in love, but what will you do if you find out that the person you love is a guy like you? and whom you called Bro. An unexpected love between two straight guys. How will they deal with this new kind of feelings that...