US:Our Next Chapter

172 9 5
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nong aminin ni Mew ang tunay na nararamdaman niya para kay Kana. At hanggang ngayon hindi pa rin niya lubos maisip na boyfriend na niya ito.Malaya ng naipaparamdam ni Mew kay Kana kung gaano niya ito kamahal.

"What's our dinner tonight Bii?"- malambing niyang tanong kay Kana, niyakap niya ito at sabay hinalikan sa balikat.

"Chicken Curry,nakapulupot ka na naman sa akin Boo, di ako makagalaw ng maayos oh"-reklamo ni Kana while setting the table.

"Gusto kitang yakapin eh, ang bango mo can I eat you?"- Mew said using his seductive voice.

"Di mo ako madadaan sa kalandian mo umupo ka na dito bago ko pa ihampas sayo itong platong hawak ko"-pagbabanta ni Kana.

"Naglalambing lang eh"- sabi ni Mew sabay halik sa pisngi ni Kana at umupo na.

"Love you Boo"-biglang sambit ni Kana na nagpangiti kay Mew habang kumakain.Kitang kita sa kanya na sobrang kinikilig siya samantalang si Kana namumula na naman ang pisngi.

"Ikaw maghuhugas ng pinagkainan okay"-Kana.

"Oo ba, gusto mo paliguan pa kita eh"-Mew,

"Kakain ka ba o haharot?"- sabay angat ni Kana ng tinidor niya.

"Ito na nga"-natatawang sambit ni Mew.

"Hindi ako makakain ng maayos dahil sayo, sobra mo akong pinapakilig"- sagot niya sabay subo ng pagkain. Masaya silang natapos kumain sinunod naman ni Mew ang sinabi ni Kana na siya ang magliligpit ng kanilang pinagkainan. Habang si Kana naman ay abalang hinihiwa ang cake na ginawa niya. Pagkatapos maghugas ni Mew lumapit siya kay Kana.

"Anong ginagawa mo Bii?"-Mew

"Nag-ba-barbeque, nakikita mo naman di ba kung ano ginagawa ko"-sarkatisko niyang sagot.

"Ang sungit Bii"-sabay yakap nito mula sa likuran ni Kana.

"Meron ka ba ngayon?"-natatawang saad ni Mew.

"Nakakatawa, bitawan mo nga ako!"-pagsusungit ni Kana.

"Sorry na Bii huwag ka na magsungit, patikim na lang ako niyang cake na gawa mo"-Mew. Kana sliced a small portion of cake and put it in Mew's mouth.

"So how does it taste?"-Kana. Umakto naman si Mew na parang sinusuri niya ang lasa ng cake na gawa ni Mew.

"Uhm, parang may kulang"-Mew answered.

"Huh? Really?"- Kana replied then he tasted the cake.

"Okay lang naman yong lasa ah, anong pang kulang?"-pagtatakang tanong ni Kana.

"Wait may idea ako"-sabi ni Mew kumuha siya ng icing mula sa cake at ipinahid niya ito sa labi ni Kana. Hindi na nakapagsalita pa si Kana dahil agad siyang hinalikan ni Mew.

My so called Bro (MewGulf)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon