Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng dumating si Mew at tumira kila Kana. Sa loob ng mga araw na iyon nasanay na rin si Kana na may kasama sa kwarto niya. Dahil nga nasa iisang bahay at kwarto lang sila naging malapit na rin sila sa isa't-isa. Simula nga noong magkasundo sila halos hindi mo na sila mapaghiwalay, lagi ng sumasabay kumain si Mew at Arhys na mag-lunch kila Kana. Sabay pumasok sa school at umuwi ng bahay, kung minsan kahit walang klase si Mew sinusundo niya pa rin si Kana.
Rhem's POV
"Ayen wala ka bang napapansin kay kuya Mew at Kana?"
"Like what?" – Ayen.
"Madalas sila magkasama tapos di na rin natin halos nakakabonding si Kana."
"Hmm ano nagseselos ka kay kuya Mew? Ikaw tigil-tigilan mo ko alam naman natin na ang namimiss mo kay Kana ay yong mga libreng desserts na ginagawa niya "- nadali mo Ayen.
"Parang kailan lang halos isumpa niya yang si Kuya Mew tapos ngayong sobra ang closeness. Tapos alam mo ba na yang si kuya Mew eh sikat na dito sa school. Ang dami na ngang nagkakagusto sa kanya"
"Sino ba namang hindi makakakilala sa napakagwapo at pinakabagong member ng swimming team? Shiiiaaa napaka perfect ng katawan ang sexy niya, kaasar kung pwede ko lang siyang panuorin lagi magpractice hayy—ARAY!"-angal ni Ayen. Binatukan ko lang naman dahil pinagpapantasiyahan na naman niya si Kuya. Crush na crush niya talaga eh.
"Ikaw di ka na talaga nagbago, alam mo naman na kapatid lang turing sayo ni kuya Mew diba. Siya na nga mismo nagsabi para wala kang asahan sa kanya"- Yep sinabi talaga agad ni kuya Mew yon kasi ayaw niya na mas lumalim pa yong pagkagusto sa kanya ni Ayen.
"Oo alam ko naman iyon tsaka hanggang crush lang okay, di naman na ako umaasa tsaka close naman na tayo sa kanya kaya okay na okay lang maging kapatid sa patingin niya, hahaha may label pa rin naman"-napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Habang naglalakad kami sa may hallway nakita ko si kuya Mew at si Angel sa may bleachers.
"Ayen si kuya Mew at Angel yon oh"
"Saan? Di ko makita"-Ayen.
"Sa bleachers ka kasi tumingin"- kung saan-saan kasi tumitingin, napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Aba't itong haliparot na babaeng 'to lakas ng loob makalapit kay Kuya Mew"-akmang susugod na siya kila kuya, kaya hinawakan ko agad siya sa balikat niya para pigilan.
"Anong balak mong gawin huh? Eh mukhang nag-uusap lang naman sila."- sabay turo ko sa direksyon nila.
BINABASA MO ANG
My so called Bro (MewGulf)
FanfictionThere's nothing wrong if you fall in love, but what will you do if you find out that the person you love is a guy like you? and whom you called Bro. An unexpected love between two straight guys. How will they deal with this new kind of feelings that...