Cryhs's POV
"Wag na wag kang sasama sakanila." sambit niya.
"Huh? Kanino ako hindi sasama?" naguguluhang tanong ko.
"Sunday night, stay in your dorm."
Pagkasabi niya nun ay umalis agad siya na parang nagmamadali. Yun na yun? Pinapunta niya ako dito para sabihin yun? Ang gulo naman.
Ano bang meron sa linggo? Wala akong alam sa sinabi niya!
Sunday night, at nandito ako sa tapat ng malaking gymnasium. Kasama ko sina Kaliah, Justin, Luiz at Dennis.
Ito ba ang sinabi ni Laettner? Sumama ako kahit pinilit nila akong wag sumama. Simula ng napunta ako sa school na ito, tumutigas na ang ulo ko.
"Sabi ko sayo Kaliah wag mo na isama si Cryhs. Tayo ang malalagot." sabi ni Luiz.
"Hoy bobo! Sa tingin mo ba gusto ko siya isama dito?! Sa tingin mo ganun ako ka-tanga?!" singhal ni Kaliah.
"Eh bakit? Tanga ka naman talaga ah."
"Babe inaaway ako ni Luis oh." sumbong ni Kaliah kay Justin.
Kanina pa nag-aaway sila Kailah at Luiz, kanina pa din ako palinga-linga.
"Hayaan mo na yan Babe, bakla kasi yan."
"Gago ka Justin! Akala ko ba Bros before hoes?!"
Wala na akong maintindihan sa kanila. Basta ginusto ko toh, kung dito na ako mamamatay, sana hindi pa niluluto si Letchon. Miss ko na baboy ko.
Maya-maya pa ay nagbukas na ang malaking entrance ng gymnasium. Hindi pa ako nakakapasok dito, kaya medyo excited ako. Pero ang sumalubong saamin ay makapal na usok, wala naman siyang amoy at Hindi din masakit sa mata.
Sobrang dilim ng buong gym, at usok lang ang nakikita ko, pati na rin ang malalaking stocks ng karton. Parang magkakaroon ng gera dito ah?
Kinakabahan na naman ako. Lalo na ng may narinig akong nag kasa ng baril. Pano na yan? Eh kanina pa ako naiihi dito eh. Huhu. Masyado akong kinakabahan.
"Tss. The cheaters are back. Sabi bawal daw mag dala ng armas, pero may narinig na agad akong kasa ng baril." bulong saamin ni Dennis.
"Kaliah, may CR ba dito? Naiihi kasi-" di ko natapos ang sasabihin ko.
"No! Whatever happens sakin ka lang dumikit. Ngayon ka pa ba pupuntang CR?" sagot niya saakin.
"2 minutes nalang, simula na. Bye guys, kita-kita nalang tayo mamaya, sana buhay pa kayo." sabi ni Dennis at saka nalang nawala sa tabi namin.
Sunod-sunod silang umalis, kami nalang ni Kaliah ang natira dito.
"Bakit kailangan nilang umalis?" tanong ko.
"They have to find their own weapons, kaya nanaman sarili nila. Basta wag mong bibitawan ang damit ko, hawakan mo lang yan palagi."
Wala pang isang minuto ng nakarinig na kami ng ilang tunog ng baril. Ayoko na, sobrang nakakatakot. Pero parang wala lang iyon kay Kaliah.
Biglang may malakas na putok ng baril, sobrang lapit lang ng tunog saamin. Natanggal ko ang pagkakahawak sa damit ni Kailah! At mabilis din siyang tumakbo.
Now I'm in the middle of nowhere.
Naiiyak na ako.
Sobrang bilis tumulo ng luha ko, tumalikod ako saka nakita na nasa tapat pala ako ng CR! Pero hindi na ako naiihi, puro takot lang ang nararamdaman ko.
Mas natakot pa ako ng may biglang nanghila saaking pulso. Matangkad na lalaki iyon, wala na akong lakas kaya nagpahila ako. Umakyat kami sa hagdan, saka pumasok sa isang kwarto.
"Sabi ko sayo wag kang sasama sakanila."
Napatigil ako ng pag-iyak. Si Laettner ang humila saakin. Siya ang kasama ko ngayon.
Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto, puno ito ng TV na naglalaman ng kung anong nangyayari sa gymnasium. Mga CCTV ito, at kitang kita ko ang bawat sulok ng gym, nakikita ko din ang lahat ng tao. Ang dami pala nila.
Unang hinanap ng mga mata ko ay si Kaliah. Nakita ko siya sa isang camera at napanganga nalang ako ng makita ko ang ginawa niya.
She used a chainsaw to cut someone's arm!
Kaliah's POV
The fvck?!
Nasaan napunta si Cryhs?
Sabi ko sakanya hawakan niya lang ang laylayan ng T-shirt ko. Ngayon wala na akong kasama. I can manage myself, but I'm worried for Cryhs. Sobra.
May nakita akong nagtatago sa malaking karton sa daanan ko. Tss, iniintay ata ako nito. Mukhang baguhan, di marunong magtago, in the first place, bat siya nagtatago?
Kawawa ka naman dodong.
Sige na nga dadaan na ako dodong, papahuli ako.
Bago ko pa madaanan ang karton, tumayo na agad siya sa harap ko, saka ako sinuntok, pero nahawakan ko agad ang braso niya.
The heck? Bat ang lamya nito? Binali ko lang ang braso niya pero naiyak na agad siya sa sakit. Kinuha ko ang baril sa may bewang niya saka binaril siya sa paa. After nun, sa may tiyan ko naman siya binaril.
Sorry ka dodong, bat ka pa kasi sumali dito. You entered here, might as well deal with the consequences.
Kinuha ko na ang baril niya, saka naglakad-lakad ulit.
Sa di kalayuan, may nakita akong babaeng may hawak ng Chainsaw. Wow, what a nice view. Pinapaandar niya yun na parang sinasadyang iparinig sa iba. Tss, nakikita ko palang ang chainsaw ay sobra na akong na-e-excite.
Nilapitan ko siya saka siya sinakal galing sa likod. Nabitawan niya agad ang chainsaw, pilit na tinatanggal ang pagkakasakal ko sakanya.
Sorry, I need the chainsaw.
After ng matagal na pag sakal ko sakanya gamit lang ang braso ko ay hindi na siya gumalaw. Patay na! Alright kukunin ko na ang kailangan ko.
My favorite weapon.
Walang pwedeng lumapit saakin pag hawak ko na ang chainsaw.
May narinig agad akong putok ng baril. Nasa likod ko ang lalaking nag-putok nun. Ano ba naman yan! Ang lapit ko na hindi niya parin ako natamaan? Duling ka ba dodong?
Nagulat siya ng humarap ako sakanya na may hawak na Chainsaw. Kung ako sayo, tumakbo ka na.
Pero hindi, nakipag agawan pa siya saakin! The fvck? Hinila ko ng sobrang lakas ang chainsaw kaya napaupo siya, pero mas lalo siyang napalapit sa isang baril.
Kinuha niya yon saka itinutok saakin, but sorry, naunahan ko ang braso niya.
I used my chainsaw to cut his arms. Kaya ayan, wala na siyang isang braso, hindi niya na natutok saakin ang baril at naiyak na siya habang sumisirit ang dugo galing sa putol niyang braso.
I also wanted to cut his legs but someone already shot him dead. Napatingin ako sa likod ko.
"Justin?! Babe, what are you doing here?"
"Following you. Wag ka naman masyadong brutal. First night battle of the school year toh, don't torture someone. Patayin mo na kung gusto mo siyang patayin."
BINABASA MO ANG
Sardonyx Academy: School of Darkness
Roman d'amour𝐒𝐀𝐑𝐃𝐎𝐍𝐘𝐗 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘: 𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐨𝐟 𝐝𝐚𝐫𝐤𝐧𝐞𝐬𝐬. 𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐞𝐛𝐞𝐥𝐬, 𝐛𝐮𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐚𝐝 𝐛𝐨𝐲 𝐨𝐫 𝐛𝐚𝐝 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬 𝐥𝐢𝐯𝐞. 𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐛𝐞...