Kabanata 8 - Debut

35 3 0
                                    

Napuno ng magagandang palamuti ang labas ng Hacienda Eldovaro, handang-handa na para sa engrandeng birthday debut ni Tasha.

Nasa kwarto pa siya, tinititigan ang gown na kakaburda pa lang. Kulay gray ito, umaagos ang ningning mula sa mga pilak na disenyo sa ibabang bahagi. Ang itaas nito ay open shoulder, na nagdadala ng eleganteng vibe, habang ang ribbon sa likod ay nagdadagdag ng isang piraso ng dramang pinalutang ang kanyang likod. Sa kanyang mga kamay, may mga gwantes na may kasamang detalyadong burda, na parang pinaparamdam sa kanya na siya ay isang prinsesa sa kanyang sariling kwento.

Maya-maya'y pumasok si Yaya Sol at tutulungan daw siya nitong makapaghanda. Mabuti na rin iyon para mapadali ang pag-aayos niya.

"Ang ganda mo," papuri nito pagkatapos.

"Salamat po," sagot niya at humarap sa salamin.

Napahanga nga siya sa sarili dahil bagay sa kanya ang gown. "Nakakapanibago."

"Maligayang kaarawan, Señorita."

"Salamat po, Yaya Sol."

"Siyanga pala, pagka-alas-sais ay ibababa ka na ni Don Hugo para salubungin ang sorpresa at harapin ang mga bisita."

Tumango siya at nagpaalam na ito.

Patuloy naman siya sa paghanga sa sarili dahil nagmukha siyang Prinsesa. Parang panaginip lang ang lahat.

Nang sumapit na ang alas-sais ay may kumatok na sa kanyang pinto.

Tinungo niya iyon at binuksan.

"Dad..."

"Ready ka na, anak?" masaya nitong tanong.

Tumango siya at lumabas na ng silid.

"Happy birthday, anak."

"Salamat po."

Nakakapit siya sa bisig ni Don Hugo at nagsimulang kabahan.

Nang pababa sa hagdan, namangha siya sa nakita. Puno ng makikinang na ilaw sa sala at maraming pagkain hanggang sa labas.

Lalo siyang namangha dahil nandoon ang inay at Itay niya, sina Macky at ibang kaibigan.

Hinagilap ng mata niya ang presensya ni Fretz pero wala ito, pati si Julie ay wala rin.

Nalungkot siya dahil sa naisip pero pinilit ngumiti para sa taong nandito sa debut niya.

Nang tuluyang makababa ay ipinakilala na siya ng Don.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Nais kong ipakilala sa inyo ang anak kong matagal na nawalay sa amin. Isang biyaya na matagal nang inilaan sa akin at ngayon nga'y kapiling na namin. Ang bunso kong anak na si Tasha Sterling."

Malakas na nagpalakpakan ang mga tao.

Sinimulan na rin ang selebrasyon ng debut niya; ang greetings, 18th roses, at messages.

Natapos iyon lahat na wala si Fretz. Kinalimutan niya muna ang Fretz na iyon at nilapitan ang mga magulang.

Napansin niyang nakahabol ang doktor na nagsagawa ng DNA test.

"Anak!" masayang tawag ni Mela. "Ang ganda mo."

"Inay..." niyakap niya ang mga ito. "Masaya po ako dahil nakarating po kayo."

"Oo naman, anak," sagot ni Dino.

Napansin yata ni Mela na malungkot siya. "Anak, ayos ka lang ba?"

"Opo," tumawa pa siya. "Kayo po ang best gift ko."

Natuwa ang mga ito.

Maya-maya'y nagsikain na ang mga bisita.

Bigla namang dumating si Fretz at nag-decide siyang hindi ito papansinin.

Horizon of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon