Kabanata 4.2 - Ang Muling Pananabik

41 5 0
                                    

Isang taon pa ang muling lumipas at naging abala ang lahat sa pag-aani ng maraming tanim sa Hacienda Eldovaro.

Masaya si Tasha sa nakikitang hitik na bunga ng iba't ibang prutas.

Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa na-imumungkahi kay Don Hugo ang balak na paggawa ng perfume dahil naroon pa rin ang takot sa kanyang dibdib.

"Tasha!" sigaw mula sa likuran niya.

"Macky! Ano iyan?"

Masaya nitong binigay sa kanya ang bulaklak na rosas.

"Galing pa iyan sa kabilang bayan. Special for you," at mukha itong kinilig.

"Naku, salamat hah." Tinanggap niya iyon.

"Ahmmm....Tash..." hirit nito.

Napansin niyang may gusto pa itong sabihin. "Ano 'yon?"

Nahihiya pa ito. "Alam mo, napakaganda mo. Para kang perlas sa kailaliman ng kaharian sa dagat. Ang iyong mga mata'y kayumanggi na kasinglinaw ng buhay ko. Ang iyong labing mapupula na pamanang lahi ng mga prutas dito sa Hacienda."

Natawa siya ng malakas. "Anong biro ba 'yan? Hindi naman yata tugma."

"Totoo, Tasha. Ikaw ang pinakamaganda sa lugar natin."

Lalo pa siyang natawa. "Bolero ka rin."

"Tyaka, next month ay debut mo na. Nag-aapply rin sana ako para sa last dance mo."

"Hoy! Wala akong plano para sa 18th birthday ko, no?" tumalikod na siya dahil biglang naalala si Fretz.

Wala na nga yata itong balak na umuwi.

"Kung gusto mo, kahit ako na lang ang kasayaw mo."

"Mack, hindi nga, okay? Balik ka na sa trabaho mo baka pagalitan tayo ni Don Hugo at marami pa tayong aanihin."

Nagpatuloy na siya sa kanyang gawain pero ayaw umalis ni Macky.

Patuloy ito sa pangungulit. "Kahit ipagluto na lang kita?"

"Hindi pa rin."

"Kahit bigyan na lang kita ng maraming flowers?"

"Lalong hindi."

Sige pa rin sa pangungulit si Macky, pero hindi na niya ito pinansin hanggang sa may boses na nagbigay ng malakas na tibok sa puso niya.

"Hey, stop messing with her," ani nito, may diin ang boses na tila naglalaman ng proteksyon.

Natigilan si Macky at matalim na tinitigan ang dumating. Yumuko ito at bumati. "Señorito Fretz."

Matapos niyang marinig ang pagbati ni Macky, tila nawalan siya ng lakas.

Hindi niya alam kung totoo ba na nandito si Fretz. Ang mga alaala ng kanilang pagkakaibigan ay bumalik—ang mga tawanan, ang mga lihim, at ang mga pangarap na tila napag-iwanan.

Ano ang ihaharap niya dito? Puno na ng pawis ang mukha niya at siguradong napaka-gwapo na nito ngayon. Ang mga mata ni Fretz ay naglalaman ng tiwala at determinasyon, na parang siya lamang ang taong importante sa mundo nito.

"Leave us alone," utos ni Fretz.

Sumunod si Macky kahit yata labag sa kalooban nito.

Nang maiwan silang dalawa, nagpanggap siyang abala sa ginagawa, ngunit gustong-gusto na niyang harapin ito at kumustahin.

"Tasha..." tawag nito, ang boses na kay tagal niyang hinanap.

Tila nasa langit siya nang marinig ang tinig na iyon. "I'm calling you..." pag-uulit nito, na may halong saya.

Horizon of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon