Kabanata 4 - Ala-alang Hinahanap

40 5 0
                                    

Kinabukasan, ingay ng mga sasakyan ang nakapagpagising kay Tasha.

Noon niya naalala na ngayong araw ang pag-alis nina Fretz at April patungong Manila.

Muli siyang nalungkot dahil gusto niyang puntahan ito pero bawal.

Lumabas na lamang siya ng bahay at taimtim na nagdasal para sa tagumpay ng binata.

"Mananatili kang kaibigan, Fretz," aniya sa sarili.

Pagkatapos ay muli na siyang pumasok sa loob ng bahay.

Makalipas ang ilang araw, lalong lumala ang pagkaka-miss niya kay Fretz pero wala siyang magawa.

Naging abala siya sa sariling buhay.

Makalipas ang dalawang taon ay nakatapos na siya ng high school pero napagpasyahan niyang tumulong muna sa mga magulang sa pagtatrabaho.

Sa dalawang taon na iyon ay wala siyang balita kay Fretz. Nami-miss niya ito.

Abala siya sa pagpipitas ng mga bunga ng ubas nang lumapit si Macky.

"Hi Tash..."

Napaharap siya. "Oh...dito ka ba na-assign?"

Umiling ito. "Gusto lang kitang makita."

Ngumiti siya. "Balik ka na sa trabaho mo, mapapagalitan ka niyan ni Don Hugo."

"Sige, Tasha, huwag ka lamang magpapagod ah."

Tumango siya at umalis na ito.

Nagpatuloy siya sa pagpipitas at maya-maya'y may yabag na naman siyang naririnig.

Pagharap niya ay nagulat siya. Si April!

Ibig sabihin ay narito na rin si Fretz?

Natigilan siya at napangiti. "Ma'am April, kumusta po kayo?"

"How pathetic! Huwag kang mangarap dahil wala si Fretz kung nais mong malaman. To be honest, may girlfriend na siya, si Julie. He's in love with her so much. Huwag ka nang mangarap ng mataas! Doon ka nababagay sa lalaking kausap mo kanina!" at tumawa pa ito ng mapang-asar, "Hindi ka bagay sa kapatid ko."

Iyon lang at iniwan na siya.

Imbes na natuwa kanina ay napalitan iyon ng lungkot.

"Alam ko na hindi ako bagay para sa kanya pero kaibigan niya pa rin ako," aniya sa sarili.

Napa-isip siya sa sinabi ni April na may syota na ito. Totoo kaya iyon?

Kung gayon, may babae nang mahal si Fretz. Paano siya?

Sinuway niya ang sarili dahil mali, kaibigan lamang ang turing ni Fretz sa kanya at hanggang doon lang iyon.

Kinalimutan niya na muna ang iniisip at nag-focus sa trabaho baka si Don Hugo na naman ang makapuna sa kanya.

Pagkatapos ng buong araw na trabaho, kaagad na nagpahinga si Tasha at muling naisip si Fretz.

"Kumusta na kaya siya? Nami-miss niya rin kaya ako? Kailan siya bibisita dito?"

Napasulyap siya sa mga bituin sa kalangitan nang siya'y dumungaw sa bintana. Patuloy siyang umaasa na sana hindi siya kakalimutan ng binata.

Pagkatapos ay nakaidlip na siya nang mahimbing.

************************************

Sa lugar ng Manila kung saan naroon si Fretz, kasama niya ngayon si Julie na isang buwan na niyang karelasyon.

Niligawan niya ito dahil sa pustahan ng kanyang mga barkada. Dahil tapos na ang isang buwan na kontrata, bukas ay hihiwalayan na niya ito.

Umuwi na rin si Julie. Bago siya natulog ay pumunta muna siya sa terrace at napatingin sa mga bituin.

Horizon of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon