Kabanata 6 - Señorita ng Hacienda Eldovaro

48 5 0
                                    

Ilang araw nang napapansin ni Tasha na hindi mapakali ang Ina niya. Pati na rin siya ay naguguluhan sa isyung kumakalat sa kanilang lugar na mayaman na daw siya at makakatira na sa isang Paraiso.

Lahat ng iyon ay hindi niya pinansin dahil alam niyang mapagbiro ang mga tao sa kanila.

Isa sa mga napansin niya ay ilang araw na ring hindi nagpapakita sa kanya si Fretz. Napaano na kaya ito? Nami-miss na niya ang ngiti nito.

Maya-maya'y tinawag siya ni Mela.

Lumapit siya. "Bakit po, nay?"

Niyakap siya nito at dumating naman si Dino. "Oh, anong ganap? Pasali sa yakapan ninyo."

"Dali po, itay," masaya niyang tugon.

"Anak, Tasha, may dapat kang malaman."

Pareho silang nagulat ni Dino.

"Nakaka-tense po, inay."

"Isang bagay na matagal kong inilihim sa inyo ni Dino."

"Bakit, mahal?" nagtatakang tanong ni Dino.

"Tungkol sa tunay na pagkatao ni Tasha," tuluyan nang naluha si Mela. "Tungkol sa tunay mong ama."

"Po?" gulat na gulat siya. "Tungkol po kay Itay?" at hinarap niya si Dino. "Bakit po, tay?"

Hinawakan ni Mela ang balikat niya. "Si Don Hugo ang tunay mong ama."

Para siyang nakarinig ng malakas na pagsabog sa narinig at ayaw niyang maniwala.

Ang kanyang tatay Dino ay lumayo sa kanila at nagpasyang lumabas.

"Nay, huwag po kayong nagbibiro ng ganyan."

"Patawarin mo ako dahil ngayon ko pa inamin." Niyakap siya nito.

"Nay.... Hindi po iyan totoo." Pilit siyang kumakalas dito.

Lumabas siya at hinarap ang ama. "Itay, ikaw lamang po ang tunay kong ama. Itay...." Yumakap siya dito.

Naiyak na rin ito. "Patawad, anak. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Maski ako, hindi ko alam. Masakit, anak."

"Itay, hindi po iyon totoo."

Maya-maya'y may humintong sasakyan sa harapan ng bahay nila at lumabas si Don Hugo pati na ang doktor na minsang pumunta sa kanila.

Nilapitan siya ni Don Hugo. "Anak....."

Lumayo siya dito. "Hindi! Hindi ikaw ang tunay kong ama!" at tumakbo siya palayo sa kanila.

Naiwan naman si Don Hugo at hinarap ang mag-asawa. "Mela, kukunin ko na muna siya. Hayaan mong maging ama ako sa kanya tulad ng iyong ninanais."

"Don Hugo, hindi ako papayag," sagot ni Dino. "Wala kang karapatan."

"Dino, may papeles at iyon ang patunay. Pasalamat kayo at matino ako sa bagay na ito. Kaya ikaw, Dino, hindi ka dapat umangal dahil hindi ikaw ang ama."

Biglang sinuntok ni Dino ang Don at bumawi ang sinuntok.

Nagsuntukan sila pero humarang ang mga tauhan ni Don Hugo.

"Sige! Para mahanap mo ang katapusan mo!"

Umayos si Dino. "Hindi ka magiging ama ni Tasha!"

"Ako ang masusunod!" sagot nito.

Susugod sanang muli si Dino pero pinigilan ni Mela.

"Tama na, Dino! Ako ang magde-desisyon dahil ako ang Ina at pumapayag ako!"

Nagulat si Dino. "Bakit? Dahil mapera ito at ako'y hindi?"

"Dino, gusto kong iparanas kay Tasha ang aruga ng tunay niyang ama at mabigyan siya ng magandang buhay."

Horizon of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon