Kabanata 6

17 10 0
                                    

"Tadaaaa!" masayang sabi sa'min ni Mathias.

Agad naman ako nanibago sa tubig na nararamdaman ko. Hindi ko mapalinawag kung ano ito, hmm siguro iba lang talaga ang tubig ng dagat sa mundo ng mga tao.

"Paalala lang ha, mag-ingat tayong lahat. Mahilig pa naman mandakip ng mga tulad natin ang mga tao." Kamot ulong paalala ni Amias.

"Ano?!!" Gulat na reaksyon naming lahat, maliban na lamang kay Vana dahil na siguro'y siya ay lumaki sa mundong ito.

"Oa ha? Oo, nandadakip talaga ng mga lahi natin ang mga tao upang pagkakakitaan." Kampanteng sabi sa'min ni Vana.

"Wow? Kampante ka pa niyan ha?" Si Lilah.

Agad namang nakatanggap ng sapak si Lilah mula kay Kina, marahil sa pagsasalita nito gamit ang lengguwahe ng mga tao.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, natitiyak ako kapag nasa mundo tayo ng mga Sireno/a pag iisipan ka talaga nila na ikaw ay isang baliw." Pangangaral ni Kina kay Lilah.

Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa, kahit kelan talaga si Kina para nang nanay namin.

"Simulan na nga natin ang paglalakbay natin dito sa mundo ng mga tao, hindi tayo pwede mag tagal dahil natitiyak akong hahanapin na ng Hari at Reyna si Dorianna, malalagot talaga tayo." si Mathias.

"Anong tayo? Ikaw kaya ang nag aya sa'min na pumunta dito, tapos madadamay kami?!" Hindi maipinta ang mukha ni Kina habang sinasabi iyon.

"Tama na nga yan, tara na at sulitin na natin ang pagkakataon na ito." Sabat ko sa kanilang pag uusap. Kapwa naman silang tumango sa sinabi ko.

"Dalhin mo kami sa Dalampasigan  Mathias gusto ko makakita ng tao, ano kaya ang wangis nila ano?" Tanong ni Lilah kay Mathias.

"Kagaya lang din natin pero may mga paa sila." Sagot ni Mathias.

Hindi na muling nagtanong si Lilah. Kapwa kaming nagtataka sa anyo ng kanilang karagatan, kung ikukumpara ang karagatan namin natitiyak kong mas maganda pa ang tubig sa aming mundo. O baka nasasabi ko lamang ito dahil ako'y naninibago.

***

hindi nag tagal, kapwa na kami ngayong nakatago sa likod ng mga bato, habang si Vana naman ay kampanteng naka-upo sa gilid ng dalampasigan.

"Ano na? Bakit walang tao?" Naiinip na tanong ni Lilah.

"Paano kayo makakakita ng tao kung dito kaya dinala ni Mathias. Hindi ito madalas puntahan ng mga tao, ayon kaya ang mga tao oh!" Sabay turo ni Vana sa kabilang parte ng dagat.

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ni Lilah.

"Syempre lumaki ako sa mundo ng mga tao, ang tawag dito sa pinuntahan natin ay beach. Wag na kayong magtanong kung anong kahulugan niyan, tinatamad ako mag explain." Sabi ni Vana habang masayang nilalaro ang buhangin.

Sumunod na din si Mathias at Amias, kapwa sila ngayong naka upo sa tabi ni Vana habang kaming tatlo ni Lilah at Kina ay nagtatago parin sa likod ng mga bato.

"Iwww ano to?" Nandidiring tanong ni Kina. Sabay turo sa isang bagay na lumulutang ngayon sa tubig.

Nabigla na lamang kami nang malakas na humalakhak si Vana na agad namang naawat ni Mathias at Amias.

"Oh? Bakit ka natatawa ha?" Naka taas ang isang kilay nitong tanong kay Vana.

"Eh kasi ano tae yan hahaha." Natatawa paring sabi ni Vana ngunit mahina na ito sa ngayon, hindi kagaya ng kanina na maaari talagang maririnig ng mga tao.

The Whisper of the Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon