Kabanata 16

2 2 0
                                    

Nung natapos na akong pakainin ni Malani, umalis siya saglit at nagtungo sa kagubatan upang makahanap ng kaniyang pagkain. Nakaligtaan niya kasing maghanap ng sarili niyang pagkain, dahil ang pagkain ko ang inuna niyang hanapin.

Nagkaroon kami ng kwentuhan tungkol sa aming sarili ngunit saglit lamang, dinalaw na din kasi ito ng antok, sinabi ko sa kaniya na umuwi na lamang siya sa kaniyang kaharian ngunit ayaw daw ako nitong iwan. Tinanggal na din ni Malani ang lubid na nakagapos sa aking katawan kaya malaya na akong nakagalaw galaw ngayon, uuwi na sana ako dahil natitiyak akong nag-aalala na sina Ama't Ina sa'kin, ngunit, tila hindi ko magawang iwan si Malani. Pakiramdam ko, may bagay na meron si Malani na kaya akong pasundin gamit lamang ang kaniyang berdeng mata. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa taglay niyang kapangyarihan bilang isang prinsepe ng mga salamangkero o, may ibang ibig sabihin ang bawat pagtitig niya sa'kin.

Kasalukuyan ako ngayong naka-upo sa malaking bato na malapit sa gawi ni Malani, habang pinagmamasdan ang buwan na nagbibigay ng liwanag sa madilim na kalawakan at ang mga bituin na nag niningning, hindi ko maiwasang mapangiti at mapasulyap sa salamangkerong nasa aking harapan at mahimbing na natutulog.

Nagmumukha siyang anghel sa tuwing natutulog ngunit nagiging kahalating demonyo sa tuwing nagigising, hindi mapagkakaila na likas na maingay si Malani at mapang-asar, bagay na nagugustuhan ko sa kaniy— mali, hindi ko siya gusto.

Biglaan namang sumagi sa aking isipan si Kaius, kumusta na kaya ngayon ang prinsepe? Alam ba nito na panandalian akong nawala?

"A-Ahh, D-Dorianna." Usal ni Malani habang mahimbing na natutulog.

Naramdaman ko na lamang ang pag-init ng pisnge ko, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon ngunit hindi ko maiwasang mapangiti, dahil maging sa kaniyang isipan ay ako ang kaniyang iniisip.

Sa amin ding pag ku-kwentuhan ni Malani kanina, nalaman ko na siya pala ang binatang lalaki na nakakita sa'kin nung ako'y pumunta sa kanilang isla. Kaya pala ganoon na lamang ka pamilyar sa'kin ang mata niya, minsan ko na pala itong nasilayan.

May pagdiriwang daw ang mga salamangkero at mangkukulam sa mga panahong iyon. Sinabi ko din sa kaniya na nais kong makita ang kanilang kaharian ngunit naalala ko na ako pala'y isang sirena. Sirena na malabong maka apak sa lupa, dahil imbes na mga paa, buntot ang siyang biyaya sa'kin.

Hindi ko alam bakit ganito kabilis gumaan ang loob ko kay Malani, marahil hindi nga maganda ang una naming pagkikita ngunit nabawi naman lahat ng iyon dahil sa kaniyang nakakatawang kwento.

Ibinahagi pa nga niya sa'kin na minsan na siyang humalik sa matandang mangkukulam, 'yon pala, dahil sa mahikang nilagay ng mangkukulam sa kaniya kaya imbes na matandang mangkukulam ang nakita ng kaniyang mga mata, ay isa dawng magandang dalaga na may kaakibat na ganda. Ngunit sinabi nito na siya'y paslit pa lamang sa mga panahong iyon at hindi pa niya alam kung ano ang tamang paraan sa pag gamit ng kaniyang kapangyarihan, maging ako ay ganun din naman.

Sa bawat pag kwento niya sa kaniyang iba't ibang karanasan sa buhay, hindi ko maiwasang mapangiti. Pakiramdam ng aking puso ay mabait na nilalang si Malani, natitiyak akong madaming Mangkukulam ang umiibig sa kaniya, sino ba naman ang hindi iibig sa taglay niyang kakisigan at.. ang perketong hubog ng kanyang.. katawan..

Pagkatapos pagpyistahan ng aking mga mata ang prinsepeng mahimbing na natutulog, binaling ko na lamang ang aking atensyon sa Buwan. Marahan kong pinikit ang dalawa kong mga mata at nakinig na lamang sa bawat hampas ng alon.

Habang dinadama ko ang bawat pagdampi ng malamig na simoy ng hangin at ang pakikinig sa bawat hampas ng mga alon, wala sa sarili akong umawit.

Ang pag-awit ay isa sa mga kakayahan naming mga Sirena, maraming nilalang ang maaaring malinlang o mapa-ibig dahil lamang sa aming tinig, ngunit ang pag awit kong ito ngayon ay hindi dahil may nais akong linlangin at mas lalong wala akong nais na paibigin. Nais ko lamang umawit. Ang pag awit ko'y maaaring umabot hanggang sa aming kaharian, nais ko ding iparating sa pamamagitan ng aking pag awit ngayon na nasa maayos akong kalagayan.

"Hindi ko akalain na mayroon ka palang magandang tinig, kung magsalita ka kasi kanina sa'kin, daig pa ang boses ng mga barbaro dahil sa laki Hahaha."

Agad akong napahinto at napalingon sa pinang galingan ng boses, hindi na ako umimik nung makita na nagising ko pala ang mukhang lupa na si Malani.

"Oh bakit ka tumigil? Nahiya ka no?" Aniya.

Inirapan ko na lamang ito at tumalon pabalik sa dagat, hindi naman gaanong malalim ang aking sinisid, sapat lamang ito upang marinig ko parin ang tinig ni Malani.

Lalangoy pa sana ako pailalim ngunit agad akong natigilan ng makarinig ako ng isang uri ng musika, hindi ko alam kung sa aling instrumento ito nang gagaling ngunit natitiyak akong hindi pamilyar sa'kin iyon, dahil alam ko na mag kaiba ang instrumento ng mga Sirena at ng mga Salamangkero.

Nagsimula nang umawit si Malani, hindi ko maiwasang maestatwa dahil sa angkin niyang galing sa pagkanta at pagtugtog ng musika. Umahon ako sa dagat at tumabi sa kaniya.

Tumigil ito sa pag-awit at direktang tumitig sa aking mga mata, "oh?bakit bumalik ka?" Aniya.

Ngumiti ako bago sinagot ang kaniyang tanong.

"Hindi ko akalain na mayroon ka palang magandang tinig, kung magsalita ka kasi kanina sa'kin, parang isa ka lamang kuliglig na nag-iingay sa gabi." Pang gagaya ko sa kaniya.

Tumawa naman ulit ito dahil sa sinabi ko, bawat pagtawa niya, hindi ko maiwasang mapangiti, kay tamis ng kaniyang mga ngiti ngayon, malalaman mo talaga na siya'y tunay na natutuwa at hindi nagpa-panggap lamang.

"Ginagaya mo na ako ha? Iniidolo mo na yata ako noh?" Aniya.

Nawala naman ang ngiti sa aking labi dahil sa kaniyang sinabi, umaandar naman ang kahanginan ng salamangkerong mabait lamang pag tulog.

"Dorianna.."

Agad akong napatitig sa berdeng mata niya, hindi ko alam bakit bumibilis ang pagtibok ng aking puso ngayon. Hindi ito kagaya ng pagtibok na naramdaman ko sa tuwing malapit si Kaius sa'kin, nasa malayo si Malani ngunit ang pagtibok ng puso ko ay sobrang bilis, na para bang hinahabol ito at sa oras mahabol nito ang aking puso, tutuluyan na akong makukulong sa isang hawla na gugustuhin ko na lamang manatili doon na nakakulong, habangbuhay.

"Dorianna, hindi ko alam kung bakit ganito na lamang kabilis kahat. Hindi ko alam bakit mabilis na gumaan ang loob ko sa'yo, hindi ko na alam Dorianna. Ngunit may hiling sana ako sa'yo, alam ko na ang hihilingin kong ito ay hindi makatarungan ngunit inaasahan ko ang iyong pagtanggap." Aniya.

Lalo namang kumabog ng mabilis ang aking puso, humugot muna ako ng malalim na paghinga bago tumugon.

"Ano 'yon?"

Bumuntong hininga ito at nag-iwas ng tingin.

"Maaari bang manatili kana lamang sa aking tabi? Hindi ko alam kung kakayanin ko na mawawala ka sa aking tabi D-Dorianna."

"Ngunit.." ngunit may pamilya ako na nag-aalala para sa'kin.

"Naiintindihan ko kung ayaw mo." Malungkot nitong sabi.

"T-teka. Oo papayag na ako, ngunit pahintulutan mo sana akong umuwi paminsan minsan sa aking kaharian upang madalaw ang aking pamilya." Tugon ko.

Nagliwanag naman ang kaniyang mukha at huli na nung namalayan ko na kinulong na ako ni Malani sa kanyang mga bisig.

The Whisper of the Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon