Kabanata 14

3 2 0
                                    

Isang buwan ang nakalipas...




Kay bilis talaga tumakbo ng panahon. Hindi ko inaakalang mag-iisang buwan na akong nililigawan ni Kaius. Oo, alam na din ni ama't ina tungkol sa panliligaw ni Kaius sa'kin, hindi naman sima tumutol bagkos sumuporta pa ito. Siguro, ito na nga ang simula ng bagong yugto ng aming lahi sa pagitan ng mga shokoy. Hindi mapagkakaila ang kagalakan na nararamdaman ng aking puso ngayon.

"Ama si Dorianna oh, pangiti ngiti na habang kumakain." Biglaang saad ni Luana.

Sinaway naman siya ni Ina, simula pa nung unang panliligaw ni Kaius, walang katapusang pang-aasar ang ginawa ni luana sa'kin.

"Kelan mo balak sagutin ang prinsepe, dorianna?" Tanong ni Ama.

Muntikan na akong mabulunan sa sinabi ni Ama, agad naman akong inabutan ng maiinom ni Luana.

"Nabigla mo yata ang ating anak sa iyong tanong mahal ko." Malumanay na saad ni Ina kay Ama.

"Paumanhin, hindi ko inaasahan na ganyan ang magiging reaksyon mo Dorianna." Saad ni Ama.

"Wala yun Ama." Sagot ko.

Nag-iwas ako ng tingin kay ama at tinuon nalang ang aking atensyon sa pagkain na kinakain ko. Hindi ko alam bakit hindi ko magawang sagutin ang tanong na iyon ni ama. Oo, aminado ako na may nararamdaman na ako kay Kaius pero, may kulang. Hindi ko alam kung ano, basta ang alam ko may kulang.

Sa isang buwang panliligaw ni Kaius, makikita mo sa kanya ang tapat na hangarin ng kanyang puso. Ngunit, may kulang talaga.

Biglaang pumasok ang aming tagapagsilbi at lumapit sa'kin.
"Paumanhin sa abala mahal na prinsesa, ngunit nag-aantay na po sa labas ang prinsepe." Saad nito at umalis sa harap ko.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at nagpaalam na kina ama't ina. Hindi ko na nagawang ayusan ang aking sarili dahil sa pagmamadali. Mabilis akong lumangoy at hindi sa kalayuan nakita ko siya dala dala ang kulay asul na bulaklak.

Lumapit ako sa kanya at mahinang tumikhim upang maagaw ko ang kanyang atensyon. Ngumiti ito sa'kin kaya ngumiti din ako pabalik.

"Magandang Umaga..." bati nito at nilahad ang bulaklak na kanyang dala.

Nakangiti ko naman iyong tinanggap.

"Magandang umaga din." Pabalik kong bati sa kanya.

Napag-desisyonan ni Kaius na mamasyal muli, napapadalas na ang aking paglabas sa aming palasyo simula nung nanligaw siya sa'kin. Madalas niya akong dalhin sa lugar na hindi ko pa napupuntahan. Hindi ko nga lubos maisip na ako ay isang prinsesa ngunit ako mismo ang hindi nakakabisado sa bawat sulok ng mundo na aking kinabibilangan. Biglaang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa'kin nung minsan kaming pumunta sa tirahan ng mga pating.

K-Kaius.. hindi magandang biro ito." Kinakabahan kong sabi sa kaniya.

Nakapulupot sa kanyang mga braso ang nanginginig kong mga kamay.. oo, prinsesa ako ngunit sa ganitong sitwasyon hindi ko maiwasang makaramdam ng pangamba. Napapalibutan na kami ngayon ng pating, naging parte ito ng ensayo namin ngunit hindi ko inaasahan na ganito ka dami ang makakasalamuha ko. Hindi ganito.

"Dorianna.. H-Hindi ko sinasadya."

Hindi man niya sabihin ngunit alam ko na nangangamba narin siya ngayon.

Isa isa ng sumugod ang mga pating sa aming gawi. Naiiwasan naman namin ang kanilang pag-atake ngunit hindi maiwasang madaplisan ng kanilang matutulis na ngipin ang aming balat. Mas lalo silang na iintrega dahil sa dugo namin na humahalo sa tubig ng karagatan.

The Whisper of the Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon