Kabanata 1

57 15 0
                                    

This chapter is dedicated to BossPsycho for making me this book cover. Tysm!

******

"D-Dorianna! Ang bilis mo!" Sigaw ni Luana.

Napangisi na lamang ako, halatang napapagod na si Luana ngunit ayaw talaga magpatalo.

"H-Huminto kana! Hindi na kita kayang habulin!" Huminto naman ako at lumingon sa kanya.

"Oo na ikaw na ang mabilis." Pagsuko niya at lumangoy papalapit sa'kin.

Naghanap kami ng bato na pwede naming upuan, napagod din kaya ako sa kakalangoy.

Nung makahanap na kami ng bato ni Luana agad ko siyang inalalayan sa kanyang pag-upo.

"Marahil ang taglay ni Ama sa kabilisan ng pag-langoy ay nakuha mo Dorianna. Nakaka inggit ka aking kapatid." Nakangising sabi nito sa'kin.

"Ngunit ang taglay na katalinuhan naman ay nakuha mo, sigurado akong ikaw ang papalipat kay Ama sa kanyang trono." Siyang tunay. Sa aming dalawa ni Luana siya ay may lubos na kakayahan na mamalakad ng isang kaharian.

"Ano ka ba matalino ka din naman Dorianna." Sambit ng aking kapatid habang sinusuklayan ng mga daliri nito ang aking mahabang buhok.

Paboritong gawain ni Ina at Luana ang pagsuklay ng aking buhok. Marahil ang buhok ko ang pinaka paborito nilang galawin sa aking katawan.

"Pero ayoko mamalakad ng Kaharian Luana, mas nanaisin ko pang magkaroon ng pamilya at mamuhay ng simple." Sagot ko sa kanya.

Simula pa nung ako'y bata pa lamang hindi ko na ninais na magkaroon ng katungkulan sa aming Kaharian. Ayos na sa'kin na kinikilala nila ako bilang isang Prinsesa.

"Hindi natin malalaman Dorianna, baka pag dating ng panahon ikaw pa ang piliin ni Ama lubos na magiging masaya ako pag mangyayari iyon." Nakangiting sabi ni Luana.

Tumitig na lamang ako sa kabuuhan ng karagatan. Panatag ang kalooban ko dahil nasisilayan mismo ng aking dalawang mata ang maayos na pamumuhay ng mga nilalang sa Karagatang ito. Ang isda na mas lalong dumadami ang populasyon, dahil ang lugar na ito ay hindi madalas pinupuntahan ng mga tao. At kahit kelan hinding hindi matutunton ng mga tao.

"Tila ikaw yata'y nawiwili sa mga nasisilayan mo Dorianna." Hindi ko man lingunin si Luana alam ko na nakatitig din ito kung saan ang atensyon ko ay nakapako.

Hindi ko na sinagot si Luana dahil alam kong alam niya ang isasagot ko. Patuloy ko paring pinagmasdan ang aking paligid sobrang ganda ng aking nasisilayan, ganito parin ba kaganda ang masisilayan ng mga susunod na henerasyon ng mga Sirena/o?

"Kung ako man ang mapipili ni Ama na hahalili sa kanyang Trono, gagawin ko ang lahat para panatilihin ang kaayosan ng ating mundo Dorianna. Kung gaano mo pinapahalagahan ang ating mundo yun din ang gagawin ko." Agad akong napalingon sa aking kapatid, siya nanaman ngayon ang natutuwang pinagmamasdan ang kapaligiran ng dagat.

Hinaplos ko ang pisnge neto at hinalikan.

"Nasisiguro akong mas lalong uunlad ang ating mundo sa oras na ika'y mamuno Luana." Ngumiti ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang yakap. Yakap na puno ng pagmamahal.

The Whisper of the Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon