Kabanata 13

6 4 0
                                    

At sa huli..

Naramdaman ko na lamang ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

Hindi ko pa din magawang makatingin sa kanya dahil alam ko, sa oras na ako'y lumingon. Pagsisihan ko iyon ng lubos.

"Dorianna.." muli nitong pagtawag sa'kin.

Bahagya siyang lumayo sa'kin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hinawakan niya ang isa kong kamay at tinapat sa kanyang dibdib.

"Naaalala mo pa ba yung sinabi ko sa'yo? Tungkol sa babaeng napupusuan ko ngunit hanggang pagtanaw lamang sa malayo ang aking nagagawa,"

Tinitigan ko siya ng puno ng pagtataka. Gulong-gulo na ang utak ko dahil sa mga binabanggit niyang salita.

"Dorianna...m-mahal kita.."

hindi agad ako nakasagot sa kanyang sinabi bagkos napa-awang lamang ang aking bibig, nais kong magsalita ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig.

"Dorianna.. diba sabi mo, kahit batas pa ang humadlang, dapat parin akong maglakas loob na ipaalam sa kanya ang aking nararamdaman," Ani nito.

"Kaya eto, Dorianna. Nagtatapat na ako sa'yo, mahal kita, mahal kita Dorianna matagal na."

Ramdam ko sa tono ng boses ni Kaius ang kanyang sensiridad habang sinasabi iyon.

"Paslit pa lamang tayo Dorianna kilala na kita, sa bawat pagsasanay mo, lihim kitang pinagmamasdan sa malayo. Dorianna, hindi ko na kakayanin kung ililihim ko pa sa'yo ang nararamdaman ko, mababaliw na ako Dorianna mahal na mahal kita."

Hinapit ni Kaius ang aking bewang at isang mainit na yakap ang na tanggap ko mula sa kaniya.

"Dorianna.. alam ko na ang pagmamahal ko sa'yo ay walang patutunguhan ngunit hayaan mo akong ipadama at ipakita sa'yo ang hangarin ng aking puso Dorianna, liligawan kita at hindi mo ito pwedeng tanggihan." Bulong nito sa aking tenga.

Nanatili lamang akong tahimik habang nayakap parin siya sa'kin. Parang na blangko ang utak ko kaya hindi ko magawang sagutin si Kaius. Ackkk! Ganito pala pakiramdam sa tuwing may umaamin sa'yo.

Oo, aminado ako na may nararamdaman akong kung ano-ano ngayon sa aking puso ngunit hindi ko alam kung ano ito.

"Magsalita ka naman oh, nagmumukha akong walang kasama."

Hindi ko man nakikita ang kanyang pagmumukha ngunit natitiyak akong nakanguso ang prinsepe ng mga shokoy ngayon.

"Wala akong masabi Kaius.." sagot ko.

Yun naman talaga ang totoo,  wala akong masabi, hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganitong bagay sa aking buhay, inaakala kong hindi matutupad ang aking hangarin na magkaroon ng sariling pamilya, ngunit tila yata'y unti unti na itong nagkakatotoo.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kaius, ang pagtawa niya ay parang kuryente na ngayo'y gumugulo sa aking buong sistema.

"Sapat na ito, hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito Dorianna. Hindi ko inaasahan na ang sirenang tinatanaw ko lamang sa malayo ay ngayo'y nakakulong na sa aking mga bisig." saad ni kaius.

The Whisper of the Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon