Kabanata 9

12 5 0
                                    

"Akala ko pa naman magtatagal ka pa don." Nakangusong sabi ni Luana.

Nung ako'y umuwi inaasahan ko na madadatnan ko nanaman ang aking Ina't Ama ngunit lubos ang aking pagtataka na wala sila. Hmmm, marahil madami lamang silang pinagkaka-abalahan ngayon.

"Naglibot lamang kami kasama ang kanyang kapatid Luana." Tugon ko habang nilalaro ang mga perlas na ngayo'y nakalutang sa aking mga palad.

"Akala ko naman may magandang balita ka sa pag-uwi mo." Nakanguso parin ito.

"Tulad ng?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Na umiibig kana sa kanya, ihhhh tumatanda kana Dorianna ni minsan hindi ko narinig o nalaman na ika'y umibig." Tugon nito.

"Makakapag-antay naman yata ang pag-ibig luana diba? Masyado pa akong abala para sa pag-ibig na iyan." Tugon kong muli, iyon naman talaga ang totoo. Masyado akong abala para bigyan pa ng atensyon ang pag-ibig.

"Yon na nga! Puro ka antay wala ka namang kilos na ginawa, paano mo makikilala ang lalaking para sa iyo kung tutunganga ka lang, hmp gusto ko pa magkaroon ng pamangkin Dorianna." Nakanguso ulit nitong sabi.

Agad natigil ang aming kwentuhan ni luana nang may tagapagsilbing gumambala sa aming pag-uusap.

"Paumanhin kung nagambala ko ang inyong pag-uusap mga mahal na prinsesa," yumukong bati ito sa'min.

"Kayo ay pinapatawag ng iyong ina sa kanyang silid, may importante daw itong sasabihin sa inyo." Pagtutuloy ng tagapagsilbi.

Tanging tango lamang ang sinagot namin ni luana. Kapwa kami napatingin sa isa't isa, minsan lang kasi kami pinapatawag ni ina kaya wala kaming sinayang na oras. Mabilis kaming lumangoy papunta sa kanyang silid.

Nadatnan naman namin ang aming ina na kasalukuyang nagbabasa ng libro.

"Ina? Pinapatawag niyo daw kami?" Tanong ni Luana.

Tumingin sa'ming gawi si ina bago niya tuluyang isarado ang librong kanyang binabasa.

"May panauhin tayo bukas, kailangan niyong maghanda at mag-ayos." nakangiti nitong sabi sa'min.

Nagkatinginan nanaman ulit kami ni luana, marahil kapwa kaming naguguluhan ngayon.

"Hindi ko maaaring sabihin sa inyo kung sino ang ating panauhin." tumayo si ina at lumangoy papalapit sa'min.

"Gusto ko mag-ayos kayo aking mga magagandang prinsesa, dahil ito ang kauna-unahang piging na mangyayari sa pagitan ng— bukas malalaman niyo." Saad ni ina.

"Ngunit ina.. hindi namin alam paano mag-ayos.." nahihiya kong sabi.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni luana kaya agad ko itong sinamaan ng tingin.

"Ikaw lang kaya! Ilang beses na akong sumama sa mga pagpupulong ni ama, kinakailangan kong mag-ayos dahil may mga poging prinsepe akong maki— aray ko! Ina masakit." Nakanguso nitong sabi.

Ako nanaman ngayon ang tumawa, sino ba ang hindi matatawa e kinurot lang naman siya ni ina sa tagiliran Hahaha.

"Pag yan nalaman ng ama mo natitiyak akong 'di ka na niya muling isasama sa mga pagpupulong niya." Seryosong saad ni ina.

Si luana lamang ang pinapahintulutang sumama kay ama sa kadahilanang mas higit na maraming kaalaman ito kumpara sa'kin. Hindi naman ako nag tampo kay ama, gaya nga ng sinabi ko hindi ko nanaisin na magkaroon ng katungkulan sa aming kaharian, hindi ko alam kung kakayanin ko iyong gampanan sa oras na ako ang mamuno.

"Totoo naman kasi ina, ang pogi kaya nung prinsepe ng Silangan lalo na yung prinsepe ng Kanlura—aray! Ina naman!" Nakanguso ulit nitong sabi.

"Ikaw na ang maghanap ng kasoutan na pwedeng soutin ni Dorianna, Luana. Ikaw ang mas higit na may alam tungkol sa pag aayos kaya sayo ko na iaasa ang magiging itsura ng iyong kapatid bukas." Utos ni Ina kay Luana.

The Whisper of the Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon