Kabanata 15

3 2 0
                                    

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, malabo pa nung una ang paningin ko ngunit hindi nag tagal luminaw din naman.

Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng lugar, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon ngunt natitiyak akong malayo ito sa aming kaharian.

Kaharian..

Pilit kong inalala ang nangyari sa'kin.
Ang bulong, ang pagsunod ko sa bulong na dala ng mga alon, ang pagtulong ko sa isang bina— teka, pinagmasdan ko ang aking sarili, saka ko pa lang napagtanto na ako'y nakagapos pala. Ang binatang t-tinulangan k-ko.. n-nilinlang niya ako!

Pinilit kong gamitin ang aking kapangyarihan upang maputol ang lubid na gumagapos sa aking katawan, ngunit hindi tumatalab ang aking kapangyarihan, pakiramdam ko , may mahika ang lubid na ito.

"Gising kana pala." Isang tinig ang lalong nagpakaba sa aking puso.

Nararamdaman ko ang kanyang presensya na papalapit sa'kin, naglakad ito at pumunta sa harapan ko. Teka? Bakit pamilyar siya sa'kin?

"Palayain mo ako!" Matigas kong sabi sa kaniya, ngunit pagtawa lamang ang sinagot nito sa'kin.

Gumalaw galaw ako, nagbabasakali na maaaring matanggal ang lubid na gumagapos sa aking katawan ngunit, mas lalo itong humihigpit.

"Ano ba ang kailangan mo sa'kin?!" Nangangaliti sa galit kong tanong sa kaniya.

Wala akong matandaan na may atraso sa kung sino mang nilalang. Kaya hindi ko alam kung ano ang kanyang dahilan upang gapusin ako ng ganito!

"Hindi ko alam, inaakala ko nga na walang makakarinig sa akin. Ngunit, ako'y nagkamali.. dahil andito ka, tinulungan mo ako." Nakangisi nitong sabi.

"Oo tinulungan kita! Kaya palayain mo na ako!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi ko ba maaaring makilala ng lubos ang aking tagapag ligtas?" Aniya, sabay kindat.

Pinandilatan ko siya ng mata at marahas na gumalaw, ngunit ako lamang ang nasasaktan sa aking ginagawa, dahil sa bawat pag galaw ko ay siyang paghigpit ng lubid na gumagapos sa'kin.

"Huwag mo na piliting tumakas, nasa ilalim ng aking kapangyarihan ang gintong lubid kaya wala kang magagawa." Ani nito.

May kinuha siyang isang bagay na kulay kayumanggi, tinipon niya ito at bahagyang dinistansya ang kaniyang sarili. Binuksan niya ang kanyang palad, nabigla na lamang ako ng umilaw ang bagay na kanyang tinipon. Pamilyar ang bagay na iyon sa'kin, tinuro din iyon ng aming maestro ngunit hindi ko na matandaan.

"Wala ka bang balak na ikwento ang iyong sarili sa'kin? Nakakabingi ang katahimikan dito sirena." Aniya.

"Bakit? Kilala ba kita?" Tugon ko, tinaasan ko pa ito ng isang kilay dahilan ng muli nitong pagtawa. Mukha bang nakaka aliw ang aking mukha?!

"Paumanhin, nalimutan kong ipakilala ang aking sarili. Ako pala si Malani." Lumapit ito sa aking gawi at nilahad ang kanyang kamay. Ngunit hindi ko ito tinanggap.

"Hindi ako nakikipag kamay sa isang masamang nilalang." Saad ko.

Tumawa nanaman ito.

Mukha na ba talaga akong katawa tawa?!

"Mabait ako sirena, sadyang hindi lamang kaaya-aya ang una nating pagkikita." Nakangising sabi nito.

Inikutan ko lamang siya ng aking mata, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang pagtataray na ito ngunit isa lang ang alam ko sa oras na ito, kumukulo ang dugo ko sa kaniya!

"Pinapatay mo na yata ako sa iyong isipan ano?" Aniya.

Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya.

"Hindi, iniisip ko pa lang kung paano kita papatayin sa oras na ako'y makalaya dito." Tugon ko.

The Whisper of the Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon