Kabanata 17

3 0 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas...

Isang linggo na akong namamalagi kasama si Malani, sa isang linggo naming pagsasama, hindi ko maitangging nakikala ko siya ng lubos, kung ano talaga ang tunay niyang katauhan at pati narin ang kanyang kahinaan. Madalas akong makatanggap ng mga bulong na pinaparating sa akin ng mga alon ukol sa pag-aalala nina Ama't Ina sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin, kung ano ang sasabihin ko pagka-uwi.

"Dorianna!"

Agad na agaw ni Malani ang aking atensyon, patakbo siyang lumapit sa'kin dala ang isang supot ng mansanas.

"Muntikan na akong mahuli ng mga kapatid k-ko.. b-buti nalang talaga m-mabilis a-ako.." hinihingal niyang sabi.

Napalunok na lamang ako habang pinagmamasdan ang hubog ng kanyang katawan. Hindi ko maiwasang titigan ang bawat butil ng pawis na lumalalandas pababa sa kanyang tiyan.

"Ikaw yata'y nawiwili sa iyong nakikita Mahal na prinsesa?" Ngumiti ito sa'kin na puno ng pang-aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin, binaling ko na lang din ang atensyon ko sa mansanas na dala niya. Inagaw ko ang supot at kumuha ng isang pirasong mansanas, kumagat ako sa mansanas na hawak ko, kay sarap naman ng pagkain na mayroon ang mga Salamangkero.

"Wala man lang pasalamat? Tsk." Aniya.

Ngumisi ako at tumitig sa kaniya. "Salamat." Ani ko.

Hindi ako pinansin nito, bagkos, naglakad ito papalayo na tila ba'y nagtatampo. Hindi ko mapigilang tumawa habang naglalakad siya papalayo sa'kin, may ganitong ugali si Malani, ang hilig niya magtampo kahit sa maliit na bagay.

"Hoi! Salamat na nga e! Hahaha" natatawa kong sabi. Ngunit hindi parin ito lumingon.

"Dali na! Susubuan kita!" Sigaw ko.

Napatigil ito sa paglalakad at humarap sa'kin. Naglakad siya papalapit sa'kin at umupo sa tabi ko. Kita mo na, nagmumukha tuloy akong Ina na nag-aalaga ng paslit.

"Ano na, sabi mo susubuan mo'ko." Nakangusong sabi nito.

Kumuha ako ng isang pirasong mansanas, sapilitan kong binuka ang kanyang bibig at pinasok ng buo ang mansanas sa kanyang bunganga. Naibuga niya ang mansanas na pinakain ko at masamang tumitig sa'kin.

"Sabi ko subo!" Aniya.

Tanging pagtawa na lamang ang naisagot ko sa kaniya, hindi ko maiwasang matawa sa kanyang itsura ngayon, para siyang pating na handang handa na akong kainin.

"Dorianna may sorpresa ako sa'yo." aniya.

Napako ang aking paningin sa kaniya habang inaantay ang susunod niyang sasabihin.

"Ay wala pala."

Agad nandilim ang paningin ko sa sinabi niya, inutusan ko ang karagatan na basain si Malani na siya namang sinunod neto. Alam na alam ni Malani kung gaano kong hindi ka gusto ang hindi pagtutuloy ng sasabihin, napukaw na ang kuryosidad ko, tapos bibitinin niya lamang ako? Aba baka nais niyang ipakain ko siya sa mga pating.

"Oo na, uhm.." aniya.

Nilaro laro ko ang dulo ng aking mahabang buhok habang nag-aantay sa susunod niyang sasabihin.

"Pwede ka ng magka paa kung kelan mo gugustu—"

"Waaaah!! Totoo?!!!"

Hindi ko na siya nagawang patapusin dahil naunahan na siya ng saya na nararamdaman ko ngayon.

"Mag hunos dili ka Dorianna, ganito nga, pwede ka ng magka paa. Pinakiusapan ko ang matandang Salamangkero sa aming kaharian, alam na din nito ang tungkol sa'yo kaya ito.."

The Whisper of the Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon