Yohan's PoV
Saturday morning...
"Bunso gising na!" katok na sabi ni Ate Elise sa pinto.
Inunat ko muna ang aking mga kamay at napa tingin sa side table ko upang tignan kung anong oras na ba?
"Ate mag aalasingko pa lang naman huuh? to be exact 04:45 palang, ano ba yan!" sabi ko pa.
08:00 A.M pa naman pasok ko.
"Exactly, kaya kita ginising nang maaga.. eh kasi baka mag ka ubusan na nang pandesal kanila aleng Merri, bumili ka na dun, bilis." pagmamadali na sabi sakin ni Ate Elise.
Maramihan kasi ang bumibili kanila aleng Merri, kaya kapag hindi ka na paaga.. eh hindi ka makaka kain nang masarap na pandesal, Mmmm, naiisip ko palang yung init at tigas, ansarap talaga.
"Heto na." tugon ko pa.
Nag hilamos na muna ako bago lumabas nang kwarto.Mamaya nalang ako maliligo at baka maubusan kami nang Pandesal.
"Eto bilisan mo." bigay nang pera na sabi sakin ni Ate.
Habang nag lalakad ako ay napa tingin ako kay Lola. May tungkod kasi sya at may kaedaran na rin.
"Lola may problema po ba?" tanong ko kay Lola.
"Eh.. kasi Ija bibili sana ako nang pandesal papartneran ko nang mainip na kape, eh kaso sinumpong ako nang rayuma ko." tugon naman ni Lola
"Ah ganun po ba Lola? Ako na po bibili nang pandesal para senyo maupo nalang po muna kayo ruon sa bakanteng upuan, hintayin nyo ho ako dito, paparuon din naman ang punta ko." lantaya ko kay Lola.
"Salamat Ija." si Lola.
"Sige po, hintayin nyo ho ako rito huuh?"sagot ko naman.
Natawa na lang ako nang tawagin nya akong Ija, babae ba tingin nya sakin.?
Ala singko na nang makarating ako sa kanila aleng Merri.
"50 at 30 po yung sakin na Pandesal aleng Merri." sabi ko dito
"Ito ohh ganda." binigay naman sakin ni aleng Merri ang pandesal
"Salamat po, pogi na lang." nginitian ko na lang ito
May pumulupot naman saking chikiting..
"Hi kuya Gandah."si Maningning
Ang kyut lang nitong si Maningning, laging lumilingkis sa paanan ko sa tuwing nabibili ako nang pandesal sa Lola Merri nya.
"Aga mo atang nagising?" ako
"Inaabangan kasi kita kuya Ganda eh." aba nagpa cute pa
Lumuhod naman ako para mag ka pantay kami at sabay kurot sa pisngi niyang mataba.
"Kuyang pogi na lang baby." sabi ko dito
"Hindi bagay na tawagin sa iyo yun kuyaah Ganda.! Ang ganda nyo po para kayong babae." sabi pa nito
"Anak nandito ka lang pala." Papa ni Maningning, anak ni aleng Merri, ngumiti ito sakin nang ubod nang tamis
Mayroon silang mini bakery na naka lagay sa garahian nila.
"Sige mauna na ako baby." ako
"Babye kuya Ganda." paalam nang bata
Ilan pang sandali..
"Lola narito na po yung pandesal nyo." bigay ko kay Lola nang pandesal niya.
"Salamat Ija, ka-gandang bata at ang bait-bait pa." tugon naman ni Lola
"Ako po si Yohan Ocampo, hindi po ako babae, hehehe." sabi ko dito.
Hindi pa nga pala ako nakakapag pagupit kaya natatakpan nang kahabaan kung buhok yung mata ko, kaya ginamit ko yung makapal na herban ni Ate para makita yung kagwapuhan ko, eh parang hindi ata kagwapuhan nakikita nila, kagandahan.., tssk.
"Sorry apo, mukha ka kasing babae kaya na pag kamalan kitang babae, pasensya na." si Lola.
"Lola okay lang po yun, hatid ko nalang po kayo senyo." ako
"Salamat talaga apo." pasasalamat naman ni Lola
Naihatid ko naman si Lola sa bahay nya sakay sakay nang Tricycle, paminsan minsan may nadadaan kasing tricycle dito sa subdivision, may I.D naman sila,naka pwesto sila sa labas nang subdivision.
"Ate Ito na Pandesal mo..aakyat lang ako sa itaas para maligo, ala sais na rin nang umaga." sabi ko dito kay ate Elise
"Bumaba ka na lang kapag natapos ka na." tugon ni ate Elise.
"Sige." sagot ko na lang
Natapos naman na ako naligo at kumain na.
--
Bina baybay ko ngayon ang daan patungong skewelahan ko which is ang Cagayan De Oro University (C.D.U) dito na ako nag tapos nang Junior High School, bukod kasi sa Colleges ay may High School din Ito at hanggang ngayon na 3rd year college na ako ayy nakaka lungkot lang na hindi ako dito mag tatapos nang Kolehiyo ko. That's life!
Ako nga pala si Yohan Ocampo 20 years old taking up Hotel and Restaurant Management (HRM) cause if you're guys don't know, expert ako sa pag luluto, favorite food ko ay Bulalo at yung Biko, yung kakanin. I can't get over with the taste of it.
Rinig ko namang tumunog na ang bell habang naglalakad ako sa Hallway hudyat na nag umpisa na ang First subject..binilisan ko na ang pag lalakad.
Natapos na ang apat na klase namin at lunch na, ngunit walang Eugo Ansay na best friend ko, asan kaya yun? tinanong ko naman yung isa nyang kaibigan na si Dexter.
"Dext asan si Eugo?" tanong ko dito
"Hindi ba nag text sayo." nagtatakang napa tingin ito sakin
"Wala,bakit may nangyari ba?" tanong ko dito
"Nagka sakit si Eugo pre kaya hindi naka pasok." sagot ni Dexter
"HUH? sige-sige Dex, Salamat." sabi ko dito
"Ano balak mo?" tanong pa niya
"Pupuntahan ko yung kumag na yun." tugon ko dito
"Sige una na kami, tatapusin pa namin yung project sa core subject natin."senyas nang kamay ni Dexter na papaalis na sila.
"Sige." sagot ko
Mag diditch nalang ako nang subjects this afternoon, kailangan kung puntahan yung kumag na yun..Inalagaan nya ako nung ako ang nagka sakit kaya this time it's pay back time, siya naman aalagaan ko. Hindi ko lang maiwasang isipin yung ginawa nya nung last time na nagka sakit ako, napaka pervert.!
***************************************************
[Sensya na kayo first timer here]
:)
Hit the ⭐ to Vote 🌟
❤️✨.
![](https://img.wattpad.com/cover/234524864-288-k545199.jpg)
BINABASA MO ANG
Worth the Wait [COMPLETED]
General FictionStraight itong si cutie 𝐘𝐨𝐡𝐚𝐧 𝐎𝐜𝐚𝐦𝐩𝐨 until 𝐓𝐫𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧 𝐋𝐚𝐤𝐞 𝐃𝐨𝐧𝐜𝐡𝐞 came at binago siya nito sa kung sino siya. Paka abangan... [COMPLETED]