Yohan's PoV
"I texted your friend Eugo and sabi niya papunta na raw sya para alagaan ka, Sorry Sweetie I was not there para ako mag aalaga sa iyo."
Si Mama"It's ok Ma, I know that your busy with your vacation trip, don't worry I'll be fine."
I replied.Si Ate kasi nasa retreat nila kaya no Choice!
Knock* knock**
"Come in."sabi ko dito
"How are you Yoh? How's your feeling?" bungad ni Eugo.
May dala-dala siyang maliit na bag kasya ang gagamitin niya para sa isang Gabi.
"I'm done taking up my medicine, I just need to have some rest to recharge." tugon ko dito
"Kukuha lang ako nang mali gam gam na tubig pati na rin bimpo, saglit." sabi pa ni Eugo
"Salamat pre."pasasalamat ko dito
"Welcome, bastat para sayo."sagot naman ni Eugo.
Natapos niya naman akong punasan nang bimpo at kasabay nun ay ang pag akyat nang nag iisang kasambahay namin na si ate Rachelle,dala-dala ang sopas na niluto ni Eugo isa namang working student si Ate Rachelle.
"Kain ka muna." subo sakin nito nang sopas
Sinubuan niya naman ako hanggang sa maubos ko ang sopas na niluto nya, ansarap walang duda, eh pamilya nila ang nag mamay ari nang Ansays Cuisine that has many braches all over the Philippines, even abroad.
"I will just take a shower." rinig kung sabi nya
Rinig ko naman ang lagaslas nang tubig sa banyo ko.
Nagising ako nang nag bukas ang pinto nang CR ko at dun ko nakita ang naka tapis lang na si Eugo, pasalamat siya ay wala ako nang gaya sa kanyang 6 pack abs,biceps, at triceps. Para kasing pambabae itong katawan ko.
"You wanna see Eugo Jr? Just tell me and I will show him to you." manyak niyang sabi.
Hindi ko alam na naka titig na pala ako sa kanya at agad ko naman ibinawi ang ang aking tingin.
Nang sulyapan ko naman ginagawa nang kumag naka hubad na Ito nang tuwalya, as in walang saplot, kaya nakita ko ang nag huhumidhi nitong pagka laki laki. Ambastos talaga.
"Bakit?" tanong niya.
"Napaka bastos mo naman at sinasadya mo na makita yang pag ka lalaki mo." sabi ko dito
"Mayroon ka rin naman nito pre kaya no worries, di ba?" sagot naman ni Eugo.
Narinig ko naman ang mahinang pag tawa nito.
Sa bagay, sabi ko pa sa isip ko. ..
Hindi ba siya nahihiya na ipakita yun? Di bale maka tulog na nga lang.
--PRESENT TIME
"Sir nasa loob po si Sir Eugo, Wala pa po sila Maam and Sir." sabi nang kasambahay nila.
"Sige ate." sagot ko
Knock** knock**
"Pasok!" rinig kung sabi nya.
"Kamusta na? Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ko dito
"Okay na ako nang makita kita." sabi nya.
"Ayy pre nu ba yan pala biro ka talaga." ako sa kanya
Pag bigyan ang kumag kasi may sakit, hinawakan ko naman ang noo nya at ang..
"Ang init mo, saglit, kukuha ako nang basang bimpo at mag luluto na rin ako nang sopas at nang may makain ka." sabi ko dito
Nang matapos ko namang iluto ang sopas inaakyat ko na Ito at pina una ko nang ipaakyat kay Ate yung maligam gam na tubig sa palanggana.
Pinunasan ko na sya... .
"Mag pa galing ka pre."
"Oo, para sa iyo." tugon nito
Nakatulog na rin siya ilang minuto matapos niyang ubusin ang sopas na niluto ko at masaya ako na nagustuhan nya ang sopas ala Yohan, pwede na mag asawa,hehehe. napunasan ko na rin siya at nang sipatin ko ang noo niya ay bumaba na ang lagnat nito.
Mahalaga para sakin si Eugo dahil naging kaibigan ko na Ito simula 1st year College kaya malapit na kami sa isat Isa.
Nagising sya pasado alas diyes, mabuti na rin ito para maka usap ko sya patungkol sa pag alis ko bukas.
"Salamat Yoh, thank you for taking care of me, babawi ako sa iyo." umupo naman siya sa gilid nang kama.
Pero mababatid mo pa rin sa mukha nya na masama pa rin ang kanyang pakiramdam.
"Hindi mo na magagawa yun." sabi ko naman
"Bakit?" tanong nya.
"Aalis na ako bukas." tugon ko.
"Huhhh bukas na ba yun? Bakit ngayon mo lang sinabi?" malungkot niyang tugon.
"Yung araw na yun na book ni Mom yung flight eh." sabi ko dito
"Iiwan mo na yung gwapo mong be-best friend?" nag aalin langan niyang tanong.
"Mas gwapo naman ako kesa sa iyo." tugon ko.
"Maganda ka kaya, kaya nga nagustuhan kita eh, manhid ka lang." sabi nya.
Hindi ko naman narinig ang huli nitong sinabi dahil sinadya niya itong pahinain.
"Ano?" tanong ko.
"Wala! maganda ka sana, bingi naman." siya.
"Kung wala ka lang sakit nalintikan ka na sakin."
"Pero seryoso babalik din ako hindi ko lang alam kung kailan." sabi ko naman.
"Naman, hindi ka naman siguro titira dun? tanong nito
"Hindi huuh,mag aaral lang ako dun." tugon ko naman.
"Aral lang huh? wala na munang mag jojowa." sabi pa niya.
"Kung may dumating bakit hindi." sabi ko pa.
"Sa gabal lang yun, akala ko ba study first?" sabi nya.
"Oo na." sabi ko pa.
"Sige na mag papaalam na ako, gabi na rin oh.. kailangan ko na rin umuwi." paalam ko dito
"Sige ingat, Salamat uli.. hatid na kita?" alok nito.
"Wag na.. malapit lang naman yung samin dito senyo." sabi ko dito
Naka salubong ko naman si Tito at Tita pag baba ko nang hagdan.
"Tita una na po ako." paalam ko sa kanila.
"Salamat Yohan sa oras at pasensya na sa abala." si Tita.
"Okay lang yun Tita, mauna na din po ako Tito." tugon ko naman.
"Sige anak." si Tito.
Hindi ko naman din sila masisi kung bakit hindi nila maalagaan si Eugo, busy eh. .
Kailangan ko pang mag impake bukas na yung alis ko.
*******************************
:)
Hit the ⭐ to Vote 🌟
[Puyaters]
❤️✨.

BINABASA MO ANG
Worth the Wait [COMPLETED]
General FictionStraight itong si cutie 𝐘𝐨𝐡𝐚𝐧 𝐎𝐜𝐚𝐦𝐩𝐨 until 𝐓𝐫𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧 𝐋𝐚𝐤𝐞 𝐃𝐨𝐧𝐜𝐡𝐞 came at binago siya nito sa kung sino siya. Paka abangan... [COMPLETED]