CHAPTER 15

812 54 1
                                    

Yohan Ocampo ⬆️⬆️⬆️

Yohan's PoV

Lumipas pa ang ilang araw ngunit hindi pumapalya si Tristan sa pag papa kilig sakin, araw ngayon nang linggo kaya walang pasok..

"Pssst.. gising na Babe."yug-yog ko kay Tristan.

"Hmmmp."sagot niya sabay inat.

"Bili mo ako nang french fries at sundae dali.." sabi ko pa.

"Huh? Babe bigla mo atang naisipan na kumain nang french fries at Sundae? " sabi pa niya.

"Sige na.." pagmama kaawa ko.

"Okay.. Okay." at tumayo na siya.

At nang paalis na siya...

Hinila ko naman siya..

"Dito ka lang." inamoy amoy ko pa siya sa leeg habang nag susuot nang damit.

"Akala ko ba bibili ako nang gusto mong kainin." sabi pa niya.

"Dun ka na nga.."  itinulak ko naman siya.

Napatawa naman siya...

"Alis na muna ako Babe, order na lang rin ako nang breakfast natin para hindi ka na mag luluto." si Tristan

"Alis na." sabi ko sabay pinalabas na siya sa kuwarto.

"Okay." sabi pa niya habang naka ngiti.

"Haayy, ansarap matulog.." sabi ko pa habang nag iinat sa kama.

Maya maya pa ay bumalik na si Tristan may dala dalang pag kain pati na yung pinabili ko.

"Let's eat Babe." anyaya niya.

"Ayaw ko na niyan." sagot ko pa.

"Huh? Bakit naman? I thought you like to eat fries and sundae? Ito oh madami akong binili." tugon niya.

"Gusto ko yung ube cheese de sal." sabi ko pa

"Hindi mo na kakainin tong binili ko?" tanong pa niya.

"Ayaw ko na niyan, sige na bili mo na ako nun." busangot ko dito

"Iba ata kilos mo ngayon Babe?" 

"Eh sa gusto kung kumain." sabay pout.

"Ayaw mo ba? Eh di wag."  Maiiyak na talaga ako

"Sige.. bibili kita."pag papa tahan niya.

"Bilis..natatakam na ako."pag mama dali ko sa kaniya.

Napakamot na lang siya sa balikat...

Dumating siya dala ang isang cellophane nang ube cheese de sal..

Kinuha ko naman agad Ito.

"Akin na."at binilisan ko ang pag kain

"Huwag kang hihingi huh.!" ako habang kumakain sa kama.

Ngumiti lang siya.

"Itong na lang akin." sabi niya sabay turo sa mga pagkain na binili niya.

"Ayaw mo ba talagang kumain?" he added

"Okay na ako dito." sagot ko.

Burrp• sabi ko matapos kumain.

Worth the Wait [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon