Papalayain ko na ang sarili ko

18 0 0
                                    

Papalayain ko na ang sarili ko

Ginapos ko ang sarili ko sa pagmamahal, pagmamahal na inalay ko para sa isang lalaki. Pagmamahal na alam kong sa huli, ako rin lamang ang masasaktan. Matagal ng nakakulong ang sarili ko sa pagmamahal na ito, at ngayong nahanap niya na ang kanyang sinta, panahon na para palayain ang sarili ko sa pagmamahal na alay para sa kanya. Panahon na para palayain ang sarili ko sa rehas ng pagmamahal na para sa kanya lamang, ngunit ngayon, kailangan ko nang ipaubaya sa tadhana upang makalaya.

Papalayain ko na ang sarili ko sa pagmamahal. Ipapaubaya sa hangin ang lahat upang tuluyan ng liparin ang pag-ibig na ibinigay ko sa'yo. Mahal kita, subalit may iba ka ng minamahal. Gusto ko lamang lumaya sa pagmamahal na ito sapagkat masakit ang patuloy na kumapit sa taong hindi ako makikita kahit na paulit-ulit ko pang ipilit ang sarili ko. Papalayain ko na ang sarili sa pagmamahal na ito, sapagkat mahirap isigaw ang mga katagang 'mahal kita' sa taong bingi at mas hindi makatotohanang marinig ko ang mga katagang ito sa isang pipi.

Papalayain ko na ang sarili ko mula sa pagmamahal na alay ko sa isang bulag, pipi at bingi. Bulag, pipi at bingi pagdating sa akin.

Poems and Other ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon