sa aking unang taga-pakinig

8 0 0
                                    

ilang beses ko na nga bang pinigilan ang magsabi ng mga gumugulo sa isip ko sa aking magulang at mga kaibigan?

'di ko na mabilang. akala nila masaya ako dahil wala namang problema. akala nila kaya ko dahil wala namang reklamo. akala nila malakas ako.

sa likod ng mga gradong pasado ay ang panghihina ng aking loob at sa mga tanong na nasagot ko na para bang ako'y sigurado ay ang aking isip na litong-lito. sa bawat pagtikom ko ng bibig at pagpipilit ng ngiti at tawa ay ang pagkirot ng puso ko at ang utak kong nagpapanggap na matatag, na sasabihin sa aking sarili na, 'kaya mo pa. hindi sila handang makinig sa iyong problema sapagkat sila rin ay puno na.'

at kapag ako'y nag-uumapaw na, madalas ako'y maghihintay kapag ang lahat ay mahimbing na ang tulog. ang pusong nagsisikap na huwag sumabog ay tuluyang puputok. ang mga daing at hinaing ay tila ba nagkakaroon ng anyo. at ang pusong pagod magpapahinga kahit hindi na makahinga sapagkat umaapaw ang luha.


/sa aking unang tagapakinig, salamat

Poems and Other ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon