Tuwing Umuulan
Kamusta na?
Bumubuhos nanaman ang ulan.
Ngumiti ka naman.
Wala ka bang naaalala sa pagpatak ng ulan?
Nagsimula sa pagdilim ng kalangitan ang pagliwanag ng aking mata nang ikaw ay aking masilayan.
Nagsimula sa isang patak, hanggang sa maging dalawa... Tatlo... Ah!
Hindi ko na mabilang pa!
Ilang patak na ba?
Mahal, naaalala mo pa ba?
Sa ilalim ng langit na napakadilim kita unang nakita...
Sa hindi mabilang na patak ng ulan kita nilapitan...
Napaka-gwapo mong tingnan sa suot mong long sleeve polo at kahit na basa na ang buhok mo, gwapo ka pa rin
Sa ilalim ng ulan, ika'y basang basa...
Mahal, basang basa ka ng luha.
Mahal, ayaw kitang nanlalamig...
Kaya nga dali-dali kitang pinayungan.
Dali-dali kitang pinunasan...
Dali-dali kitang inaya sa kapehan.
Mahal, habang hinihigop mo ang kape mo ay kasabay nito ang pagsinghot mo.
Mahal, bigla ka na lang nagsalita at sinabi ang dinadamdam mo.
At ako.
Ako ay nakinig sa mala-pelikulang kwento mo.
Hindi ito pumatok dahil wala namang chemistry ang tambalan niyo.
Mahal, kasi ako ...
Ako ang leading lady mo.
Ilang buwan. Isa?
Dalawa?
Tatlo?
Oo. Mahal, tatlong buwan bago ka naglakas loob na ako'y ligawan.
Tapos na ang tag-ulan kaya masaya tayong naglakad sa labas kahit na mataas ang sikat ng araw.
Tapos na ang tag-ulan kaya imbes na sa kapehan ay ice cream ang ating naisipan.
Tapos na ang tag-ulan.
Pero mahal.. Hinihiling ko na sana ang tag-ulan ay hindi isang proseso..
Hinihiling ko na sana hindi na lang magdilim ang kalangitan
![](https://img.wattpad.com/cover/233713415-288-k161222.jpg)
BINABASA MO ANG
Poems and Other Things
Thơ caA collection of poetries (English and Tagalog) and some other things.