Kabanata 25

219 8 0
                                    

Note: R-18


Kabanata 25


"Kuya! How's Mama?"

Mabilis ang pagtaas baba ng aking dibdib dahil sa kaba at hingal na aking nadarama. Kaya nang maabutan ko si Kuya na naghihintay sa amin sa lobby ng hospital, agad akong lumapit sa kanya at hindi na nag-aksaya ng panahon na magpahinga pa upang makabawi sa aking pagkahingal.

Tinawagan namin si Kuya Zone na sunduin kami sa lobby ng hospital since hindi namin alam kung nasaan ang kwarto ni Mama.

Bakas sa mukha ni Kuya Zone ang pagod at kakulangan sa tulog. May mga lumilitaw ding iilang maliliit na balbas sa kanyang panga.

Buntong hininga ang isinagot ni Kuya Zone sa aking itinanong at iniwas ang kanyang tingin.

Mas lalo akong kinabahan.

Lumagpas ang tingin niya sa akin at naramdaman ko ang init ng katawan ni Stain na nasa aking likuran na pumunta na sa aking tabi.

I looked at him wearing a worried look.

He just gave me a small smile before shifting his gaze to Kuya Zone.

"Kuya," sambit ni Stain.

Tumango lamang si Kuya Zone.

"Kuya Zone! Please.. tell me...", I pleaded.

He bit his lower lip and sighed.

Puro buntong hininga na lang ba sagot ni Kuya?

Binalik niya ang tingin sa akin at halos manlambot ako nang makita ko ang namumulang mata ni Kuya Zone na halatang pinipigilan ang kanyang luha sa pag-alpas.

"K-Kuya.." I uttered.

The anxiety slowly eating me. I couldn't think of any positive thoughts. My mind was flooded with negativity, I couldn't think straight right now.

"Come.. We're going to Mama..", tanging isinagot ni Kuya.

Tumalikod siya at sumunod naman kami ni Stain.

Nakahawak sa akin si Stain na para bang kapag binitawan niya ako ay bigla na lamang ako manlalambot at mapapaupo sa sahig... buti na lang at ginawa niya iyon, dahil alam kong mangyayari talaga iyon sa akin kung sakaling bitawan niya ako.

Stain is my strength..

With him by my side, I know I could face many problems and challenges..

He's my strength..

Halos manlambot ako nang mapunta kami sa floor kung nasaan ang Intensive Care Unit.

Nanginginig ako nang pinasuot kami ni Kuya Zone ng hospital scrub suit, gloves and medical face mask.

Kahit nanginginig, nagtagumpay naman akong maisuot iyon sa tulong ni Stain.

He's always by my side.. I hope he won't get tired.

"Kuya.. what are we doing here?", I asked.

Napapadaan kami sa iba't ibang kwarto, may iilan akong nakikitang doctor na nagmamadaling lumalabas at pumapasok sa iilang kwarto at tunog ng makina ang maririnig kapag bumubukas ang pinto.

Mas lalo akong kinabahan.

Huminto kami sa isang pinto at bago kami makapasok ay nakita namin si Papa sa bench sa labas ng kwartong iyon na nakatungo.

Umangat ang kanyang tingin nang maramdaman ang presensya sa aknyang harapan.

Tumingin sa akin saglit si Papa at bakas na nakangiti siya dahil sa bahagyang paniningkit ng kanyang mata. Dahil mata lamang ang kita ko sa kanya dahil sa face mask, kita ko ang pagod sa kanyang mga mata... bakas din ang kanyang pag-iyak.

Pleasuring StainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon