Kabanata 7

215 8 12
                                    

Kabanata 7


Pumasok na ako sa loob ng bahay nang makabawi sa mga banat ni Rhythm.

Ang isang iyon! Gusto pa yata akong isama sa mga koleksyon niya ng babae! The nerve!

Nakita ko ang tatlong sasakyang nakaparada sa garahe ng bahay namin. Nando'n ang Jeep Wrangler ni Kuya Zeno at ang Aston Martin ni Kuya Zone, ang isa naman ay ang BMW SUV ni Papa.

Umuwi sila Kuya at Papa? Kadalasan kahit linggo ay wala sila kaya nakakapanibago na kumpleto kami ngayong linggong ito.

Lagi kasing wala ang kambal kong Kuya, nagtatrabaho na sila pareho kaya kumuha sila ng sarili nilang condo na malapit sa trabaho nila habang si Papa, kung saan-saan na de-destino kaya minsan lamang din siya umuuwi at laging wala ang mga kotse sa garahe kaya wala ring naghahatid sa akin at tiis-tiis sa commute.

Sabi ni Kuya Zone, nagtiis din daw silang magcommute dati kaya dapat daw maranasan ko rin. Ewan ko ba. Iyong ibang older brother kapag may kapatid silang babae na mas bata sa kanila ay kung ituring nila ay prinsesa, pero itong dalawa kong kung, kapag nandito sila sa bahay, kung ituring nila ako para ako nilang alipin! Lagi akong inuutusan.

Feeling ko talaga ampon sila. Sila ang ampon at hindi ako.

Nagtapos si Kuya Zone ng Bachelor of Science in Computer Engineering, samantalang si Kuya Zeno naman ay Bachelor of Science in Aeronautical Engineering. Palibhasa parehong matalino nag-accelerate sila ng dalawang taon noong elementary pa lamang sila, which I found really unfair! Ang daya!

Dahil nga nag-accelerate sila pareho, almost two years na silang nagtatrabaho. Si Kuya Zeno naglaan ng halos four months para sa training at flight experience para maging piloto at ayun natapos naman niya kaya, piloto na ngayon si Kuya Zeno kaya rin lagi talaga siyang wala rito at si Kuya Zone naman ay malayo ang pinapasukan kaya bumukod na sa amin. Sabi rin niya kaya na raw niya buhayin ang sarili niya.

Kaya naman kapag naiisip ko talaga na ang successful na nila Kuya tapos hindi man lang ako binibigyan ng sasakyan para hindi na ako magcommute, naiinis talaga ako! Si Mama naman ay pabor sa dalawa kong Kuya na h'wag akong bilhan ng sasakyan baka raw kung saan saan ako makapunta at para matuto rin daw akong mag-umpisa sa mababa katulad kina Kuya. Kung gusto ko raw ng sasakyan, magsikap at magtapos daw ako.

May point naman sila, hangga't hindi ko sariling pera ang pinanggagastos ko, wala akong karapatang magluho nang magluho. I'm grateful na ganito kami pinalaki nila Mama at Papa.

Pumasok ako sa loob at naabutan ko si Kuya Zeno at Kuya Zone ng basketball sa sala at may popcorn pa sa harap nila. Naamoy ko naman na nagluluto na si Mama sa kusina. Si Papa baka nasa study room niya.

Umupo ako sa one-seater couch namin at dumampot ng popcorn sa bowl bago inilapag ang backpack na may lamang damit ko.

Purgang-purga na ako sa popcorn! Mula kina Hue hanggang dito ba naman puro popcorn na lang! Wala bang french fries?

"Sino iyong naghatid sa'yo, Unique?", tanong ni Kuya Zone habang nasa pinapanood pa rin ang atensyon.

Napangiwi naman ako sa tinawag niya sa akin. Sa bahay lang ako tinatawag ng gano'n kasi magkapareho kami ng nickname ni Kuya Zone, hindi raw siya mag-aadjust, ako raw dapat.

Sumubo muna ako ng popcorn bago sumagot.

"Si Rhythm.", sagot ko habang ngumunguya.

"Sinong Rhythm? At saan naman kayo nanggaling? Bakit sumasama ka sa lalaki?", pang-uusisa naman ni Kuya Zeno na nasa akin na ang atensyon.

Napalunok naman ako agad. Nakakaramdam na ako ng kaunting kaba, pero bakit ako kakabahan? Eh galing naman ako kina Hue at napag-utusan lang si Rhythm na ihatid ako.

Pleasuring StainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon