Kabanata 29

156 9 0
                                    

Kabanata 29

"You're ready?"

Napaigtad ako dahil sa ibinulong ni Mama sa akin. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa logo ng Saint Theonas sa bungad ng kanilang campus.

Lumingon sa akin si Mama at ngumiti. I smiled back at her and shifted again my attention in front.

I took a deep breath. This is it! Though, I'm getting anxious, I know I can make it. Mama is with me right now. She fulfilled her promise that she will go with me when I started to take CETs and scholarship.

Ito na ang last na university na kukuhanan ko ng entrance exam, and this is my dream school, kaya lahat ibubuhos ko para makapasok dito at maging iskolar. Aside from Saint Theonas, I'm aiming for University of the Philippines and Mapua. Nakapagtake na ako ng entrance exam do'n last week.

This would be the last.. hopefully, I would ace the exam.

Lumingon muli ako kay Mama at ngumiti sa kanya bago tumango. Sinamahan niya ako hanggang sa labas ng building kung saan ako na-assign.

Kagabi, paulit-ulit ko pang tinignan kung lahat ba ng kailangan ko ay nasa bag ko na, nagbabasa pa ako ng mga tips sa internet on what to do before, during and after taking an exam. Pinagpahinga ko na rin ang aking utak ngunit hindi pa rin talaga mawawala iyong kaba.

"I will wait for you here. I know you can do it!", pagchi-cheer sa akin ni Mama.

Marahas akong nagbuga ng hangin upang alisin ang kaba sa aking dibdib. I've study enough.. alam kong kaya ko ito. I shouldn't be anxious like this as if I'm going to fail! Think positive!

Humalik ako sa pisngi ni Mama nang sabihin na pwede nang pumasok sa building at pumunta sa designated room na nakalagay sa aming form. Mabilis ko namang nahanap ang na-assign sa aking room. Pinapila muna kami bago kami pinaupo. Pinaghiwa-hiwalay iyong mga magkakapareho ng school. Tatlo kaming taga-SAU na magkasama sa iisang room ngunit halos nasa magkakabilang dulo kami. Nasa last row ako pangalawa sa bandang sulok na upuan.

Ang nasa aking kanan ay isang babae na kulay rose gold ang pixie cut niyang buhok at may piercing sa kanyang ilong. Maliit akong ngumiti nang tumingin siya sa akin. Hindi niya ako pinansin at muling itinuon ang kanyang atensyon sa proctor namin na nagsasalita sa harap.

Hindi ko na pinalaki pa ang pag-ismid niya sa akin dahil sa kabang aking nararamdaman habang nakikinig sa mga paalala ng proctor namin. Lalaki ang aming proctor na may magandang tindig ngunit malamig ang mga tingin, naalala ko tuloy sa kanyang mga tingin si Stain.

Isa-isa niya kaming nilapitan nang ibigay niya ang unang parte na aming sasagutan. Nararamdaman ko ang pamamasa ng aking kamay at ang panginginig ng aking katawan. Halos manikip ang aking dibdib dahil sa mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.

I need to calm.. last na exam naman na ito, at hindi naman ako ganito sa mga nauna kong CETs na kinuha. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito magmula noong sumapit ang CETs and scholarship exam month.

Pumikit ako nang mariin at nagbilang hanggang sampu habang nagbi-breathing exercise. Sakto pagmulat ko ay ako na ang sunod na bibigyan. Saglit akong tinignan ng aming proctor.

"Take it easy, you can do it," sambit niya nang mailapag niya ang exam sheet sa aking harapan. Medyo gumaan ang aking pakiramdam dahil sa kanyang sinabi at ngumiti sa kanya.

"T-Thank you," namamaos kong sambit.

Nang mabigyan na niya ang sumunod sa akin at ang huli niyang pagbibigyan ay naghudyat na siya na maaari nang simulan ang pagsasagot.

Narinig ko ang tunog ng pagbubuklat ng papel ngunit ako ay nakapikit pa rin nang mariin at hindi pa kumikilos. Nang muling tumahimik ay dumilat ako at nagsimula na akong sagutan ang exam.

Pleasuring StainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon