Kabanata 5

233 12 6
                                    

Kabanata 5


Matapos kantahin ni Stain iyon, at matapos niyang tumingin sa akin, hindi na iyon pa naulit. Naging light na rin ulit ang atmosphere sa bar. Puro pang-jamming at walwalan na ang itinutugtog nila. 

Ngayon ko lamang natanto na, nakapasok ako nang hinid tinatanong kung ilan taon na ako. Siguro dahil na rin sa suot ko. 

Kagaya nga ng sabi ni Heira, nag-matured daw akong tignan. 

Pumunta naman kami sa table namin nila Hue, kaming tatlo lamang ang nando'n at puro mga lady's drink lamang ang inorder nila. 

Sabi ni Heira, hindi pa raw ako pwedeng malasing kasi seventeen pa lang daw ako. Palibhasa silang dalawa ni Hue ay eighteen na, legal na. 

Isang bote lang ng hard drink ang nasa lamesa at si Hue at Heira lamang ang umiinom no'n, habang ako ay kung hindi lady's drink ay pa-juice juice lang. 

Ayos lang din naman sa akin ang hindi uminom ng iniinom nila, though nacu-curious ako. I want to taste it, pero alam kong pagagalitan ako ni Mama, paniguradong hindi na niya ako pasasamahin kina Hue kapag nalaman niya ito. Ngayon pa nga lang na nag-bar ako nang hindi niya alam, paniguradong sesermunan ako no'n. Eh hindi ko naman din alam na sa ganitong lugar pala ang gig nila Stain ngayon, at hindi man lang ako sinabihan ni Hue o Heira kahapon. 

Pero kahit naman sigurong alam kong sa ganitong lugar ang gig nila Stain, paniguradong pupunta pa rin ako. I really want to see him perform without holding back. 

Humahagikhik na si Hue, habang si Heira naman ay namumungay na ang mata at bumabagsak-bagsak na ang ulo. 

Lasing na ba sila? 

Hindi ko naman namalayan na ang dami na palang hard drinks ang nainom nila. Akala ko ay unang bote pa lamang iyong kanina, o masyadong matagal lang talaga akong nag-space out. 

Heira poked me and handed me a shot glass with clear liquor in it. I gave gave her a puzzled look, and she just smile and mouthed 'Drink it.' 

Kanina lamang ay pinagbabawalan nilang ako uminom at makisama sa kanila tapos ngayon ay inaabutan na ako nito? Talagang lasing na siguro siya. 

Hindi ko inabot ang inabot niya, kaya kinuha niya ang kamay ko at sapilitang pinahawak sa akin ang shot glass na naglalaman ng likidong pagsisihan ko kapag ininom ko. 

I gulped as I stared at the clear liquor. Inamoy ko muna ito at kumunot ang aking ilong sa naamoy. 

Jusko! Mukhang malilinis ang esophagus ko kapag ininom ko ito! Amoy alcohol!

"Drink it, Zonnique! Promise, I will not bother you after that one shot!", ani Heira. 

Pumupungay-pungay na ang kanyang mata, at gano'n din si Hue.

 umalakpak si Hue at tumingin sa akin. 

"Go my baby, Zonnique! Oh god. You're not my baby anymore nga pala!", aniya at umaktong nagpunas ng luha, or talagang may namuong luha sa mata. 

Gulat akong napatingin kay Hue nang bigla itong humagulhol. 

"Oh my god! Z-Zonnique! You're a grown up woman now! I'm so proud! Mommy is proud!", her voice was slurred, probably because of the effect of liquor. 

I am certain that she's drunk already. 

Umakto pa si Hue na parang anak niya ako na nakita niya ang paglaki ko at pinaghirapan niyang buhayin ako habang umiiyak. Ito namang si Heira, hinahagod-hagod ang likod ni Hue at ginagatungan niya pa. 

Pleasuring StainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon