Kabanata 33

181 8 0
                                    

Kabanata 33


"It's too early, where are you going?", tanong ni Mama nang makita niya akong nagmamadaling kumuha ng pancakes sa hapag.

"I'm going to visit, Hue," tipid kong sambit.

Tumahimik bigla sila ni Papa nang sabihin ko iyon kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si Papa at Mama na parang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas na sa dining area. Wala na ang Jeep Wrangler ni Kuya Zeno, mukhang kanina pa siya umalis lalabas na sana ako ng gate nang makita ko ang paglabas ng sasakyan ni Kuya Zone.

Kumaway ako sa kanya upang sumabay. Binaba niya ang bintana ng kanyang Aston Martin at tumingin sa akin.

"Where are you going?", tanong niya.

"I need to visit Hue. She's in mental institution, right? Alam mo ba kung saan?", tanong ko kay Kuya Zone.

Kumunot naman ang kanyang noo.

"Hindi ko alam kung nasa'n," sagot niya.

Bumuntong hininga ako.

"Hatid mo na lang ako kina Rhythm, Kuya. I'll lead the way." sambit ko at sumakay na sa passenger seat ng kanyang sasakyan.

Nang makarating kami sa bahay nila Rhythm ay bumungad sa akin ang mga magulang ni Rhythm na papaalis na rin.

"Good morning, po. Nand'yan po ba si Rhythm?", magalang kong pagbati sa kanila.

Ngumiti sa akin ang Mama ni Rhythm.

"Ah, yes. But he's still sleeping," aniya.

"I'll just wait for him to wake up," sagot ko naman.

"Ah, no, no.." aniya at nagtawag ng kasambahay. "Pakigising nga si Rhythm, sabihin mo may bisita siya.." nakataas ang kilay ng Mama ni Rhythm at nagtatanong na tumingin sa akin.

"Ah.. Zonnique po," sambit ko.

"Zonnique's here, pakisabi," sambit ng Mama ni Rhythm.

Sinamahan niya ako hanggang sa sala at napansin ko na mas nakuha ni Rhythm ang genes ng mga Devereaux kaysa sa side ng Mama niya.

Nakita kong sumulyap ang Mama niya sa wrist watch nito before she looked at me apologetically.

"Zonnique, hija.. We need to go now, just wait Rhythm here, and make yourself at home," aniya at matamis na ngumiti sa akin.

Tumango naman ako sa kanya at tumayo ako nang tumayo rin siya. Ngumiti siyang muli sa akin bago lumabas patungo sa garage nila.

Sakto namang pag-alis ng Mama ni Rhythm ay bumaba na rin siya. Agad akong pumunta sa kanya.

"Rhythm, where's Hue?", hinihingal kong tanong.

Nagulat pa siya sa akin ngunit agad na napalitan ng pandidilim ang kanyang mga mata.

"She's on the way to mental institution," he said in gritted teeth.

"Where?" I asked.

Nagbuntong hininga siya bago sumagot.

"England,"

Bumilis ang aking paghinga dahil sa sinagot ni Rhythm. Nararamdaman ko na rin ang panginginig ng aking kamay.

Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma ang aking sarili bago muling tumingin kay Rhythm at sinuri kung nagbibiro ba siya, ngunit wala akong mamataan na kahit anong panunuya sa kanyang ekspresyon.

Pleasuring StainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon