Kabanata 39

235 7 0
                                    

Kabanata 39


I keep on staring on nothingness while leaning my back on the door. Hawak ko rin ang aking dibdib, ramdam ko ang pagkaubos ng aking lakas dahil sa simpleng interaksyon na iyon. Hindi ko na pinansin ang pagkahulog ng aking gym bag sa sahig at nagpatuloy sa pagkakatulala.

He's here.

Nasa tapat lamang ng condo unit namin ang condo niya.

Fuck!

Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?! Matagal na ba 'tong alam ni Dominique?! We need to find another condo unit, but.. bayad na namin 'to! Shocks! Another gastos para maiwasana ng lalaking 'yon! He's a walking sin for fuck's sake! I don't want to be involved with him anymore. Kahit nga ang mapalapit lang sa kanya kanina ramdam ko na ang init na sinusunog ang kaluluwa ko.. sana kaluluwa ko nga iyon at hindi iyon ibang init.

Memories in the past kept on flashing in my mind. It feels surreal.. it feels like it only happened yesterday. Shit!

I unconsciously pulled my hair in frustration! Damn, I accused him that he's following me! Pero.. baka nga totoo.. baka noong nalaman niyang dito kami lumipat ni Dominique, sumunod din siya. Hindi ko naman siya nakita noong mga una hanggang ikaapat na linggo namin dito.

Pero, bakit naman siya susunod sa akin? At hindi naman ako masyadong naglalalabas sa condo noong mga nakaraang linggo, kaya paano ko naman malalaman kung sino ang mga kapitbahay namin?

Ah, basta.

I really think he's following me. Hindi pa ba siya nadadala ro'n sa kasalanang 'yon?!

Kasi mukhang ako rin..

Hindi pa..

Fuck! I think I need to go to church this Sunday. Naiipon na ang mga kasalanan ko, at mukhang kailangan ko rin ng magpapagising sa akin mula sa mga ilusyon kong ito.

Nagising na lamang ako mula sa aking pagkakatulala nang may marinig akong malakas na pagbagsak ng pinto. Agad akong nagtungo sa sala dala ang aking gym bag.

Nakita ko si Dominique na kalalabas lamang sa kanyang kwarto at gulong-gulo pa ang kanyang buhok. Nagtataka akong tumingin sa kanya at umupo sa couch upang magpahinga.

Gulat naman siyang tumingin sa akin at agad na lumapit. Napaatras pa ako nang bigla niya akong hawakan sa braso. Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Problema mo?", nagtataka kong tanong.

"W-What.. I mean..", umiikot pa ang kanyang paningin at bakas pa rin ang pagtataka sa kanyang mga mata.

"How.. how did I get home?", she asked.

Dahil sa kanyang tanong ay muling pumasok sa aking isipan na kailangan ko nga pala siyang batukan dahil sa kagagahan niya kagabi.

Bago ko sagutin ay binatukan ko muna siya.

Humiwalay siya sa akin at sumimangot.

"What was that for?!", singhal niya habang hinahaplos ang parte kung saan ko siya binatukan. "Ang sakit na nga ng ulo ko," mahina niyang usal mahabang nakanguso.

"Gaga ka! Inom pa more," nanunuya ko naman sambit.

She glared at me.

"Paano nga ako nakauwi?! Dami pang ebas," aniya.

Nangunot ang aking noo.

"What's ebas?", I asked. "Is it a grapes?"

She looked at me with amusement before she laughed hysterically.

Pleasuring StainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon