Chapter 1

42 6 1
                                    

Rainier's POV

*ring ring*

"Haish sino kaya ang tatawag ng ganto kaaga?" Nagising ako sa ingay ng cellphone ko at inabot ito.

[Karina's calling]

Napabalikwas ako sa higaan ko sa gulat, shit tumatawag si Karina bakit kaya?

"H-hello Karina?" shit bat nanginginig boses ko.

"Hello Rain? sorry nagising ba kita?"

Oo nagising moko haish "hah? hindi naman, bakit ka pala napatawag? may problema ba?"

"kasi... *sigh* "

"anlalim ah, bakit?"

"I miss you Rainier..."

wait! what?? anong sabi nya? totoo ba to? hoy Rainier sumagot ka ano ba self?

"h-hah? I-imiss you too hehehe. Gusto mo dalhan kita ng fav ice cream mo?"

" yesss pls Rain"

"okay, wait moko dyan ah? bibili lang ako"

"uhmm"

"ba-" *tot toot* what?? binabaan naman ako ang galing, bala na nga mag aayos na muna ako.

"teka anong oras naba? *chineck ang time* WHAT THE!? 5:34am? may bukas na kayang ice-cream parlor nento?"

Nag palit ako ng tshirt at lumabas na ng bahay, ginamit ko ang motor ko kasi tinatamad akong gumamit ng kotse ngayon, bumili nako ng ice-cream na fav nya (milk flavor). Otw nako papunta sakanila. Nakarating naman ako ng ligtas and time check it's 6:03am haisshh inaantok pako.

* ding dong *

Mga 2mins din akong nag antay sa labas ng Bahay nila bago ako pagbuksan, nang makapasok nako dumeretso na kami sa kwarto nya (wala kaming gagawing masama paalala) nang makapasok kami sa kwarto nya humiga agad sya sa kama nya tyaka ko inabot ang plastic ng icecream sakanya.

"ohh, ano bang nangyare?" sabi ko sakanya habang inaabot ko ang icecream nya.

"wala naman, hindi lang ako makatulog hehehe. Thankyou sa ice cream rain!" sabi nya sabay ngiti saakin.

"ah kaya pala nanggulo ka ng iba para may karamay ka haynako" sabi ko sakanya. Pero ayos lang naman basta ikaw yiiiee HAHAHAHA okay self masyado kang corny.

"uhmmmm~ ang sarap" sabi nya habang kumakain ng ice cream na parang 5yrsold, hay walang pinagbago.

"namiss mo ba talaga ako o yung ice cream ang namiss mo?" tanong ko sakanya habang tumatawa.

"sempre miss kita pero mas miss ko to HAHAHA" sabi nya sabay taas ng ice cream na hawak nya.

Kumakain lang sya ng ice cream habang ako nakatingin lang sakanya, ang manyak ko ata. Self umayos ka nga.

"ahm bat pala hindi ka makatulog?" tanong ko sakanya, ang awkward kasi sya kumakain tas ako hindi.

"hmm, may iniisip lang ako" sagot nya habang inuubos na ang ice cream na bigay ko. Ghad para talaga syang bata tignan mo ang dungis na nya puno na ng ice cream yung mukha nya.

"haynako, para ka talagang bata kumain ng ice cream!" sabi ko sakanya at lumapit "halika ka nga ditto ang dungis mo na" sabi ko habang pinupunasan ang labi nya. Napatingin sya sakin at nag katitigan kaming dalawa hanggang sa bumaba ang tingin ko at napunta sa lips nya ghad inaakit ako ng lips nya- WHATT!? napailing ako bigla at tumalikod. "shit self anooo bang iniisipp moo?? kaibigan mo syaaa! kababata mooo!" sabi ko sa sarili ko.

"s-sorry..." sabi ko sakanya habang nakayuko.

"ayos lang, tara dito mukhang antok kapa e" sabi nya sabay tapik sa tabi ng pwesto nya at umupo naman ako dun.

"tulog kana muna rain, thanks sa ice cream, mag luluto na muna ako ng almusal" sabi nya sabay tayo

"okay, gisingin mo nalang ako pag tapos kana thanks." sagot ko sabay higa sa kama nya, tumango lang siya saakin at lumabas na ng kwarto nya at natulog naman ako. Normal nalang samin ang ganto matulog sa kwarto ng isa't isa. Hindi nadin naman kami naiilang kasi simula baby palang kami magkasama na, sabay pa nga kami naliligo noon HAHAHAHA.

­­­­­­­­­­___________________________________________________________________________________________________________

A/N: hi guys:) sorry kung may mali. kamusta naman ang chapter1? Sana nagustuhan nyo, readwell guys!❤️

When You Realize You Love HerWhere stories live. Discover now