Chapter 21

29 3 2
                                    

Karina's POV

*1week ago*

After mag confess saakin ni Rainier hindi na din kami gaano naguusap gaya ng dati, namimiss ko na ang bestfriend ko haish. Ilang days nalang at prom day na excited na kaming lahat para sa araw nayun.

"hey Babe, mga anong oras gusto mong sunduin kita?" tanong saakin ni Carl.

"hmm, mga 3pm Babe" sagot ko naman sakanya. Aalis kami bukas para mamili ng susuotin nya sa prom.

"okay Babe!" masayang sabi ni Carl sakin.

Pagkatapos ng klase namin niyaya ako ni Carl na lumabas saglit at kumain kami sa isang restaurant tyaka hinatid na nya ko pauwi. Nang makarating na kami sa amin ay agad akong nagpaalam sakanya at umalis na din sya agad.

"Rainier!?" gulat na sabi ko ng makita ko si Rainier sa sala namin na nakaupo habang kausap ni Klein.

"Ate!" masayang bati sakin ng kapatid ko at nginitian ko lang sya. Nakangiti lang din si Rainier sakin.

"a-anong ginagawa mo dito Rain?"

"ahh, tinxt kasi ako ni Klein kanina nagpasundo sya sakin kasi wala daw si Tito and di ka daw nya ma contact" pagpapaliwanag ni Rainier na ikinagulat ko.

"OMG! I'm sorry Klein!" nagaalalang tumingin ako kay Klein na ngayon ay nakangiti lang saakin.

"it's fine Ate, nandyan naman si Kuya Rainier e" masayang sabi ni Klein.

"o-okay, btw thankyou Rainier sa pagsundo sa kapatid ko" pasasalamat ko kay Rainier.

"wala yun" nakangiting sabi ni Rainier. Haish I really miss you Rain.

"ahm kumain naba kayo? gusto nyo pagluto ko kayo ng dinner?" tanong ko sakanila at agad namang tumango ang dalawa, cuteee!

Nagluto nako ng dinner namin habang ang dalawa naman ay nagkukwentohan habang naglalaro.

"need help?" biglang sabi ni Rainier mula sa likuran ko dahilan para magulat ako.

"oh gosh Rainier!"

"ops sorry Karina" nakangiting sabi ni Rainier.

"si Klein?" tanong ko sakanya.

"nag cr lang saglit, so ahm ayusin ko nalang ang table" sabi ni Rainier at tyaka inayos na ang table, tinulungan narin nya ako ihanda ang pagkaing niluto ko.

Kumain na kami pagkadating ni Klein, nahuhuli ako minsan ni Rainier na nakatingin sakanya habang kumakain hayyy, bat nakakailang na ngayon? akala koba walang magbabago samin? haishh. Pagkatapos naming kumain napagdisisyonan ng dalawa na mag movie marathon kami, uuwi na sana si Rainier ng pilitin ni Klein na mag stay sya dito sa bahay tutal wala naman daw sila Mommy.

"Kuya Rain sigee na dito kana po matulog" pagpupumilit ni Klein kay Rainier.

"Klein, wag mo na pilitin si kuya Rainier mo. Baka madami pa syang gagawin bukas" pagsaway ko kay Klein.

"eh Ate naman e, aalis na si kuya Rainier tas matagal syang mawawala" malungkot na sabi ni Klein samin, Nakita ko namang nalungkot bigla si Rainier. ' I'm sorry baby, kasalanan ni Ate kung bat aalis si kuya Rainier' sabi ko sa isip ko tyaka napabuntong hininga na lang.

"okay okay, I'll stay tonight Klein" nakangiting sabi ni Rainier habang ginugulo ang buhok ni Klein na ngayon ay nakangiti na. Napatingin naman sakin si Rainier at ngumiti.

"okay lang ba Mandu?" tanong nya sakin.

"oo naman, why not?" sagot ko sakanya at ngumiti. "wait, may pamalit kaba?" tanong ko sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When You Realize You Love HerWhere stories live. Discover now