Chapter 3

43 5 4
                                    

Rainier's POV

Nanonood kami ngayon ng "I'm Drunk, I Love You" maganda siya, for me ang sakit nung story HAHAHAHA. Kasi yung babaeng bida may gusto sa bestfriend nyang lalake kaso dumating yung exgf nung lalake tas lagi silang magkasama and selos naman tong si ate girl, wala dama ko lang yung sakit nung babae hehehe.

"Kawawa naman yung babae" biglang sabi ni Klein sabay tingin sakin.

"Oo nga e" sabi naman ni Karina na tutok sa panood.

"Hmm.." sang ayon ko sa dalawa, alam kasi ni Klein na may feelings ako para sa ate nya, nahuli nya ko one time lasing at sinasabi ko ang "iloveyou Karina!" Tas umiiyak daw. Ghad self nakakahiya ka, pero boto naman daw sya sakin hehehe. That's why i like this little boy.

"C-cr lang ako" sabi bigla ni Klein. Tumango naman kami bilang tugon.
Bale kami lang dalawa ngayon ni Karina dito ng biglang may R18 na lumabas, sempre nagulat ako tas sya napatakip ng unan sa muka, hmm ang init naman ngayon dito shit.

"Uhmm hmmm!" Paubo kong sabi. Kaya napatingin sakin si Karina.

"Ah okay na yung palabas, tapos na" sabi ko sabay tingin ulit sa tv.

"Ok--" naputol ang sasabihin ni karina ng mag salita bigla si Klein.

"Anong tapos na?" Sabi ni Klein at bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Wala yun, lika dito lil bro" sabi ni Karina sakanya at lumapit naman agad si Klein sakanya. Niyakap sya ni Karina, ket 14 yrsold na si Klein baby parin ang turing ni karina sakanya. Ang cute nila tignan.

"Ahm kuha lang ako chips ubos na e" sabi ko sabay kuha ng bowl na walang laman at tumayo.

"Okay." Sabi ni Karina sakin, haish ang cold ah.

Pagbalik ko patapos na yung movie, umupo nako ulit sa tabi ni Karina na ngayon ay kalong nya na si Klein.

"Gusto ko next 'Avengers' pwede ba?" Sabi ni Klein.

"Yeah sure baby" sabi ni Karina sabay pisil ng pisngi nito na mala dumpling din. Natawa lang ako sa kulitan nilang dalawa.

"Ate ano ba, nakakahiya ang lakelake ko na e. Im not baby anymore" Klein said while pouting.

"para sakin baby ka parin klein" natatawang sabi ni Karina sa kapatid tyaka niyakap ulit ito. Sanaol niyayakap hmp.

Pagkatapos ng 'Im Drunk, I Love You' pinanood na namin ang 'Avengers' na request ni Klein. Sa kalagitnaan ng movie nag paalam si Karina na magluluto na sya for lunch. Oo nga nakalimutan ko din kung anong oras na, time check, it's 11:53am antagal na pala naming nanonood.

"Hey Mandu, tulungan na kita?" Sabi ko kay Karina.

"Hmm? Wag na okay lang ako, samahan mo nalang si Klein manood." Sagot nya sabay talikod sakin.

"Okay" sabi ko sabay smile kahit di nya nakikita, hmm ano kayang problema nento kanina okay naman kami, ang moody nya talaga hayy mga babae nga naman.

Natapos na ang movie at nireready na ni Karina ang mga plato kaya tinulungan ko na sya. Pagkatapos namin kumain ay nag paalam nako.

"Thankyou sa lunch, ingat kayong dalawa dito hah? Text or tawagan nyoko kung may mangyare man or may need kayo, aalis nako babye" kumaway ako at nagsmile sa kanilang dalawa bago umalis.

"Bye kuya Rain! Take care!" Sigaw ni Klein bago ako lumabas ng bahay nila, hindi man lang nag paalam sakin ang Mandu nayun.

----------

Nakarating nako ng bahay at naligo at nag suot ng jersey shirt and short. Late nako sa practice namin for sport fest, andami nading text sakin si Blake HAHAHAHA lagot nanaman ako nento.

"Nanny, alis na po ako. May practice po kami today" paalam ko sa yaya namin.

"Osige ijo mag iingat ka" sagot nya at tinuloy ang ginagawa nya.

Sumakay na agad ako sa motor ko, nag mamadali nako dahil kung hindi sobrang patay nako nento kay Blake, our team captain but also my bestfriend since kinder. Alam nya rin na may gusto ako kay karina and gusto nya rin ang kaibigan ni karina na si Hazel Cruz ang muse ng school namin. Pag dating ko sa court ng school namin ramdam ko na ang init ng tingin sakin Blake hehehe.

"Eyy bro! I'm sorry I'm late hehehe" bati ko sakanya.

"Rain, alam mo namang malapit na ang sport fest tas magpapalate kapa ngayon? Bro naman alam mo naman na ikaw ang ace ng team!" Pagalit na sabi nya sakin.

"Sorry na bro, hindi ko kasi namalayan ang oras. Nakela karina kasi ako kanina pasensya na" mahinang sabi ko sakanya.

"Ow okay, btw nandun din ba si Hazel bro?" Biglang kumislap ang mga mata nya pag kasabi ng pangalan ni Hazel, grabe tong lalake nato inlove na inlove kay Hazel.

"Wala nung andun ako pero sure ako ngayon nandun na sya kela Karina" sagot ko sakanya ng nakangisi.

"Ow okay, sige na simula na tayo" seryosong sagot nya. Wow ambilis mag bago ng mood ah HAHAHAHA.

Nag stastart na ang practice game, pinasa sakin ni Blake ang bola and shinoot ko "YOWNN 3 POINTS!!" sigaw ko sabay takbo ulit. Takbo dun, takbo dito, shoot dun, shoot dito. Grabe nakakapagod pero nakakatanggal stress. Natapos na ang game and kami ang panalo 67-58 ang score. Pawis na pawis akong pumunta sa upuan ko, kinakausap na kami ngayon ng Coach namin si Sir Donny.

"Goodjob Rainier, keep it up" sabi nya sakin sabay tapik sa balikat ko.

"Thankyou Coach" pasasalamat ko sabay ngiti sakanya.

"Eyyy bro! Ang galing mo ah? Bakit may inspiration ba?" Biglang akbay sakin si Blake habang tumatawa. Inaasar nanaman ako ng lokolokong to.

"Blake anuba ang sak--" naputol ang sasabihin ko ng may biglang tumawag sakin.

"BUDDY RAINIER!!" boses ng isang babae na kilalang kilala ko, napangiti agad ako at tumingin sa dereksyon nya.

"Speaking of inspiration" panunukso ni Blake sakin. Bweset talaga tong lalakeng to.

Kinawayan ko ang babaeng sumigaw at nginitian. Agad itong tumakbo papalapit sa pwesto namin ni Blake at inabutan ako ng panyo at gatorade.

"Oyy thankyou Bud!" Sabi ko sakanya tyaka gulo ng buhok nya HAHAHA ang cute nya.

"Anuba Rain! Wag ang buhok ko haish" sabi nito na halata ang inis sa boses.

"Ako walang gatorade? Andaya naman favoritism!" Sabi ni Blake sabay walkout. Nag walkout nanaman ang king of walkout haynako. Tumawa nalang kaming dalawa pag alis ni Blake.

"Rain, sabay na tayo umuwi?" Sabi nya sakin habang iniinom ko ang bigay nyang energy drink.

"Sige, antayin moko dito mag bibihis lang ako." Sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Okay, bilisan mo ah" sabi nito at tyaka ako nag lakad papalayo sakanya.

____________________________________________________________________________________________________________

A/N: hi guys😊 nagustuhan nyo ba ang chapter3? Hehehe ang galing ni rainier sanaol. I hope you like it guys and readwell😊



When You Realize You Love HerWhere stories live. Discover now