Chapter 8­- Sport Festival

45 7 1
                                    

Karina's POV

4:30am nako gumising para kumilos, maaga ako ngayon papasok kasi sabi din ng President namin at madami pa kaming aasikasuhin para sa café booth namin, nagprepare nako ng breakfast namin at sinabihan ko na si Daddy na sya na muna ang maghahatid kay Klein sa school nya dahil maaga akong aalis, pagkatapos kong kumain pinuntahan ko si Klein sa room nya para gisingin.

"Klein? gising kana. Aalis na si Ate" gising ko kay Klein.

"hm?" sagot nya sakin habang nakapikit parin.

"aalis na ako, si Daddy na muna ang maghahatid sayo today hah? babye baby" sabi ko kay Klein sabay kiss sa noo nya bago umalis.

Nasa kotse nako ngayon papunta sa school namin and it's 5:36am. Inaantok pako ghad bat ba kasi ang aga namin. Pagkadating ko ng school nag park nako at pumunta sa booth namin.

"Hey" bati ko sakanila, kunti palang kaming nandito siguro otw pa yung iba.

"Hi Karina, nakaassign ka pala dito sa cashier" sabi ni Bea ang President namin.

"hah? bat ako sa cashier? diba si Kristel dun? sya yung Treasurer natin e" sabi ko sakanya.

"sorry Karina, si Kristel kasi nag paalam sakin manonood daw sya ng game ng Black Eagle mamaya" sabi sakin ni Bea, shaaks manonood din ako.

"hala manonood din kasi ako nun" paalam ko naman sakanya.

"hm? hala sorry Karina, ikaw lang kasi makakapagkatiwalaan ko sa casher e, pasensya talaga. Yung iba kasi satin kasali sa game, yung iba naman may ginagawa na ikaw nalang talaga naisip ko e" sabi sakin ni Bea na halatang nastestress na.

"haayy, nangako kasi ako kay Rainier na manonood ako ng game nya" pagmamakaawa ko sa President namin.

"sorry talaga Karina mas nauna kasing nagpaalam si Kristel e" sabi sakin ni Bea na halata ang lungkot sa boses nito. HAAIISHH

"okay, sige mag papaalam nalang ako kay Rainier" sabi ko kay Bea na ngayon ay lumiwanag na din ang mukha.

"THANKYOU SO MUCH KARINA!" sabi nya sabay hug saakin.

Inaayos ko na ang gamit ko at nagbihis narin ng batchshirt namin para magready, mayamaya din ay magoopen na ang café booth namin, lalabas na sana ako ng CR nang may nag text sakin kaya binasa ko muna ito.

From:

My Monkey🐵:

Ey Mandu hindi nako makakadaan dyan mamaya sa booth, kita nalang tayo sa court later:)

Ghad hindi ako makakanood ng game nya, argh nakakainis talaga. Panigurado mag tatampo nanaman tong si Rainier sakin hindi ko pa kasi sya napapanood maglaro simula nung sumali sya sa basketball team huhuhu.

Send to:

My Monkey🐵:

Rainier sorry hindi ako makakanood ng game mo kasi kulang ng tao dito sa booth, ako ang ginawang cashier ni bea. Sorry Rainier, babawi ako sayo promise! (Send failed)

What the heck! wala nakong load arghhh! Pupuntahan ko na nga lang sya.

[Bea's calling]

shit tumawag na si Bea haayyy

"Hello Bea? bakit?" tanong ko kay Bea.

"Karina asan kana? magoopen na tayo" sabi nya sakin.

"h-hah? osige papunta nadin ako" sabi ko kay Bea at pinatay na ang tawag nya.

Nag mamadali nako ngayon, kailangang makita ko si Rain ngayon para masabihan ko man lang sya baka kasi umasa sya. Hinahanap ko sa daan si Rainier para masabihan ko man lang.

When You Realize You Love HerWhere stories live. Discover now