Chapter 20

21 3 0
                                    

Rainier's POV

Natapos na ang Party ni Hazel at unti-unti nading nagsisialisan ang mga tao. Hinahanap ko ngayon si Hazel para magpaalam sakanya, habang hinahanap ko si Hazel ay may bigla akong narinig na naguusap at di ko naman sinasadyang pakinggan ang pag-uusap nila kung sino man sila.

"Sorry na Babe, hindi ko na nga uulitin" pagmamakaawa ng lalake sa kausap nya.

"bahala ka sa buhay mo! wag mokong subukang sundan Carl!" sigaw ng babae na ikinagulat ko kaya sinilip ko sila at nagulat ako ng makitang si Karina at Carl ang nag-aaway, lalapitan ko na sana silang dalawa nang biglang yakapin ni Carl si Karina habang umiiyak at wala namang nagawa si Karina kundi yakapin nalang din si Carl.

"Rainier, ginagawa mo dyan?" biglang tawag sakin ni Blake na ikinagulat ko dahilan para hilahin ko sya at nagtago kaming dalawa.

"b-baki---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Blake ng takpan ko ang bibig nya at sinenyasan ko na manahimik sya.

"si Karina at Carl n-nandyan, baka marinig tayo!" pabulong na sabi ko sakanya at tumango naman sya sakin tyaka ko sya binitawan.

"bakit? ano bang meron?" pabulong na tanong sakin ni Blake at umiling nalang ako sakanya saka hinila sya palayo sa lugar.

"eyy Bro, ano bang nangyare?" tanong sakin ni Blake.

"wala naman, nakita ko lang na nag-uusap silang dalawa" sabi ko sakanya sabay naglakad na papunta kela Hazel at sumunod naman sakin si Blake.

"e bat parang nastatwa ka? tas gulat na gulat kapa nung tinawag kita wala naman sigurong problema kung makita ka nila diba?"

"basta Blake, manahimik ka nalang dyan"

"fine!"

Nang makarating na kami kela Hazel ay agad nakong nagpaalam sakanila at nagpaalam nadin ako sa parents ko na may pupuntahan lang ako. Nasa kotse nako ngayon at nagdadrive papuntang beach, nag dala nadin ako ng beer pampatulog, nang makarating nako agad akong dumeretso sa rest house na nakita namin ni Karina at bigla naman akong natawa ng maalala ko ang tawag nya dito.

"secret hideout" sabi ko sabay pumasok nako sa loob. Dumeretso ako sa may balkonahe kung saan tanaw ang karagatan at dama mo ang lamig ng hangin, naupo nako at binuksan ko na ang beer na hawak ko at tumingin sa kalangitan at uminom.

"para ka talagang buwan Karina" sabi ko sabay ngumiti.

"ang lapit mong tignan pero sobrang layo naman ng distansya mo sakin at di kita maabot" sabi ko sabay abot ng buwan kahit di ko naman ito maabot, hindi ko namalayan na may luha nang kumawala sa mga mata ko. Nakalahati ko na ang beer ko nang may biglang nagsalita mula sa likuran ko na ikinagulat ko.

"Rainier?" rinig kong tawag sakin ng kung sino dahilan para mapatingin ako sakanya.

"K-karina?" gulat kong tawag sakanya at ngumiti naman sya sakin.

"Hi Rain" bati nya sakin tyaka lumapit sa tabi ko at umupo.

"ahm hi?" nagtatakang bati ko sakanya at nginitian naman nya ako ulit.

"a-anong ginagawa mo dito Karina?" tanong ko sakanya sabay tingin sa karagatan.

"uhm, wala naman gusto ko lang magpahangin" sagot naman nya sakin.

"ow okay"

"e ikaw? bat nandito ka? tyaka bat umiinom ka?" tanong sakin ni Karina habang tinitignan ako.

"wala naman, gusto ko lang din magpahangin" sagot ko sakanya habang nakangiti tyaka tumingin sakanya.

"wait" biglang sabi ni Karina sabay hawak sa pisngi ko na ikinagulat ko.

"umiyak kaba Rainier?" nag-aalalang tanong saakin ni Karina habang tinitignan ang mata ko at hawak paden ang pisngi ko.

"hah? h-hindi ah, antok lang ako" sabi ko sakanya at tumingin na ulit ako sa karagatan. Mayamaya din ay may narinig akong hikbi kaya napalingon ako agad kay Karina at nakita ko syang umiiyak habang nakatingin sa kalangitan.

"hey Mandu, bat ka umiiyak? may nangyare ba?" nag-aalalang tanong ko sakanya. Agad nya namang pinunasan ang mga luha nya at umiling habang nakayuko.

"haish, Mandu sabihin mo na saakin" sabi ko sakanya sabay tapik ng dahan dahan sa likod nya.

"w-wala naman" sabi nya habang nakayuko padin.

"sure karina? Hindi ka naman umiiyak ng walang dahilan e" mahinahong sabi ko sakanya tyaka pinat ko ang ulo nya. Tumingin na sya sakin at ngumiti tyaka niyakap ako.

"mamimiss kita Rain" bulong sakin ni Karina habang yakap ako.

"mamimiss din kita sempre Mandu" sabi ko at niyakap ko na din sya pagkatapos ay hinarap ko sya saakin.

"di ko din naman gustong umalis e... pero kasi kailangan" sabi ko sakanya at di ko namalayan na may luha na namang tumulo mula sa mga mata ko.

"kung ayaw mong umalis Rainier edi wag!" biglang sabi ni Karina sakin habang nakatingin ng masama sakin dahilan para matawa ako.

"bat ka tumatawa dyan? seryoso ako Rainier! Wag ka nang umalis, please?" sabi nya sakin at naluluha na sya ngayon.

"Karina Im sorry" tanging nasabi ko sakanya at di ko na napigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

"for what? ano bang problema Rainier? bakit kaba aalis? ano bang dahilan hah? bakit mo bako iiwan!? bak--" hindi na natuloy ni Karina ang mga sasabihin nya ng bigla akong sumigaw.

"DAHIL SAYO KARINA!" sigaw ko sakanya at yumuko nako habang umiiyak. Im sorry Karina...

"w-what?" nagtatakang tanong sakin ni Karina.

"I-im sorry Karina" pabulong nasagot ko sakanya, pakiramdam ko nawalan nako ng lakas.

"para saan Rainier? ano bang nagawa ko sayo? k-kung may nagawa man ako s-sorry, kung dahil ito kay Carl s-sorry Rainier" sabi nya sakin habang umiiyak.

"w-wala kang nagawa Karina, a-ako yung may k-kasalanan" shit this tears!

"wala ka namang nagawang mali Rai--"

"meron" pabulong na sagot ko sakanya.

"eh ano? sabihin mo naman Rainier! Sabi--"

"MAHAL NA KITA KARINA!" pag-amin ko sakanya na ikinagulat nya. "mahal na kita..." wala na syang nasabi.

"Im sorry Karina, d-di ko na napigilan. P-pero ako parin naman ang M-monkey mo, Rainier mo. K-kailangan ko lang ng time p-para makamove-on. P-promise pagbalik ko a-ako padin tong Rainier na nakilala mo n-noon. Im sorry Karina" nauutal na sabi ko sakanya at tumayo na, bigla syang napatingin sakin. Ngumiti ako ng makita ko sa mga mata nya ang takot at lungkot.

"a-alis nako Karina, mag-iingat ka okay? s-seeyou tom! sana walang magbago sating dalawa dahil sa nasabi ko" paalam ko sakanya at nakatingin lang sya sakin kaya tumalikod nako at naglakad palayo.

"s-sandali" biglang sabi ni Karina at ng tignan ko sya ay nakayuko na sya ngayon.

"s-sorry Rainier, mag-iingat k-kadin" sabi nya sakin dahilan para mapangiti ako.

"bye Karina" paalam ko sakanya at umalis nako.

____________________________________________________________________________________________________________

A/N: Hi guys hehehe, sorry sa super late update:( Thankyou sa pagsubaybay sa story ko guys and Thankyou so much sa 500+ reads and sa 90+ votes!☺️ di ko akalain na makakaabot ako ng chapter 20, thankyou sa support nyo guys Iloveyou all!😘 I hope you like this update hehehe, so yun na nga umamin na din si Rainier huhuhu. Readwell guys and Thankyouuu again mwuah!

When You Realize You Love HerWhere stories live. Discover now