Karina's POV
Papunta na kami ngayon sa isang fast-food chain para omorder ng makakain, tahimik lang ang buong byahe kaya nag pasoundtrip nalang ako.
"Rain, on ko radio mo ah" paalam ko kay Rain at tumango naman sya bilang tugon.
Pagkaon ko ng radio nya ang unang kanta na tumugtog ay 'Bestfriend by Jason Chen' bigla kaming napatingin sa isa't isa ni Rain dahil sa gulat.
"HAHAHAHA ang angas naman nyan" natatawang sabi nya.
"Yeah." Simpleng sagot ko sakanya and tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
After 5mins nakarating narin kami sa fast-food chain na gusto ni Rain. Omorder na kami and pumunta sa secret place naming dalawa na nadiscover namin 5years ago. Dito sa beach na may abandunadong maliit na rest house, inayos at nilinis naming dalawa to ni Rainier.
"Tara pasok na tayo?" tanong sakin ni Rain tyaka iniabot ang kamay nya para alalayan ako.
"Okay" sagot ko sakanya at ngumiti tyaka tinanggap ang kamay nya. Mag kaholding hands na kami ngayon ni Rainier. Ghad ano ba tong nafefeel ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko, nang makapasok na kami sa 'secret hideout' namin binitawan narin nya ang kamay ko at ipinatong na nya sa mesa ang dala naming foods.
"Tara kain na tayo?" Yaya nya sakin at ngumiti naman ako bilang tugon.
"Anong oras pala tayo uuwi Rain?" Tanong ko sa kanya sabay subo ng spaghetti.
"Hmm? Anong oras naba?" Tanong nya sakin habang ngumunguya ng burger na order nya.
"Hmm 8:13pm" sagot ko naman sakanya.
"Mayamaya pag tapos natin kumain, baka pagalitan nako nila Tito dahil late na kita inuwi" sabi nya sakin at ngumiti. Tumango naman ako bilang tugon.
"Saan ka pala galing kanina Karina?" Tanong bigla saakin ni Rain.
"Hm? Nag cr lang ako, bakit sasama kaba sana?" Sagot ko sakanya habang natatawa, pero ang totoo may kinita ako kanina ayaw ko lang ipaalam sakanya kasi for sure magagalit sya sakin and magiging over protective nanaman sya lalo na kung malalaman nya kung sino ang kinita ko.
"Ow okay, antagal mo kasing bumalik, nag alala lang ako loko ka talaga" sagot nya sakin sabay smile.
Nagkukwentohan lang kami ni Rain hanggang sa maubos na namin ang kinakain namin. Nilinis na namin ang kalat namin and nagyaya na syang umuwi kasi late na daw masyado.
Wala naman akong pake kung late na masyado, basta sya ang kasama ko okay lang, alam ko naman kasing safe ako sakanya.
Nag kwekwentuhan parin kami ni Rain habang nasa byahe pauwi samin."Mandu manood ka ng game namin sa Wednesday ah" paalala nya sakin.
"Oo naman, pede bang hindi ako pumunta sa laro ng Monkey ko?" Pangangasar ko sakanya.
"HAHAHAHA yun ohh, asahan ko yan hah" sabi sakin nito habang nakangiti.
"Yeah sure" sabi ko sabay ngiti sakanya.
After 21mins nakarating narin kami sa bahay namin, time check, it's 9:19pm. Nag paalam nako sakanya tyaka pumasok ng bahay at dumeretso na sa kwarto ko para mag pahinga. Sinilip ko muna sya sa bintana para icheck kung nakaalis naba sya or hindi pa at nakaalis na sya. Mag huhugas na muna ako bago matulog.
Pag labas ko ng CR saktong tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko agad kung sino ang nag text.
From:
My Monkey🐵:
Hey my mandu nakauwi nako, sleep kana ah maaga pa tayo bukas. Goodnight and sweetdreams. Susunduin kita dyan sainyo bukas ng 6:30am. Seeyah karina😊Nabasa ko ang text ni Rainier sakin ang cute nya hahahaha, may nag text din sakin isa kaya tinignan ko kung sino.
From:
My Lover💕:
Goodnight and sweetdreams Karina, bukas susunduin kita ah sabay tayo pasok ng school 6:30am dyan nako😊 seeyou!OMG! Susunduin nya rin ako? Halaa shit urgh. Sino pipiliin ko sa dalawang to?
Send to:
Okay seeyou tomorrow!😊-----
Blake's POV
Nag dadrive nako ngayon papunta sa Bahay nila Hazel para ihatid sya, kinikilig ako ngayon kasi nakayakap sya sakin shit baka mawala ako sa focus at mabangga kaming dalawa AAAHHHHH! Mabuti nalang at nakarating kami ng ligtas sa bahay nila."bye Hazel" sabi ko sakanya sabay ngiti.
"ito oh" sabi nya sabay abot ng helmet sakin at agad ko naman itong kinuha.
"ahm, Blake may tanong ako sayo" sabi nya sakin sabay ngiti, shit ngumiti sya sakin kinikilig akooo ahhck.
"sige ano yun Haze?" nakangiting tanong ko sakanya.
"may gusto ba si Rainier kay Karina?" tanong nya sakin. Ghad nagexpect ako dun ah tas about lang pala kay Rain ang tanong pfft.
"hmm? oo e, bakit mo natanong?" sagot ko kay hazel.
"wala naman, napansin ko lang. Kasi si Karina napapansin ko din na parang may gusto din sya kay Rainier e" sabi nya sakin.
"talagaa!? wooww" sagot ko sakanya.
"yeah, pero wag mong sabihin kay Rainier ah? Hindi pa din kasi ako sure" sabi nya sakin sabay ngumiti ulit shit, alam ko na magiging cause ng pagkamatay ko huhuhu.
"hmm kung ganun edi gumawa tayo ng plano para mapaamin ang dalawa sa isa't isa?" sabi ko sakanya habang nakangiti.
" hmm osige game ako dyan! *smirk*" sabi sakin ni Hazel na mukhang excited sa magiging plano namin.
"osige, bukas nalang natin pagusapan ang magiging plano natin" sabi ko sakanya tyaka ngumiti.
"sigee, uwi kana late na din masyado e, thankyou pala sa paghatid Blake ah" sabi nya sakin sabay ngiti.
"okay Haze, babye and goodnight, seeyah tom!" sabi ko sakanya habang nakangiti at sinuot ko na ang helmet ko.
"babye, takecare Blake" sabi nya at pumasok narin sa bahay nila.
Nagdrive nako pauwi ng bahay, kinikilig parin ako sa nangyare kanina ket sinusungitan ako minsan ni Hazel alam kong soft din sya sakin hihihi. Pinarada ko na ang motor ko sa garahe namin at pumasok na ng bahay tyaka dumeretso na ng room ko at naligo bago matulog.
_____________________________________________________________________________________________________________
A/N: Sorry sa mga mali guys, ang cute ni Blake HAHAHAHAHA, I hope you like this chapter guys:) Readwell guys.
YOU ARE READING
When You Realize You Love Her
Teen Fictionwhat if rainier fall in love with his bestfriend karina, would he fight for it or no? what will rainier do if karina already has a boyfriend? will rainier confess his feelings for karina? ---------- Start: July 27, 2020