Chapter 7

37 5 0
                                    

Karina's POV

*Ring Ring*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock at inoff ko din agad tyaka bumangon na at inayos ang higaan ko. 5:07am na kaya pumunta nako sa CR para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos kong mag ayos bumaba nako para mag breakfast, Nakita ko si Klein na kumakain na kaya sinabayan ko na sya.

"Goodmorning Klien!" bati ko sakanya habang nakangiti.

"Goodmorning Ate, kain kana" sabi nya sakin sabay smile din.

"nakaalis naba sila mommy?" tanong ko sakanya habang kumakain na din ng breakfast.

"yes po, kanikanina lang bago ka bumaba" sabi nya sakin.

"ow okay" sagot ko sakanya.

"Ate ikaw ba maghahatid sakin or may susundo ulit satin?" tanong bigla ni Klein sakin.

Oo nga pala nakalimutan ko na may mag susundo pala sakin ghad, teka anong oras naba?

"may susundo satin ngayon baby" sagot ko sakanya sabay smile.

"okay po" sabi nya at kumain na ulit.

6:23am na pala ghad. Pag tapos naming kumain ni Klein inayos na namin ang gamit namin ng biglang may busina na sa labas ng gate namin.

*beep beep*

"tara na Klein?" tanong ko sa kapatid ko tyaka kami lumabas ng Bahay. Ghad kinakabahan ako ngayon bakit ba ganto nafefeel ko.

Paglabas namin ni Klien nakita namin agad ang kotse na nakapark sa tapat ng gate namin at si Rainier na nakasandal sa kotse nya.

"Goodmorning Karina and Klein!" masayang bati samin ni Rainier.

"Goodmorning kuya Rain!" bati ni Klein kay Rainier sabay fistbump sakanya.

"Goodmorning din" bati ko sabay smile.

"so ano? tara na?" sabi ni Rain sabay bukas ng pinto ng passenger seat.

Pumasok na sa kotse si Klein at umupo na sya sa backseat habang hinihintay naman ako ni Rainier pumasok sa kotse nya.

"thankyou" sabi ko sakanya tyaka pumasok na din sa kotse at umupo sa passenger seat.

"you're always welcome" sabi nya bago isara ang pinto.

"My love" pahabol na sabi ni Rainier kaso hindi ko masyadong narinig. Pumasok na si Rainier sa kotse nya at nagstastart ng magdrive.

"anong sabi mo kanina Rain bago mo isara ang pinto?" tanong ko sakanya kasi nacurious ako.

"hah? wala ah" sabi nya sabay ngiti habang nag dadrive.

"hmm okay" sabi ko sabay tingin sa labas ng bintana.

Tahimik lang ang buong byahe papunta sa school ni Klein, hanggang sa mahatid na namin si Klein sa school nya.

"bye Ate, bye Kuya!" paalam samin ni Klein bago bumaba ng kotse.

"bye Klein, takecare!" paalam ko sa kapatid ko.

"byee lil kiddo!" sabi ni Rainier bago magdrive papuntang school namin.

Tahimik ang buong byahe papuntang school, wala ni isa samin ang gustong magsalita. Sa tuwing itatry ko wala namang lumalabas na salita sa bibig ko ghad. Pagkarating naming ng school nag park na sya tyaka kami lumabas at sabay nang pumasok sa room namin, mag kaklase kami ni Rainier since kinder section 1 kami palagi. Ako ang top 1 and sya naman ang top 2 pero nung nag start syang sumali sa basketball team nahihirapan na syang humabol sa lessons pero sya parin ang top 2 namin, minsan tinutulungan or ginagawan ko sya ng activity nang di nya alam HAHAHAHA.

When You Realize You Love HerWhere stories live. Discover now