Amber's POV
Nandito parin ako ngayon sa court at hinihintay si Rainier, boy bestfriend ko si Rainier since grade2 kami. Pinagtanggol nya ako sa nang bubully saakin noon, dahil dun naging hero ko na sya at--
"Amber tara na?" Biglang tawag sakin ni Rainier.
"Oh andyan kana pala, sige tara na" sagot ko sakanya sabay ngiti.
Sumakay na kaming dalawa sa motor nya, matagal nakong may gusto kay Rainier pero hanggang ngayon hindi nya parin nahahalata na may crush ako sakanya kasi nakafocus lang naman sya palagi kay Karina.
"Andito na tayo" sabi ni Rainier sabay parada ng motor nya sa tapat ng gate namin.
"Thankyou sa paghatid Rain, mag iingat ka!" Sabi ko sakanya sabay ngiti.
"No prob Bud, sige na babye" sabi nya sakin at umalis na sya.
Hinintay ko munang mawala sya sa paningin ko tyaka pumasok na ng bahay.
"Kelan mo kaya ako mapapansin Rain?" Tanong ko sa sarili ko.----------
Karina's POV
Hindi parin ako makamoveon sa nangyari kanina samin ni Rainier, nandito ngayon si Hazel sa bahay namin, ang bestfriend ko since grade4 ako, si Klein naman nasa room na nya at naglalaro ng online games or video games.
"Haze, may sasabihin ako sayo" sabi ko kay Hazel kaya napatingin ito saakin.
"ano yun Ina?" tanong nya sakin. 'ina' tawag nya sakin short for Kar'ina'
"si Rain nandito kanina sa bahay bago ka dumating" sabi ko
"tapos?" tanong nya habang nakatingin sa cellphone nya.
"tapos, binilhan nya ko ng ice cream tas may dumi sa may lips ko pinunasan nya." sabi ko habang nakatingin sa sahig namin.
"theennnn??" excited na tanong nya at ngayon nakatingin na sya saakin.
"m-muntik na kaming mag kiss kanina" sabi ko sakanya habang nakapikit.
"omg bes!" pasigaw nyang sabi dahil sa tuwa, lokaloka talaga tong bestfriend ko.
*sigh* napabuntong hininga nalang ako sakanya.
"yiieee bes! ay teka bes, don't tell me may gusto kana kay Rainier?" tanong ni Haze sakin, hay di ko alam naguguluhan ako ngayon.
"hah? wala ahh. kapatid na turing ko dun Haze anuba" sabi ko sakanya kasi di pa naman ako sure e.
"buti naman ina, kasi paano si--" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nang kumatok sa pinto si Klein.
"Ate, I'm hungry na" sabi ni Klein habang naka pout, ang cutie talaga ng batang to.
"omoo ang cute mo Klein!" sabi ni Hazel kay Klein.
"okay baby, wait lang magluluto nako ng dinner" sabi ko sakanya sabay pat ng ulo nya.
"okay po" sabi nya sabay gummy smile saakin, ang cutecute talaga ng gummy smile nya.
"osige na cutie, dun kana muna sa room mo. Tatawagin kita pag ready na ang dinner okay?" sabi ko sakanya sabay pisil ng mandu cheeks nya.
"okay po, bye po ate Haze" sabi nya samin ni Haze bago umalis.
"tara Haze tulungan moko magluto" sabi ko kay Haze sabay hila sakanya.
"Karinaa ayokong maglutoooo!" sigaw nya sakin habang kumakawala sa pag kakahawak ko sakanya.
"hindi ka kakain kapag di moko tinulungan" sabi ko sakanya ng seryoso.
"ano ba naman yan, parang hindi kaibigan e" pagmamaktol nya at tinawanan ko sya.
"pag si Rainier pinagluluto tas kapag ako e, Andaya!" pahabol nya pa.
"HAHAHAHA haynako Haze, tara na nga" sabi ko sakanya at nagluto na kami.
Pag katapos naming magluto ni Haze tinawag ko na si Klein at kumain na kami.
----------
Rainier's POV
*1week ago*
1week straight ang practice namin for sport fest, and today ang last day ng practice namin, Monday ngayon and excuse kaming mga players sa pasok dahil sa training, 1week nadin akong hindi pumapasok haish mag hahabol nanaman ako nento. Mamaya susunduin ko si Karina sa kanila kasi manonood daw sya ng practice namin ngayon.
"Bro, anong oras mo susunduin sila Karina?" tanong sakin ni Blake.
"mamaya mga 1pm Blake, bakit? excited kana makita si Hazel?" pangangasar na tanong ko sakanya.
"sempre naman 1week ko na din syang hindi nakikita HAHAHA" sagot nya sakin, mokong talaga to si Blake.
"loko ka, bilisan mo na kumain 12:46pm na oh" sabi ko sakanya, lunch time namin ngayon and mag stastart ulit kami mamayang 2pm hanggang 7pm.
Pagkatapos namin kumain ni blake na ready nako para sunduin si Karina and Hazel sa bahay nila. Nag dadrive nako papunta sa bahay ni Karina ngayon, pag karating ko kela karina pinarada ko na ang kotse tyaka tinawagan sya para sabihing nandito nako sa harap ng gate nila. Mayamaya din lumabas na si Karina sa bahay nila.
"hey Rain, kamusta training?" pagbati sakin ni Karina pagbukas nya ng pinto.
"hi Mandu, okay lang naman nakakapagod lang HAHAHA, btw madami naba kong namiss nalessons?" sagot ko sakanya sabay drive papunta kela Hazel.
"hmm, yeah madami dami nadin. Sabi ni Mrs. Gonzales ako ang magiging tutor mo" sabi nya habang may katext sa cellphone nya, siguro si Hazel sinabihan nyang papunta na kami.
"ow okay, pag tapos ng sport fest tuturuan mo na ko?" tanong ko sakanya habang nakafocus sa daan.
"yeah, kaya mag ready ka." sabi nya sakin.
after 12mins nakarating na kami sa bahay ni Hazel at sakto naman na nag aantay na sya sa labas ng gate nila. Pinarada ko na ang sasakyan sa tapat ng gate nila at pumasok na sya tyaka kami umalis.
"Hi Rain! hi Ina!" bati samin ni Hazel nang makapasok na sya.
"hey" bati ko kay Hazel.
"hello Haze" sagot ni Karina habang nag cecellphone. Hmm sino kaya katext nento ang busy nya ah.
"Mandu, sino katext mo?" tanong ko sakanya habang nakafocus sa pagdadrive.
"hm? wala naman klasmayt lang natin." sabi nya sakin habang nakatingin parin sa cellphone nya.
"eheem!" napaubo naman si Hazel sa sagot ni Karina, hmm mukhang may hindi sila sinasabi sakin.
"okay" simpleng sagot ko sakanila.
after 15mins nakarating narin kami sa school. Nag park nako at lumabas na kaming tatlo sa kotse, kita ko na agad ang nakangiting si Blake HAHHAHA haynako lalakeng yun talaga oh. Nag lakad nako papuntang court habang nakasunod naman saakin ang dalawa habang naguusap. And time check, it's 1:54pm.
"ey Blake, si Coach asan?" tanong ko kay Blake na mukhang mapupunit na ang labi sa lake ng ngiti nya.
"Hello Karina! Hello Hazel My loves!" bati nya sa dalawa, ghad hindi man lang ako pinansin.
"hello Blake" sagot ni Karina sabay ngiti.
"hi." sagot ni Hazel na halata ang pagkairita sa mukha nito HAHAHAHA.
"BRO! Si Coach kako nandyan naba?" tanong ko ulit sakanya ng pasigaw para magising sya sa pantasya nya.
"hah? oo nandyan na sa loob inaantay ka" sagot nya sakin
"okay, tara na?" sabi ko sakanila at naglakad na kami papasok sa court ng school namin.
_____________________________________________________________________________________________________________
A/N: Hello guys, nagustuhan nyo ba? hahahaha ang cute ni hazel and blake. malapit na ang sport fest yeyy. ano kayang mangyayare sa sport fest hmm. Readwell guys:)
YOU ARE READING
When You Realize You Love Her
Teen Fictionwhat if rainier fall in love with his bestfriend karina, would he fight for it or no? what will rainier do if karina already has a boyfriend? will rainier confess his feelings for karina? ---------- Start: July 27, 2020